KABANATA 3

3K 86 7
                                    

Kabanata 3

Fired

--

"Maraming salamat po," sabi ko sabay tanggap ng isang daan na pera pagkatapos kong mag-tutor sa kanyang anak.

"Walang anuman, hija. Bukas ulit," ani Aling Mila.

"Bye, ate Cassandra!" si Avery, ang tinututor ko.

"Bye!"

I went back home after that and got ready to go to the convenience store. Cashier ako roon. I have a uniform to wear and that’s already in the store. Magpapalit nalang ako roon.

Hindi na nang usisa pa sina Aling Mia at Aling Evelyn kung sino ang babaeng bumisita sa akin kanina. Tinanong lang kung kilala ko ba iyon. Sabi ko nalang na hindi. Nagkamali lang siya ng pinuntahan. Pagkatapos noon ay hindi na sila nagtanong pa.

I also don't want to tell others what's going on in my life. Wala akong balak ipagsabi na Agravante ako. Sa tingin ko naman hindi magandang ipagkalat iyon lalo na at may isang Agravante na roon. All I want now is to tell the Agravantes the truth. Hindi ko sigurado kung maniniwala sila pero sa tingin ko, hindi.

Tama si Amelia kahit papaano. Hindi basehan ang itsura para paniwalaan nila ako. Siguradong napamahal na sila sa pekeng Elizabeth. Siguradong mahirap na sa kanila ang mahiwalay sa kanya at paniwalaan ang isang tulad ko. At kahit papaano, nasasaktan ako roon.

I thought that I might have no hope because I'm sure no one will believe me. But I had to fight. I have to believe in myself. I know I can also prove later that I am an Agravante. That I am Nirvanna Elizabeth Agravante.

"Thank you, Ma'am," sabi ko sa isang customer.

Umalis siya at umupo naman ako sa isang upuan roon habang naghihintay pa ng customer na magbabayad. Hindi naman ganon kalaki ang convenience store. Sakto lang ang laki nito. There's a guard at the door, then I had another one with me, Greta, who was a little older than me. Siya ang nag aayos ng mga nagulong products roon. Tapos sa labas may mga table para kung gusto mong sa labas kumain o tumambay muna, pwede ka roon.

"Ang bata bata mo pa para magtrabaho rito. Saan ka nga ulit nag aaral?" tanong ni Greta nang mapunta siya sa may malapit sa akin, nag aayos pa rin siya.

"Sa Georgina University. Kailangan na kailangan ko kasi ng pera."

"Oh? Sa mga Agravante. Mahal roon, ah?"

"Scholar ako."

"Oh! Mabuti yan. Sabi pa nila magandang mag aral dyan at para lang daw sa mga matatalino."

I just smiled slightly and didn’t speak anymore. She continued to arrange the products and when she finished that part, she moved to the other side, a bit far from me.

Nakita kong may pumasok na customer. Mga pamilyar iyon na mga lalaki. Nagtatawanan sila at halatang galing sa practice ng kung ano. Nagtama ang mga mata namin ni Brandon at kita ko ang bahagyang pagkagulat niya na nandoon ako. Nagulat rin ako. Pero hindi ko 'yon pinahalata at nag iwas na lamang ng tingin.

This convenience store is close to the school so it's just normal for them to go here after practice. Sinundan ko ng tingin ang mga kalalakihang nagsisimula nang bumili ng tubig at pagkain nila. I stood up to prepare for their purchase.

"Oh! Hindi ba ikaw yung..." anang isang lalaki na lumapit.

Kinuha ko ang mga kinuha niya at pinatunog. Nasulyapan ko ang paglapit rin ni Brandon. Tinapik niya ang kaibigang nagsalita at may sinenyas na hindi ko malaman kung ano. Pero natahimik naman ang lalaki.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon