Kabanata 24
Galit
--
Lumabas ako ng banyo habang pinupunasan ang braso gamit ang tissue. May tira tira pa rin na cake sa katawan ko na masyadong madulas kaya hindi maalis ng tubig, ginamitan ko nalang ng tissue.
Hindi ako makapaniwalang ganito ang nangyari. Ang naisip ko lang kanina ay gusto kong ma-experience ang ganitong klase ng party sa school. Gusto kong makapag saya rin kasama ang mga kaklase at mga schoolmates. Pero palagi nalang talaga akong ginugulo ng babaeng 'yon.
Natigilan ako sa paglabas sa banyo nang naabutan si Brandon na nakasandal sa pader sa harap lang ng banyo. Siya ang nagdala sa akin dito. Walang tao sa paligid, tahimik at kaming dalawa lang.
Nagkatinginan kami. Ang mga kamay niya'y nasa kanyang bulsa at kitang kita ko pa rin ang galit sa kanyang mga mata. Napaka seryoso niya na bahagya akong kinabahan. Hindi siya gumalaw roon, tumitig lang sa akin.
"Uh... tapos na ako," sabi ko kahit obvious naman na.
"Are you okay?" he asked and his eyes dropped to my elbow.
"Yup. Uh... mukhang hindi na ako makakabalik sa auditorium. Basa na ang damit ko..."
Natigil ako sa pagsasalita nang umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin. Kinabahan ako. Gusto kong umatras pero hindi sumusunod ang katawan ko. I stayed there while watching his serious eyes still staring at my elbow.
Huli na nang napagtanto ko kung ano ang tinitignan niya. Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ang maliit kong sugat sa siko. Nasugatan iyon nang mawalan ako ng balanse. Gumasgas sa sahig pero maliit lang naman.
"A-Ayos lang ako. Maliit na sugat lang yan," sabi ko nang nakita ang mas lalo niyang pagseseryoso nang mas nakita ang sugat ko.
"Gagamutin ko to," he said.
"I said it's fine, Brandon. Maliit lang na sugat to," ulit ko.
Pero hindi siya nakinig. Hinila niya ang braso ko palabas at wala akong nagawa kundi sumunod. Hindi ko alam kung bakit nanatili pa siya sa labas ng banyo. Dapat bumalik na siya sa party at nag enjoy. Hindi na niya ako kailangan pang samahan dito.
"Uuwi nalang ako. Hindi na ako makakabalik do'n," sabi ko kahit hindi niya naman ako pinapansin.
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakita kong palabas kami ng school pero hindi sa gate. Sa parking lot kami papunta. Bumilis ang tibok ng puso ko nang napagtantong baka pupunta kami sa sasakyan niya.
"Ayos lang talaga ako, Brandon. Bumalik ka na sa party. Hinihintay ka ng mga kaibigan mo..." pilit ko.
Pero gaya kanina, hindi siya nakinig. Hindi niya ako pinansin.
Tama nga ako, nagtungo kami sa sasakyan niya. Iyon ang sasakyang gamit niya noong pumunta sila ni Audrey sa bahay ko. I still don’t know what brand of car it is but it’s obviously expensive.
Sandali niyang binitawan ang pulsuhan ko at binuksan ang back door ng kanyang sasakyan. Nanatili ako sa likuran niya, pinagmamasdan siyang seryoso sa ginagawa.
Muli niya akong hinanap nang mabuksan ang sasakyan. May kinuha siya roon at nakita kong first aid kit iyon. I leaned slightly on the back of his car and stared at him, he was still holding my wrist.
"I'm fine, Brandon..." I said, hoping he'll talk to me, this time.
He sighed and looked at me. Ngayon mas malambot na ang mga mata niya. Ilang sandali kaming nagkatinginan bago siya nagsalita.
"Did she said something bad to you?" he asked.
Sa tanong niya na iyon, naisip kong sabihin ko na kaya sa kanya ang tungkol sa akin at tungkol sa mga Agravante? I've known him for a long time and we've become quite close. Gaya kay Audrey, sabihin ko na kaya sa kanya ang lahat?
BINABASA MO ANG
Door of Happiness (Agravante Series #1)
Romance[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for her and she was shocked the moment she reads it. The letter was saying that she's not Cassandra Juar...