Kabanata 36
I Don't Care
--
"I missed you!" sabay yakap sa akin ni Mich.
"I missed you too!" I said as I hug her back.
Nakabalik na ako sa Manila. Kararating lang namin ngayong araw at hindi ko alam na nasa bahay silang lahat, naghihintay sa amin. Ngumiti ako at niyakap ang iba ko pang pinsan.
"Hinayaan kami ni tita na pumasok," ngiti ni Johanna.
"Hi, tita! Tito!" bati ni Lorie kina Mommy at Daddy.
This is where Lorie studied this year and she has left the place where she studied last year. Ang alam ko gusto na ni lolo na bumalik siya kaya wala siyang nagawa kundi bumalik rito.
Kamustahan at kwentuhan ang nangyari ng ilang sandali bago nag yayang kumain si Lorie. Kanina pa daw sila naghihintay sa amin at gutom na siya. Nagpaluto pala sila sa mga kasambahay ng pagkain para sa lunch namin. At talagang hinintay nila kami para lang makasabay.
"Business rin ba ang kinuha mong course, Van?" Lorie asked me.
"Yup!" sagot ko.
"Mabuti at gusto rin ni Cassandra ang Business. Baka sa kanya ko ipamana ang kumpanya," Daddy said.
Nagulat ako roon.
"Kanino mo pa po ba iyon ipapamana? She's your only child," si Lorie.
"Isa sainyo kung hindi ganon ka-interesado ang anak ko. But because she's interested with it..." nagkibit ng balikat si Dad.
"I-I can build my own business?" sabi ko.
"Oh, you want to build your own business, anak?" nakangiting tanong ni Mommy.
"Wag na, Van. Marami tayong company, pwede tayong maghati hati kung nag aalala kang mawawalan kami," Johanna said and chuckled.
Hinampas siya ni Lorie sa braso at agad siyang napadaing sa sakit. "Wag mong pangunahan si Van!"
"That hurts!"
"Stop it!" saway ni Issa sa dalawa.
Humalakhak si Mich. Ngumiti ako sa kakulitan ng nga pinsan ko.
"Well... kung para talaga sa akin iyon, tatanggapin ko na po," sabi ko.
Ngumiti si Daddy at nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa kung ano ano. Nang natapos kumain ay nagpahinga sa kanilang kwarto si Mommy at Daddy habang tumambay kami sa pool side ng mga pinsan ko. May mga dala silang swimsuit dahil plano pala talaga nilang magswimming rito.
I just wore a crop top t-shirt and shorts. Hindi pa ako masyadong sanay sa swimsuit so...
"Ano ba yan, Van! Ba't ganyan ang suot mo?" iritadong tanong ni Johan.
"Tss. May masama ba sa suot ko?"
"That's too cheap! May isa pa akong swimsuit sa bag, gusto mo?"
"No thanks," sabi ko at naupo sa harap ng table kung nasaan ang juice at pagkain namin.
Inirapan ako ni Johanna at nagsimula na siyang lumusong sa tubig. Ngumisi ako at kumuha ng cheaps na nasa table.
I'm with Louissa and Michelle at the table while Johan and Lorie are already in the pool, nagkukulitan. Ilang sandali kaming tahimik habang pinapanood ang dalawa hanggang sa magtanong si Issa.
"You're gonna stay here for good?"
"Mmm, yeah. Nagbakasyon lang talaga si Mommy at Daddy dahil sobrang daming nangyari. Ngayon kailangan na si Daddy sa kumpanya kaya hindi na siya aalis."
BINABASA MO ANG
Door of Happiness (Agravante Series #1)
Romance[COMPLETED] Cassandra Juarez, the brave and confident woman, was very lonely and lost when her dearest mother died. But her mother left a letter for her and she was shocked the moment she reads it. The letter was saying that she's not Cassandra Juar...