Kabanata 13
Job
--
"Saan ka galing? Bakit ang tagal mo?" si Audrey na mukhang hindi nagustuhan na naiwan siya nang matagal kasama si Arjun.
"Nag banyo lang," simple kong sagot at ngumiti.
Sumulyap ako kay Brandon na naupo na rin sa table nila ng mga kaibigan niya. Nakatingin rin siya sa akin. Niyaya ko na siyang bumalik dahil masyado na kaming nawawala nang matagal. Tsaka nahihiya na rin ako sa kanya. Umiyak ba naman ako sa harapan niya, sa dibdib niya! Tapos ginamit ko pa ang panyo niya. Nakakahiya talaga.
But I'm really thankful because even when I asked him to leave, he still stayed by my side. He accompanied me as I cried and released all the pain I was feeling. Naisip ko sobra na akong naka abala sa kanya. Sabi niya bored siya kasama ng mga kaibigan niya roon pero mas lalo lang siguro siyang na-bored nang umiyak ako sa kanya.
He's kind though. He wasn't angry with what I did and he also didn't force me to tell my problem. I'm happy with that. Masaya ako na natiis niya ako, na nagkaroon siya ng napaka habang pasensya sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasan ang ngumiti habang inaalala ang nangyari. Hindi na halata sa mga mata ko ang pag iyak, hindi na sila masyadong namamaga. At magaan na rin ang pakiramdam ko. Thanks to Brandon who stayed by my side.
Sa tingin ko naman hindi ako ganon ka-malas dito sa mundo. May mga tao pa rin na handang manatili sa tabi ko.
"Nag banyo lang pero napaka tagal? It almost took you thirty minutes!" reklamo ni Audrey.
"I'm sorry, okay? May inayos pa ako sa locker ko kaya natagalan," palusot ko nalang.
Ngumuso siya at tumingin kay Arjun na nasa tabi namin. Magkaharap ulit kami ni Audrey at nasa tabi si Arjun. Napatingin rin ako kay Arjun at nakita kong bumuntong hininga siya.
"Alam ko na ayaw mo sa akin pero pwede ko bang malaman kung bakit?"
My mouth turned 'O' because of Arjun said. Hindi ko inasahan iyon, ah.
Nagtaas ng isang kilay si Audrey kay Arjun. "Why do you want to know?"
"Dahil wala naman akong ginagawang masama sayo. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin."
"Bakit gusto mong maintindihan? You also shouldn't care about me because like you said, I don't like you, I didn't show anything but hate for you so you should just be angry with me too."
Whoa. Whoa. Okay. Parang napasama nga yata ang pagkawala ko nang matagal. Ngayon hindi ko alam kung paano na sila pipigilan dahil sunod sunod na sila ng sagutan.
"Wala akong matandaan na may ginawa ako sayo na mali. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ka sa akin," si Arjun na seryoso na.
"Hindi mo na iyon kailangan pang malaman! I don't like you and that's all!" iritadong sambit ni Audrey.
"Siguro katulad ka rin ng ibang students rito na estado ng buhay ang tinitignan. Mahirap lang ako at scholar lang rito kaya ayaw mo sa akin, ganon ba?"
"What? How dare you say that! I'm not that kind of person. Pwede ba? Hindi mo ako kilala kaya wag na wag mo akong pagsasabihan ng ganyan!"
"Bakit ka ganito sa akin, kung ganon? Mabait ka kay Cassandra pero sa akin hindi?"
"Ano bang gusto mong mangyari? Magustuhan kita?"
"Gusto ko lang maging kaibigan lahat ng kaibigan ni Cassandra. Iyon lang!"
Natawa si Audrey. "Talaga ba? O baka naman may gusto ka na sa akin?"
"Ano?"
Whoa! Tumayo ako at hinampas ng notebook ang table. Natigil at napabaling sa akin ang dalawa dahil roon. Pumameywang ako at tinignan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Door of Happiness (Agravante Series #1)
Romance[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for her and she was shocked the moment she reads it. The letter was saying that she's not Cassandra Juar...