KABANATA 7

2.9K 77 6
                                    

Kabanata 7

Secret

--

Pumayag ako sa gusto ni Brandon. I'm not really feeling well anymore so I think I need it.

Si Greta na muna ang pumalit sa akin sa counter dahil wala naman na siyang aayusin na mga produkto, maayos na ang lahat. Brandon and I sat at the table there while waiting for the water to boil for my noodles.

"Salamat rito," sabi ko pagkatapos inumin ang gamot na bigay ni Brandon.

Kumain na ako kaya ayos lang na uminom na ako ng gamot.

Tumango siya. "Kanina ka pa ba may lagnat?"

"Kaninang umaga pa pero medyo umayos naman na ang pakiramdam ko. Hindi nga lang nawawala pa ang bigat."

"Kapag masama na ang pakiramdam mo, uminom ka agad ng gamot at sabaw na makakapag papawis sayo. That won't go away if you will just rest."

Natawa ako ng bahagya. He's like my mother. She's also always scolding me back then when I'm just ignoring my fever. Sometimes she even gets mad at me because she's too worried but I'm not doing anything. Medyo may lungkot at sakit akong naramdaman sa alaala niya pero napangiti pa rin ako.

Kumunot ang noo ni Brandon sa pagtawa ko.

"What's funny?" tanong niya.

"Wala. May naalala lang ako."

"Anong naalala mo?" kuryoso niyang tanong.

"Wala..."

Ayokong sabihin na naalala ko sa kanya ang Mama ko. Baka mamaya kung ano pa ang isipin niya.

Nilingon ko nalang si Greta para hindi na siya makapag tanong pa.

"Greta, okay na yung tubig?" tanong ko.

"Hindi pa pero malapit na," ngumiti siya.

Tumango ako at muling bumaling kay Brandon na nakatitig sa akin. May maliit na ngiti sa kanyang labi kaya bahagya akong nagtaka. Bakit siya nakangiti dyan? Pero hindi nalang ako nagtanong pa. I'm not feeling well so I don't have time to argue just because of his smile. I just leaned back in my chair and closed my eyes for a moment.

"Masakit pa ang ulo mo?" tanong ni Brandon maya maya.

"Medyo," tipid kong sagot habang nakapikit pa rin.

"You should rest. Hindi ka ba muna pwedeng lumiban dito sa trabaho mo?"

"Hindi pwede, e. Mababawasan ang sahod ko."

I heard him sighed. "Okay. But atleast rest just for a while. Maya maya ka na bumalik sa counter pagkatapos mong kumain."

Tumango ako at bahagyang dumilat. He's staring at me while crossing his arms. His serious eyes mixed with concern made my heart throbbed. I closed my eyes again and tried to suppress a smile.

Damn it, Cassandra. Bakit ka nangingiti dyan?

"Ano palang ginagawa mo rito? Bakit wala kang kasama?" tanong ko ilang sandali ang nakalipas.

Hindi agad siya sumagot. Dinilat ko ang isang mata ko at nakita siyang nakatitig pa rin sa akin.

"Mmm? I'm just bored..." sagot niya.

Tumango tango ako at pumikit ulit.

"At hindi ko naman na kailangang isama pa ang mga kaibigan ko rito..." narinig ko ang diin sa mga sinabi niya.

Bigla kong naalala si Franz. Bahagya akong dumilat at tumingin kay Brandon. Ayokong lagyan ng ibig sabihin ang sinabi niya pero bakit parang...

Tumango na lamang ulit ako at hindi na nagsalita. Sakto namang sinabi ni Greta na tapos na ang pagpapainit ng tubig. Tumayo si Brandon at siya na ang kumuha ng noodles ko.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon