KABANATA 38

3K 61 12
                                    

Kabanata 38

Revenge

--

Laman na ako ng mga balita sa mga sumunod na araw. Inasahan ko naman na iyon pero hindi ako makapaniwala na makakarating talaga iyon sa balita. Sa tv! Ganon ba kakilala ang mga Agravante kaya ganito? Is our life really too important to them?

I gifted my mother a necklace for her birthday. She was so happy with my gift. And I realized that I shouldn't take a break right away at the party because her birthday is important to me. It's her birthday so I should just be there until the party is over. I should support her. So I didn't leave after Brandon and I talked. I continued to socialize even though I was already very tired.

Nakaka labas na ako ng bahay pagkatapos ng nangyari. Madalas kaming lumabas ng mga pinsan ko tuwing sabado. That's what they do on weekends, they always go out. Mom and Dad have already allowed me so it's really okay. Lalo na dahil hindi naman ako pinagkakaguluhan kapag nakikita sa public. Pinagtitinginan lang ako pero hindi sila lumalapit.

"Ihahatid kita kapag oras na ng klase namin."

Umirap ako sa sinabi ni Johanna. She told me the same thing when I agreed to go to school weeks ago but she didn't. She just left me alone with Mich even though she knew Mich's class would start in a few minutes.

Nandito na naman siya sa bahay at nanggugulo. Wala ulit sina Mommy at Daddy ngayong umaga. I ate with them earlier before they left for our building.

Umiling ako. "No."

"Van! Isang beses ka palang pumupunta sa school..." reklamo niya.

"What am I going to do there? You have classes, I don't have anyone with me."

"Patapos na ang klase ni Issa at Lorie noong umalis si Mina. You just didn't wait."

"No."

"Van naman!" ngumuso siya.

We are here in the living room and she's standing while forcing me to go with her. Nakatayo siya sa harapan ko.

"I'll be late. Hurry up!" she took my arm and pulled me up.

"Johan!"

"Hindi ka mawawalan ng kasama. Pagka alis ni Mina, maghihintay ka lang ng ilang minuto tapos tapos na ang klase nina Issa at Lorie. Pag oras na ulit ng klase nila, ako naman ang tapos na ang klase. Kaya hindi ka mawawalan ng kasama!"

"Bakit ba gustong gusto mo akong isama sa school? I'll just get bored there!"

"Marami kang makakausap. Diba, close mo naman yung mga kaklase mo noon?"

Matalim ko siyang tinignan pero nagpatuloy siya sa pangungulit sa akin. Sa sobrang kulit niya'y sumuko ako at pumayag sa huli. Damn it! Gusto kong dito nalang sa bahay at gumawa ng kung ano ano pero alam kong hindi ako titigilan ng isang to. Kahit ma-late pa siya!

Busangot ang mukha ko habang sumasakay sa SUV niya. I crossed my arms. She was next to me and smiling but I wasn’t smiling back.

"There are so many people asking me about you. So you'd better just come with me para tumigil na sila. It's so annoying kaya!"

Ngumuso ako at hindi na nagsalita. Whatever. I don't want to go back there but I can't do anything. And that's our school! Bakit hindi ako pupunta nang dahil lang sa kanya?

Bakit nga ba ayokong pumunta roon? Hindi naman yata pwedeng nang dahil lang sa kanya kaya ayokong pumunta!

I closed my eyes tightly and just looked out the window. Isang beses akong umirap habang naaalala si Brandon. Tss. Bakit ko ba siya naiisip?

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon