KABANATA 34

3.1K 82 3
                                    

Kabanata 34

Agravante

--

"Sinusundan mo ako?" nakangising tanong ni Brandon.

Umirap ako at binalik ang hawak na libro sa shelf, hindi iyon ang kailangan ko. Lumipat ako sa kabila. Sumunod si Brandon sa akin.

"Pwede bang tulungan mo nalang ako? Nakalimutan kong gawin ito kagabi at mamaya na magchecheck ang teacher kaya kailangan ko nang magmadali," sabi ko.

"Okay. But in one condition," anya at lumapit sa akin.

Oo, alam kong nandito siya sa library dahil nagpaalam siya sa akin na dito tutungo pagkatapos niyang kumain ng lunch. I also just finished eating when I remembered something I forgot to do last night and that was our assignment! Napaka sungit pa naman ng professor kaya kailangan ko talagang magawa iyon. Hindi ko sinasadya na mapunta rin dito, noh! Hindi ko siya sinusundan.

"Ano?" nagtaas ako ng isang kilay kay Brandon na nakangisi na para bang may masamang balak.

Using his index finger, he tapped his right cheek. Bumilis ang tibok ng puso ko at mas lalong tumaas ang kilay.

"Kiss," he said.

Gusto kong pag initan ng pisngi. Ang landi talaga ng isang to! Sinasamantala ang sitwasyon ko para magawa ang gusto niya! Matalim ko siyang tinignan.

"Bawal ang ganyan sa school! Hindi ba pwedeng tulungan mo nalang ako?"

"Kung gusto mong mapadali yang gagawin mo, then kiss me," he said and smirked.

Uminit na talaga ang pisngi ko. Wala akong magawa. I can do my assignment on my own but somehow it will be easier for me if he helps me. Baka nga hindi pa ako umabot sa oras kapag hindi niya ako tinulungan!

Lumapit siya sa akin habang nakahalukipkip. Ang mapaglaro niyang mga mata ay sobrang nagpapakaba sa akin!

Dahan dahang pinagpantay ni Brandon ang ulo naming dalawa. He brought his face close to mine and it was like I'm going to have a heart attack! Nasa may sulok kami ng library kaya walang tao sa paligid namin. Dulong dulo ito at tagong tago! Muli akong lumunok at inatras ang ulo ko para bahagyang makalayo sa kanya.

"What? Naghihintay ako, Cassandra..." he said.

"F-Fine! But promise me you will help me with this," banta ko.

"Of course, I promise..." he said playfully and smirked.

Matalim ko siyang tinignan pero halos lumabas na ang puso ko sa kaba! Tinignan ko ang kanang pisngi niya. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at halos nararamdaman ko na ang shelf sa likod ko. Brandon just stared at me waiting for my kiss.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit sa kanya. Bahala na! Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at nakita ko agad ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanyang labi. Lumingon ako sa paligid at nakita ko namang walang nakakita. Lumayo ako kay Brandon at tinulak siya.

"T-Tulungan mo na ako..." sambit ko, sobrang nag iinit ang pisngi!

Umayos siya ng tayo habang kinakagat ang pang ibabang labi. Nag iwas ako ng tingin at kabadong sinabi sa kanya ang librong kailangan ko para hanapin niya na rin. He chuckled and looked for the book I needed. Pumikit ako ng mariin habang nakatalikod sa kanya pero sa kabila ng abot abot kong kaba at kahihiyan, napangiti rin ako.

Palagi ay ganon ang nangyayari sa amin kapag nagkikita kami sa school. Minsan kapag nalaman niyang wala akong ginagawa ay pinapapunta niya ako sa kanya para lang magkita kami. Madalas siya ang pumupunta sa akin at magugulat nalang ako dahil pasulot sulpot siya sa kahit saan! I feel like the whole school is already talking about us because of what he's doing.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon