Daeji Pov
Naglalakad na kami ni Seig at sinusundan namin yung mapa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil kasama ko siya. Kumbaga AWKWARD.
"Alam mo ba kung bakit ako ganito?" Bigla siyang nagsalita. Akala ko kasi katahimikan nalang ang mamumutawi saamin.
"Hindi eh, Eh bakit ka ba ganyan?" tanong ko sakanya.
"Hindi ko din alam eh" Niloloko ba ako ng taong ito? Huminto siya sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako. Humarap siya saakin at tinignan niya ako sa aking mga mata.
"Kasi dahil sa ex ko. Sabi ko dati 'I'll never stop loving her, this heart will always beat for her'"Sabi niya habang tinuturo yung puso niya.
"Pero wala eh. Dinurog niya yung puso ko.Alam mo yung pakiramdam na yun?yung para kang nakadrugs at na-overdose ka kaya ang epekto,kung ano-ano na ang pinag-gagawa ko to the point na hindi ko na makilala yung sarili ko.Sabi ko sa sarili ko,sana makahanap ako ng SOMEONE na makapagbabalik sa dating ako pero Daeji,pakiramdam ko pare-pareho lang sila. Hindi na ako muling humanap ng iba dahil natatakot ako baka masaktan ulit ako. Natatakot akong magmahal ulit Daeji, I'm such a coward to face the reality."sabi niya habang unti-unting nangingilid ang kanyang luha. At heto nanaman ako. Nararamdaman ko nanaman yung pakiramdam na ayaw ko siyang nasasaktan. Niyakap ko siya.
"Cowards are not the ones who suffer from love, cowards are the one who don't fall in love cause they're too afraid to suffer. Pero hindi masamang magmahal ka ulit, tandaan mo lang na mahalin mo muna ang sarili mo bago mo ibigay ang pagmamahal na iyon sa iba. Try to move on Seig, you'll never go on to the next chapters of your life if you stick on the last one you're in." Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya at kita ko ang luhang pumatak sa kanyang kaliwang mata. Mariin siyang pumikit sabing..
"But I'm afraid of falling" Ngumiti ako sakanya
"Then I'll catch you" Ngumiti siya saakin at ganun din ako. Hindi kami magkaibigan kaya naman...
"Friends?" Inabot ko ang kamay ko sakanya
"Friends." Sabi niya at nagshakeshand kami. Dati ay magkaaway kami, ngayon ay kaibigan ko na siya. Tutuparin ko naman ang pangako ko sakanyang tutulungan ko siyang makapag move-on. Nandun parin ang nakakalitong damdamin na nararamdaman ko. Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng wala ng AWKWARD feeling sa isa't isa. Una naming hinanap ang logo na'SAVE MOTHER EARTH' na nakasulat sa isang kahoy na rectangle. Syempre may picture yung mga hahanapin namin para alam namin ang dapat hanapin.Nagsimula na kaming maghanap ni Seig.
"Pssh. Quins, ang hirap naman di ko makita !>o<" Reklamo niya. Ayan nanaman ang Quins na yan.Simula kanina,yan ang tawang niya saakin.Pero syempre ako rin meron.Mwahahaha. Ang galing nga eh.To enemy naging friends na. Bilis ah ! At feeling close na siya saakin. Naiisip ko tuloy, bipolar to -_- Kanina lang kung makapag-drama siya akala mo iniwan na ng mundo tapos may nalalaman pa siyang pagiging cold, hindi naman bagay.
"Tss. Gamitin mo kasi mata mo Si-Seig(sisig) hindi yung puro dada ka lang."
BINABASA MO ANG
I Never Wanted This
RomanceI Never Wanted This By: Krypton_Ice "Falling in love is easy, staying in love is a challenge, letting go is hard, and MOVING ON is the hardest." Moving on with SOMEONE, SOMETHING, AND 'THAT SITUATION'.. Will I able to make that MOVING ON easy? --- ...