KABANATA 8

2.9K 70 0
                                    

Kabanata 8

Boyfriend

--

Hindi ako pinilit ni Audrey na magtungo agad sa mga Agravante. Para sa kanya, ako dapat ang magdesisyon non. Hindi pa ako handa kaya napag desisyunan kong wag na munang pumunta. I need to prepare myself first. At isa pa, malaki ang posibilidad na hindi nila ako paniwalaan. Kailangan ko talagang maging handa sa mga sasabihin nila.

"I really can't believe you're an Agravante. At hindi rin ako makapaniwala na peke ang babaeng matagal na naming kinikilalang Agravante!" si Audrey habang kumakain kami sa field.

Ilang linggo na ang nakalipas, at hindi pa rin ako handa. Hindi ko alam kung magiging handa pa ba ako. Pilit ko pang hinahanap ang tapang na meron ako. Tila nawala iyon nang naisip ko ang mga masasakit na salitang matatanggap ko.

Wala namang nangyaring maganda sa mga araw ko noong nakaraan. My grades are still good. I still always see the Agravantes but there's no more interaction between us. Brandon... is always texting. Nirereplyan ko naman kahit papaano dahil... magkaibigan naman na kami.

"I still don't know if I can face them. They are too high to reach..." sambit ko.

"They are your family. Hindi man sila maniwala sayo kapag sinabi mo na ang totoo, sigurado akong paniniwalaan ka rin nila kalaunan."

"Pero hindi naman nila alam na pamilya nila ako."

"Hindi kailanman nanaig ang kasinungalingan sa katotohanan."

Napatingin ako kay Audrey. She smiled.

"Lalabas rin ang totoo. At sigurado akong iyon ang mananaig."

Malungkot akong ngumiti. "Thank you. Kung hindi dahil sayo baka nawalan na ako ng pag asa."

"Sus! Ikaw? Mawawalan ng pag asa? Hindi ako naniniwala. I couldn't even imagine that happening. You are too brave to give up."

Natawa ako. She's right. But I still knew in myself that I was slowly losing hope. Mabuti nalang talaga nandito siya para palakasin ang loob ko.

Nagulat ako nang natanaw ko si Arjun na palapit. Okay na kami noong isang linggo pa. He was sorry for what he said to me and I was sorry too. I know what I told him was wrong. Masyado lang talagang masama ang pakiramdam ko noong araw na iyon.

He smiled. Ngumiti rin ako. Nilingon ni Audrey ang nginingitian ko at doon ko lang naalala na hindi ko pa nga pala siya napapakilala kay Arjun.

"Arjun. Upo ka," alok ko nang nakalapit siya.

Tumango siya at sinulyapan ang kasama ko. Tapos nilingon niya ako at alam ko na agad kung anong gusto niyang malaman.

"Siya si Audrey, Arjun, yung sinasabi kong kaibigan ko. Audrey, si Arjun, kapitbahay at kaibigan ko," pakilala ko.

"Hi," maliit na ngumiti si Audrey tiningnan mula ulo hanggang paa ni Arjun.

"Hi. Nice to meet you," si Arjun naman.

Audrey smiled a little again and didn't add to it. Magkaharap kami ni Audrey habang nasa gilid namin nakaupo si Arjun.

Nilingon ako ni Audrey.

"By the way, I'll go to your store again later. I'm very bored at home, I always had no one to talk to."

Tumango ako. "Okay."

Nilingon ko si Arjun na hindi na kinausap pa ni Audrey. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil halatang hindi interesado si Audrey sa kanya. Itong babaeng to talaga. Kapag talaga hindi niya gusto, hindi niya gusto.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon