Kabanata 37
Remember
--
Pinagkakaguluhan si Daddy nang lumabas siya sa building namin. Maraming reporters ang naka abang sa kanya at sinugod agad siya para magtanong sa maraming bagay. Dahil hindi na lihim ang pagkakapunta ni Elizabeth sa DSWD ay sigurado akong alam na ng lahat ang tungkol roon. Pati na rin ang pagkakakulong ni Amelia na siyang pinaka pinagkakatiwalaan ng mga Agravante noon. At ngayong nandito na si Daddy, may kumalat pang picture namin na magkakasama, natural lang na guguluhin siya ng media.
"Mr. Agravante! Pwede po bang malaman kung bakit dinala niyo ang inyong anak sa DSWD?"
"Bakit po nasa DSWD si Elizabeth Agravante, Sir?"
"Sir! May kumakalat po ngayong picture na kasama mo si Pauline Agravante at ang isang dalaga. Anak niyo rin po ba iyon?"
"Sino po ang dalaga na kasama niyo sa picture, Sir?"
"Sagutin niyo po ang tanong namin, Sir! Bakit nasa DSWD si Elizabeth Agravante at may kasama kayong ibang dalaga sa airport?"
"Sino po ang dalaga na iyon, Sir?"
Hindi makadaan si Daddy dahil sa dami ng reporters. Maraming tao at maraming camera. There were also many mics waiting for him to speak. Meron ring mga cellphone na handang irecord ang mga sasabihin niya. I'm a little nervous and Mommy immediately took my hand. I looked at her and she smiled softly at me, she knows that I'm nervous and worried.
Kanina ito nangyari at hanggang ngayon hindi pa rin nakakauwi si Dad. Magkasama kaming nanonood ni Mommy sa balita at hindi ko alam ang gagawin ko. Nag aalala ako kay Daddy dahil baka mas lalo siyang ma-stress sa mga tanong ng media.
Nang muli kaming tumingin ni Mommy sa tv ay nagulat kami nang nakita rin si lolo roon! Pinagkakaguluhan rin siya at marami ring tinatanong sa kanya. Ang mga bodyguards namin ay pilit pinapa alis ang mga makukulit na reporters para lang makadaan si Daddy at lolo.
"Senyor Agravante, pwede po ba kayong magsalita tungkol sa nangyayari sa pamilya ninyo? Marami pong tao ang gustong malaman kung bakit nasa DSWD si Elizabeth Agravante!"
"Marvino Agravante, bakit niyo po hinayaan ang anak ninyo sa DSWD? May ginawa po ba siyang masama?"
Tumigil si Daddy sa pagsusubok na maglakad sa dami nila. Lolo also stopped next to him. Kislapan ng camera ang nakita ko at bahagyang natigil ang mga reporters sa pagtatanong dahil sa pagtigil nila Daddy.
"Elizabeth is not an Agravante. She's not my daughter," malamig sinabi ni Daddy, hindi ko inasahan!
Nanlaki ang mga mata ko at hindi naalis ang titig sa tv. Nagkagulo na naman ang mga reporters!
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Sino po ang anak ninyo kung ganon?"
"Paanong hindi siya Agravante?"
"Ang dalagang kasama niyo po ba sa picture ang tunay niyong anak?"
"Sino po ang dalaga sa picture?"
"Sir!"
Dumating ang iba pa naming bodyguards at bahagyang napa atras ang mga reporters kaya nakadaan sina Daddy at lolo. Wala na silang sinabi pagkatapos noon. They quickly got into the car and closed the door. Pinagkaguluhan ng mga reporters ang SUV nila hanggang sa umalis ito.
Umawang ng bahagya ang labi ko at hindi nakapag salita dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwala. Sinabi ba talaga ni Daddy na hindi niya anak si Elizabeth? Alam kong mahal niya si Elizabeth kahit papaano kaya paano niya nasabi ang mga salitang iyon ng ganon ganon lang? Masyado ba siyang nagagalit?
BINABASA MO ANG
Door of Happiness (Agravante Series #1)
Romance[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for her and she was shocked the moment she reads it. The letter was saying that she's not Cassandra Juar...