Kabanata 33
Nirvanna Cassandra
--
I watched Johanna, Louissa and Michelle Agravante enter our convenience store. Natigilan ako habang naglakad sila papunta sa akin. Nagtatawanan sina Johanna at Michelle pero nang sinaway sila ni Louissa ay napatingin silang dalawa sa akin. Natigil sila sa pagtatawanan.
Isang linggo na ang lumipas nang ginawa namin ang DNA test. Palagi ko silang nakikita sa school at madalas kong makita na hindi na nila kasama si Elizabeth. Hindi ko alam kung magka away ba sila o nagagalit na rin sa kanila si Elizabeth dahil siguro hindi siya kinakampihan ng mga ito.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko habang pinapanood ang mga Agravante na papalapit sa akin. I don’t know why they are here but maybe just to buy food?
"Hi, Cassandra!" Johanna Agravante greeted.
"Hi..." medyo natitigilan ko pang bati pabalik.
Ngumiti sila sa akin. Lumapit si Johanna at Michelle. Si Louissa naman ay sumunod lang sa dalawa habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin, malamig ang mga mata.
Johanna is wearing a green dress and Michelle is wearing a light pink dress. While Louissa is wearing a cherry red dress. They look like they came from a party because of what they were wearing. Medyo revealing kasi ang suot nila na dress. O ganon lang talaga sila magsuot?
"Galing kami sa party dyan sa malapit kaya niyaya ko silang pumunta rito. Bibili lang kami ng pagkain," kwento ni Johanna.
Oh. So galing nga silang party.
"Para ba talaga sa pagkain o para makita si Cassandra?" si Michelle.
Bahagya akong nagulat roon. Umirap si Johanna sa kapatid at pumangalumbaba sa counter sa harapan ko.
"Nandito ako para kumain pero... para na rin kay Cassandra," she said while looking at me. She smiled.
"Para sa akin? B-Bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko dahil napaka imposible nito!
Ako? Gustong makita ni Johanna Agravante? That's very impossible!
"Wala lang. I miss lola and I can see her on your face so..." nagkibit siya ng balikat.
Napatitig ako sa kanya sa pagkamangha at gulat na rin.
Ang Lola namin...
Masakit sa akin na hindi ko manlang siya nakita pero masaya na akong makita siya sa mga pictures. May pagka mataray ang kanyang itsura at hindi rin approachable ang kanyang dating pero ayon sa nabasa ko sa mga articles, mabait siya at masayahing tao.
Kamukha ko siya pero nahaluan nalang ako ng maamong mukha ni Pauline Agravante. Kamukhang kamukha rin kasi ni Marvino ang kanyang ina kaya... naging kamukha ko na rin siya.
"Alam mo may kung ano talaga sayo na para bang gusto kitang titigan ng matagal. Not only is it because you look like our grandmother, I also have a weird feeling about you," dagdag ni Johanna.
"You mean... lukso ng dugo?" ngumisi si Louissa.
What? Lukso ng dugo? Sa akin? Paano nila nasabi ang mga iyon nang ganon kadali?
"Lukso ng dugo? Totoo ba iyon?" kuryosong tanong ni Michelle.
"Oo! Ganon ang mararamdaman ni Mommy at Daddy kung nawala ka simula baby ka at nakita ka namin pagkatapos ng maraming taon!" tumawa si Johanna.
"Talaga?" Michelle asked amazed, unable to believe what her sister said, so innocent and cute.
Johanna laughed harder at her innocent sister and Louissa just shook her head and smirked. Hindi ko magawang makisali sa tawanan nila dahil una sa lahat, hindi ko pa sila ganon ka-close. At magiging awkward kung sasabay ako sa kanila. Ngumiti nalang ako.
BINABASA MO ANG
Door of Happiness (Agravante Series #1)
Romance[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for her and she was shocked the moment she reads it. The letter was saying that she's not Cassandra Juar...