WAKAS

5K 127 32
                                    

This is the last. Thank you, everyone!

--

Wakas

--

When I first saw her, sabi ko, ang ganda niya!

She has an almond eyes, pointed nose, thin and pinkish lips. Lahat nalang yata ng nasa kanya nagagandahan ako!

Kahit napaka simple, kitang kita ko pa rin ang kagandahan niya. Hindi siya yung tipo ng babae na kailangan pang mag ayos para gumanda, kailangan pang mag make up para maging matingkad sa paningin ng iba, yung kailangan pang mag ayos para lang masabing babae ka.

Siya parang wala siyang pakialam sa sarili niya. Pero maganda pa rin.

Her face is gentle even though her eyes are always cold. Para bang mahinhin sa unang tingin pero kapag nakilala mo na hindi naman pala?

I can't help but follow her with my gaze everytime I see her. Palagi tuloy akong natutukso ng mga kaibigan dahil nawawala ako sa usapan at palaging natutulala! Kailangan pa nila akong hampasin para makuha ang atensyon.

"Mukhang mahinhin. Ganyan ba ang mga type mo?" si Franz at humalakhak.

Hindi ko siya pinansin. Sinundan ko lang ng tingin si Cassandra hanggang sa nakapasok siya sa kanyang building. Kakikilala ko palang sa kanya at ang sabi niya transferee siya. At oo hindi mahinhin ang mga type ko dahil walang enjoy. Palaging ako ang gumagawa ng pag uusapan. Boring at awkward. Ayoko.

She does look modest but I don't know why I can't take my eyes off her. Maybe because she's beautiful. Walang make up kaya kita ang natural na ganda!

Kahit mahinhin? Wala na akong pakialam kung mahinhin!

Ngumisi ako nang naupo ako sa table at tinignan si Cassandra. Nandito ako sa convenience store kung saan siya nagtatrabaho. I'm shocked when I found out that she's working. Sa ganda niyang yan nagtatrabaho siya?

Kanina nag uusap kami sa school nang biglang dumating si Elizabeth. Eli said that I'm courting her and Cassandra seems very pissed because of that so I went to her here to apologize. Akala ko nagseselos na siya pero hindi pala. Masyado akong nag assume!

Napagtanto ko na hindi naman pala siya ganon kahinhin. She's cold! Pero ayos lang. Crush ko pa rin siya.

Natuwa ako nang sinabihan niya ako na dapat hindi softdrinks at junkfoods ang kinakain ko kapag gutom. Dapat kanin at tubig lang. I feel like she's concern about me but I know I'm just assuming things again! She's just concerned about me because we're already friends! Damn it, Brandon.

"Anong pinag usapan niyo?" I asked when I saw her smiling while talking to the girl with her here in the store.

Tumayo siya at tinignan ako. "Wala. Tapos ka na? May bibilhin ka pa?"

I stared at her for a moment. Gusto kong ngumuso dahil nakangiti siya kanina habang kausap iyong babae pero pagdating sa akin wala na yung ngiti. Back to cold mood again!

"Tapos na ako pero dito muna ako, magpapahinga."

She nodded. "Okay."

So cold!

Tumingin siya sa table ko kung saan ako kumain.

"Ako na ang magliligpit ng pinagkainan mo," she said and left the counter.

"Yung kasama mo?" tanong ko dahil iyon ang taga linis rito at hindi si Cassandra.

Cashier lang siya, diba?

"Mukhang tinawag ni Ma'am Maureen kaya ako nalang dito. Wala pa namang customer."

Mabuti nalang hindi ako makalat kumain kundi ang dami niyang lilinisan dyan! Pero lumapit pa rin ako dahil gusto ko siyang tulungan.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon