Dalawang puso. Iisa ang pintig.
Hapon.
"Bakit kaya ganoon?" Nasa minesview park sila ng binata at nakasalampak sa damuhan na nilatagan nila ng sapin. Nakaupo siya habang nakaulo ito sa kandugan niya."
"May problem ba?" Kunot-noong tanong nito.
"Kasi, lahat na lang ng plano natin para gantihan sila... puro naging palpak ang kinalabasan. Hindi naman tayo nagkamali di ba? Kung meron man, saan?"
Matamang napaisip ito habang nakatitig sa kanya. Iniiwas niya ang tingin rito at sa mga taong kasama rin nila sa parke siya tumingin.
May mga pagkakataon na hindi niya kayang salubungin ang titig sa mga mata ni Bobby Drake. Bukod sa parang nahihiya siya ay may kung anong pang akit ang meron sa paraan lagi ng pagtingin nito sa kanya.
"Siguro, hindi talaga ukol na gumanti tayo sa kanila. Di sana, umpisa pa lang. Tagumpay na tayo." Pangongonsola nito. Sabi ko nga, huwag na lang kasi nating gawin."
Napahinga siya ng malalim."Nabalewala lang yata ang pagpunta natin dito."
"Hindi naman... may magandang nangyari naman. Di ba, nakagawa tayo ng treasure moments, mas nakilala pa kita ng husto at..."
"---at ano?" Dugtong niya. Napatingin siya ulit rito.
"Na-realized ko na, mahal kita."
Napaawang ang mga labi niya, kasabay ng pagkurap ng kanyang mga mata. Dahil hindi siya makapaniwala mula sa narinig sa binata.
Mahal siya nito. Hindi naman siya namali ng kanyang dinig. At wala sa mukha nito ang pagbibiro. Kusang umangat ang kanyang palad. Bahagyang sinuklay niya ang buhok nito hanggang dumausdos sa pingi.
Nais niyang iparamdam rito ang appreciation niya. Hindi lang pala appreciation sa sinabi nito. Kundi ipadama rin ang pagtanggi niya.
Pero parang nabibilisan yata siya sa pangyayari. Ayaw niyang maguluhan at gusto niyang maging malinaw ang kanyang damdamin.
"Nabibilisan ako sa totoo lang, halos isang linggo pa lamang tayong magkakilala at nagsasama. Hindi kaya, ghosting lang ang kahinatnan natin?"
"Wala naman sa bilis ng panahon 'yan... kapag tinamaan ka, hindi mo naman mapipigilan di ba? Hindi naman ako umaasa na tutugunin mo rin ng salitang 'mahal rin kita' ang ginawa kong pagtatapat sa 'yo. Sapat na sa akin na nasabi ko sa 'yo ang nararamdaman ko at mayroon kang malaking space para dito sa puso ko." Tuloy na wika ni Bobby Drake. At pagkatapos ay ipinakit nito ang mga mata. Dumampi sa mukha nito ang sikat ng araw.
Parang tumigil ang oras sa kanilang dalawa nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya'y tila isang malamyos at napakagandang musika na may meaningful lyrics ang kanyang narinig na sinambit ni Bobby Drake.
Sinabayan pa nng dahan dahan na pagbagsak sa kanila ng mga ilang dahon na may kasamang mga ligaw na bulaklak mula sa mga puno na nasa paligid nila.
Ang nararamdaman niyang disappointment kanina ay napalitan ng saya at kilig. Pakiramdam niya'y ang romantiko ng paligid nila kahit hindi pa naman valentines day.
Patuloy niyang hinaplos ang pisngi nito. Nakapikit pa rin at nakatulog na. Nag-enjoy yata sa kanyang kandungan.
Para lamang ma-shock na parang nakakita ng multo ng mag-angat siya ng tingin!
May nakikita siyang mga taong paparating na di kaaya-aya sa paningin. Pero paano sila iiwas ng hindi sila mahahalata?
Kaagad siyang yumuko. Sana'y di siya nakita.
"Bobby! Bobby! Gising" pabulong niyang sabi. May kasamang yugyog sa binata.
Napaungol ng bahagya ito. Idinilat ng bahagya ang isang mata. "B-bakit?" Ani nito.
"Paparating ang mga gremlins sa gawi natin!"
"What?!" Nabiglang wika nito. Tuluyang napadilat at bumangon mula sa pagkakahiga mula sa kandungan niya. Muntik pang maumpog ang ulo nito sa kanyang baba.
"Dali! Anong gagawin natin? Malapit na sila. Baka makita nila tayo!" nataranta na siya.
"Kalma, baka lalo nila tayong mahalata kung aalis pa tayo mula rito sa puwesto natin."
"Eh, anong gagawin natin?"
Bigla siyang kinabig nito payakap at inihiga. Bahagya siyang dinaganan na parang tinatakpan siya. Kung malisyoso ang mga nasa paligid nila. Iisipin na nagmimilagro sila sa kainitan ng araw.
"Yumakap ka rin sa akin." Bulong ng binata. Na sinunod naman niya .
Ilang minuto pa silang tumagal sa ganoong posisyon. Sinigurado nilang sa pagdaan ng mga taong iniiwasang makita sila ay hindi nito sila makikilala.
Narinig pa nga niya ang pagtikhim ni Jude. Nang madaanan sila. Hanggang sa makalampas na ang mga ito ay hindi pa rin sila nagkalas ni Bobby.
"Ano ba namang mga tao 'to? Mayroon namang Otel sa tabi. Dito pa sa mismong parke nagyayakapan." Narinig nilang sabi ng may edad na babae. Kahawak kamay nito ang may edad ring lalake na tiyak ay esposo nito.
"Para namang bago ka ng bago sa mga kabataan ngayon, Eh samantalang noong kabataan rin natin. Ayaw mo na nga akong bitiwan. Kandalingkis ka umaga man o gabi." Sagot ng esposo.
"A-ano?!" Nabaghang wika ng esposa. "Tubuan ka ng hiya sa sinasabi mo!"
"Eh, talaga naman. Nadaan lang ako sa harapan ng bahay ninyo noon eh kandahaba na ang leeg mo sa kasisilip sa tindahan ninyo. Akala eh, nakita si Vic Vargas!"
"Aba, magaling 'tong hudas na ire!" Bumitaw ito sa pagkakabitaw sa asawa at kinutusan sa bunbunan." Binaligtad mo pa! Sino sa atin ang unang nagtanong ng pangalan? Nagpapaabot ka pa nga ng sulat sa kababata ko, ang sabi mo, titigil ang tibok ng puso mo kapag di mo ako nakilala!" Tungayaw nito. Nagpatiuna ng martsa sa asawang nakabuntot habang nagkakamot ng batok.
"Nagbibiro lang naman ako. Dear, ikaw naman kasi masyado mong sineseryoso ang lahat,"
"Letse! Huwag na huwag ka magpapahilot sa akin kapag nilamig 'yang likuran mo! Sinasabi ko sa 'yo. Makikita mo!" Tuloy pa ring talak.
Nagkatinginan sila ng binata. Maya-maya ay nagkatawanan na lang.
"Gusto ko nang ganoong klase ng pagsasama bilang mag-asawa. 'Yong hanggang pagtanda ay magkasama pa rin. Saka kahit nag-iiringan ay sweet pa rin." Aniya.
"That wouldn't be impossible... I'm here para mahalin ka. Forever 'to!" Anito sabay kindat sa kanya.
"Oo na, tara, mamasyal na tayo ulit sa ibang lugar naman at baka bumalik ulit dito ang mga asungot."
"Pabalik na sila sa Hotel malamang. Gusto mo, punta tayo sa mga pasalubong store. Gusto ko bumili ng mga peanut brittle at Ube Jam."
"Gusto ko rin niyon. Bibili ako para pasalubong kina Tita at Duday.
"Tara na!" Aya ng binata at inakbayan siya.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomantikAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...