KABANATA 29

2.8K 64 7
                                    

Kabanata 29

Peeked

--

We went back inside the club after a while. I don’t know how I will feel about everything that happened. Halo halo ang nararamdaman ko at parang gusto kong magpagulong gulong sa kama ko sa sobrang saya!

Shit!

Pumikit ako nang mariin at tinigil ang pag iisip. Audrey's party went on for a few more hours and the rest of them got drunk right away. Johanna Agravante came home early. Nagpaalam siya sa amin at napansin kong hindi pa naman siya gaanong lasing.

"Bye, Cassandra," Johanna said to me before she left.

"Bye..." ngumiti ako at maliit na kumaway.

Umalis siya. Gusto ko pa sana siyang makasama at makilala dahil mukhang makulit siya pero mukhang kailangan na niyang umuwi. She's talkative and nice to be with. I would love to talk to her more but...

"You know each other?" Brandon asked beside me.

Napabaling ako sa kanya at muntik nang makalimutan na nasa tabi ko nga pala siya. Sa sobrang lungkot ko na umalis agad si Johanna ay nakalimutan ko na siya.

"Uh... yup. Nagkakilala kami sa... school," I lied.

I have no plans yet to tell him about me and the Agravantes. Pero nagbabalak na rin akong sabihin, siguro sa susunod o kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob? I don't know.

The party continued until almost half of Audrey's friend was drunk. Mabuti nalang may mga sundo sila kaya ligtas naman silang makakauwi. Brandon is called by his friends from time to time and from time to time he also comes to them but he also immediately comes back to me. Tinukso na tuloy siya ni Franz pero hindi pa rin siya umalis sa tabi ko.

I feel embarrassed but I prefer to be proud that Brandon is always by my side so that the girl who kissed him can see that I am the one he likes and not her. Masama ang tingin ng babae sa amin at panay ang irap kapag napapatingin ako sa grupo nila. Hindi ko nalang pinapansin.

Whatever, girl!

Palagi na silang nandoon sa table nila Franz kaya kapag tinatawag si Brandon ng mga kaibigan niya, agad rin siyang babalik sa akin dahil ayaw na niyang magalit ako. I won't be really angry anymore because I know he really doesn't like that girl.

Hinatid niya ako nang mag uwian na. Lasing na si Audrey pero hinanap niya pa rin ako. Sinabi kong si Brandon na ang maghahatid sa akin kaya hinatid ko nalang siya sa kanyang sasakyan hanggang sa umalis na sila. She was very drunk and I don't know if her parents would scold her for that. Hindi na nga matapang ang mga alak nalasing pa siya.

Ang babaeng iyon talaga!

"Salamat sa paghatid," sabi ko kay Brandon nang pagbuksan niya ako ng pintuan.

I got out of his car and walked to our gate. Sinundan niya ako roon.

"Lasing ka ba?" tanong ko nang nakitang bahagya nang namumungay ang kanyang mga mata..

"No. I only drank a little," he said.

Tumango ako at tinitigan ang namumungay niyang mga mata. Hindi ba talaga siya lasing niyan? Wala naman akong naaamoy na alak sa bibig niya dahil kaunti lang talaga ang ininom niya kanina pero bakit ganito ang mga mata niya?

"Ikaw marami kang ininom kanina. It's your first time so you'll definitely have a headache tomorrow," anya.

"Medyo nahihilo nga ako ngayon. I'll just take medicine tomorrow and cook hot soup."

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon