KABANATA 4

3K 88 4
                                    

Kabanata 4

Grandfather

--

"I'm sorry about that," si Brandon.

Pinagsabihan ako ni Ma'am Maureen na wag nalang papatulan ang mga ganong customer. I agreed with her because I also don't want to lose this job. Kailangan kong magkapera. Bumalik na rin si Greta sa trabaho niya kaya kaming dalawa nalang ni Brandon ang naiwan.

"It's okay," sabi ko at tinignan ang mga kalat sa table nila.

Si Greta dapat ang naglilinis ng mga kalat pero nakita kong tinawag siya ni Ma'am Maureen sa opisina. Natigil tuloy ako sa akmang pagtawag sa kanya. Bumuntong hininga ako at nagpasyang ako nalang ang maglilinis. Tutal wala pa namang bumibili.

"What did she tell you?" tanong ni Brandon.

Tell me? Elizabeth? Umiling ako habang kinukuha ang mga kalat sa table. Hindi ako sumagot. Lumapit siya at tinulungan ako.

"Kaya ko na yan. Wag na," pigil ko.

"Anong sinabi niya sayo?" muli niyang tanong.

Tinignan ko siya.

"Narinig mo naman, diba? Ang sabi niya mas mahirap pa ako sa daga."

His jaw moved.

"Bago niya sinabi iyon. Ano pa ang mga sinabi niya bago nangyari iyon? Bakit ka nagalit sa kanya?"

Bumuntong hininga ako at nilingon na siya, binigay ko na ang buong atensyon ko sa kanya. Tinignan niya rin ako.

"If you're worried I'll go back to your girlfriend just because of what happened, don't worry because I have no intention of wasting my time with her. Ako na dyan," sabay agaw ng mga kalat na hawak niya.

"She's not my girlfriend," he said.

Tss. Whatever. Wala naman akong pakialam.

Bumuntong hininga siya nang hindi na ako nagsalita. Hindi na niya ako pinilit na sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Tinulungan niya rin ako sa ginagawa kahit sinasaway ko siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong tulungan rito.

"Nasaan na ang mga kaibigan mo?" tanong ko.

"Umuwi na."

"Bakit hindi ka pa sumabay sa kanila? Umuwi ka na rin. Ako na ang bahala rito."

"I want to help."

Tinignan ko siya sa katigasan ng ulo niya. The ghost of a smile on his lips didn't escape my eyes. It also disappeared immediately. Kumunot ang noo ko pero nagpatuloy nalang sa pagliligpit.

Nang natapos kami ay akala ko aalis na siya. Pero bumili pa siya ng isang chichirya at kinain sa harapan ko. Hindi nawala ang titig niya sa akin simula nang tulungan niya ako sa table nila. I didn’t know how I would feel in his presence. But I don't think I should feel anything.

"May kailangan ka pa?" tanong ko dahil nanatili siya sa may counter.

"Is that your boyfriend?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Boyfriend? Sino? Inisip ko pa kung sino ang tinutukoy niya. We don't have anyone else with us so who is the boyfriend he's referring to?

"That one in the school. The college student," anya nang napagtantong hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

College student? Si Arjun? At ano? Boyfriend? What? Why did he think Arjun was my boyfriend? Oh. I remember he saw us together earlier on the school field.

"Is he your boyfriend?" tanong niya ulit.

Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya. Why does he want to know? Ano ngayon kung boyfriend ko nga si Arjun? He just looked at me seriously.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon