Mga labi mong sinungaling
"My God!" Natutop niya ang bibig ng tumambad sa mga mata niya ang pagtatalik ng dalawang lalake.
"R-Regine!" Bulalas ni Bobby nang makita siya. Namutla ang kulay ng mukha at parang nakakita ng multo. Naitulak pa si Jay mula sa pagkakasubsob sa kandungan nito. Itinapi nito ang kumot at agad siyang nilapitan.
Umatras siya habang umiiling-iling. Hindi niya alam ang gustong sabihin dahil sa kanyang nasaksihang eksena. Hirap siyang paniwalaan. Hanggang sa maramdaman niya ang pag-iinit sa dibdib. At ang galit na unti-unti bumabangon sa kanya.
Isa lang ang agad niyang naisip. Gusto niyang lisanin ang lugar na iyon oras mismo! Pero pinanghinaan siya ng mga tuhod. Nawalan ng lakas ang mga binti niya. Naging mabuway ang pagkakatayo niya. Pero pinilit niyang lumakad.
"L-Let me explain... please." Habol sa kanya ni Bobby Drake. Naabutan siya nito sa pintuan ng suite. Niyakap siya nito nang mahigpit buhat sa likuran.
"I-I'm sorry, nakaistorbo yata ako sa inyo... N-No, namali yata ako ng suite na pinasok." Garalgal ang boses niya. Hindi mapigilan ang panginginig ng katawan. Namalayan na lang niyang nanlabo na ang kanyang paningin dahil umiiyak na siya.
"I'm sorry, I'm sorry..."
Muli siyang nagpumiglas upang makawala sa pagkakayakap nito. Nakita pa niya sa mga sulok ng kanyang mga mata ang pagtalilis ni Jay. Kipkip nito ang mga damit. Habang inaalo siya.
She felt betrayed nang mga sandaling iyon. Bukod pa sa revelation na gumimbal sa kanya. Sinisisi na rin niya ang sarili dahil sa ikalawang pagkakataon. Nagpakatanga na naman siya sa ngalan ng pagmamahal.
At kung anuman ang hindi pa niya nalalaman kay Bobby Drake ay wala na siyang interes na alamin pa.
Buong diin niyang inapakan ito sa paa. Napaungol sa matinding sakit at nabitiwan siya nito. Kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na mabuksan ang pinto at makatakbo sa hallway papuntang elevator.
Dinig pa niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Agad siyang nakarating sa ground floor mula tenth floor.
Duda siyang agad makakasunod si Bobby sa kanya dahil hubad ito at kakailanganin pang magbihis.
Pagkalabas ng condo ay agad naman siyang nakakuha ng masasakyang taxi. Doon siya ngumalngal. Sukdulang nagkandatulo pa ang sipon at laway niya. Nawala na siya sa poise. Wala ng hiya hiya pa kahit sinulyapan siya ng driver.
Kailangan niya ng masasandalan. Kung tatawagan naman niya ang ate niya ay tiyak na sesermunan lang ulit siya. Bagay na huli niyang nais na marinig. Hindi rin naman siya showy ng nararamdaman sa kanyang tiya.
Si Duday... tiyak na pakikinggan siya ng kanyang bff.
Mabilis ang kilos niya. Pagkasuot pa lang niya ng pants na hinubad kanina at sando na nakita sa kama ay tumakbo na agad siya patungong elevator.
Sa loob pa lang ng elevator ay halos mapudpod na ang mga button dahil sa pagpipindot niya. Makarating lang agad ng ground floor.
Kailangang maabutan niya ang dalaga. Magpapaliwanag siya rito. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Ramdam niya ang pagpitik ng mga ugat sa kanyang sintido sa mga oras na iyon.
"Shit! Shit!" Usal niya. Parang ipu-ipong mabilis siyang lumabas pagbukas pa lamang ng pinto ng elevator.
Ano bang kagaguhan ang ginawa niya? Bakit ba kasi hindi niya kinontrol ang sarili at nagpadala sa libog na binuhay ni Jay sa kanya?
Nakita niya ang dalaga sa entrance. Nakatalikod ito. Mabagal ang lakad. Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan nito pero hindi siya nililingon. Nang maabutan niya ay niyakap niya ito nang mahigpit mula sa likuran.
"I'm sorry, I'm sorry." Anas na wika niya. Sising sisi siya na nasaktan niya ang pinakamamahal niya.
Pero pumalag ito at nagsalita.
Natigilan siya.
Agad na kumalas sa pagkakayakap rito. Nang humarap ito sa kanya ay gusto niyang panawan ng ulirat sa pagkakapahiya na kanyang nararamdaman.
Hindi si Regine ang niyakap niya! Na wow mali siya. Kamukha kasi ng suot nitong damit at pati buhok. Pati postura.
"Sorry! N-napagkamalan kita. Akala ko," napapahiyang hingi niya ng paumanhin. Sabay talikod. Hindi na niya narinig pa ang tugon nito. Labas siya ng condo at luminga linga. Nagbakasakali na matanaw pa rin ang dalaga.
Nang hindi niya makita ni bulto ni Regine ay agad siyang pumara ng taxi. Alam na niya kung saan ito puwedeng magtungo.
Walang tigil ang paghagulhol ni Regine habang lulan ng taxi. Nawalan na siya ng hiya sa taxi driver. In-shocked pa rin siya dahil sa nasaksihan kanina. Samu't-saring katanungan na naglalaro sa kanyang isipan ang gumugulo sa kanya. Dagdag pa na ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Parang isang punyal na humiwa sa kanyang pulso. Masakit, mahapdi ang sugat na nilikha kasabay ng pag-agos ng dugo.
Another kasawian na naman sa pag-ibig. Sa kamay ng lalakeng akala niya ay okay sa alright na. Pero binigo siya. Hindi lang dahil sa pagtataksil nito. Kundi ang natuklasan niya sa pagkatao nito.
Gusto na niyang magwala! G na G siya. Gustong na niyang manakit! Unfair ang buhay pag-ibig para sa kanya. Sabi nga'y pantay pantay raw ang lahat ng nagmamahal. Pero bakit pagdating sa kanya'y dehado siya?
Buong biyahe siyang nag-iiyak, hanggang sabihan siya ng driver na nasa harap na sila ng bahay ng kanyang kaibigan. Agad siyang umibis sa taxi pagkabayad sa driver.
Bubuksan na lang niya ang gate ay napigilan siya ng paghinto ng isa ring taxi sa kanyang likuran.
Umibis mula roon si Bobby Drake. Nagmamadaling nilapitan siya pero pinigilan niya.
"H-huwag mo akong lalapitan," babala niya.
"Mag-usap tayo, please?" Samo nito.
"Hindi ngayon, bukas at kailanman. T-tapos na sa atin ang lahat." Matigas na wika niya sa kabila ng paggaralgal ng kanyang tinig.
"N-no!" Nabiglang wika nito sa kanya. Natulig mula sa narinig. "Nagbibiro ka lang? Di ba?" Hindi makapaniwalang wika nito. Nagpanic.
Ikinuyom niya ang mga palad. Gusto niyang saktan ang binatang kaharap. Gusto niyang iparamdam rito ang galit na nasa loob niya. Upang maunawaan nito na ngayon ay halos ikamatay niya ang sakit ng ginawa nito.
Pero may pumipigil sa kanya.
Ang natitirang pagmamahal niya para rito.
"L-leave me alone. Will you please? Hayaan mo 'kong malayo sa iyo." Pakiusap niya.
"Be reasonable naman. Regine, please!" naisuklay nito ang mga daliri sa buhok. Matapos ay tumingala sa langit na parang pinipigilan ang sariling maiyak. Malalim ang mga paghinga ng binata.
"Ano kamo?!" Nagpanting ang tenga niya. Pero pinigilan na niya ang sarili at kumalma. Nararamdaman na niya ang pinaghalong pagod at ilang hapdi sa mga galos niya.
Ang gusto na lang niya lumayo rito. Hindi niya nais na makita ito o marinig ang anumang ipapaliwanag nito. Napupuno ang matinding sakit at galit ang kanyang kalooban sa mga sandaling iyon.
"Regine..."
"P-Please respect my decision. Huwag ngayon, ayokong makausap ka," garalgal na wika niya. Nasa boses ang himig ng galit at sakit. "At huwag mo ng gawing mahirap ang lahat para sa ating dalawa... salamat!" Sinarhan niya ito ng gate. Sabay martsa habang humihikbi papasok sa bahay ni Duday.
Pagkapasok niya at akmang isasara ang pinto ay nakita pa rin niyang naroon pa ito sa kinatatayuan. Nagmamakaawa ang tingin sa kanya.
Mapang-uyam ang mga tingin na isinukli niya rito at pagkatapos, ay saka niya isinara ang pinto ng dahan-dahan.
Sumandal siya sa pinto. Habang nakatitig sa malayo ay malalim ang kanyang hugot. Nag-uumalon sa pagtaas-baba ang kanyang dibdib. Hindi dahil sa kinakapos siya ng hangin. Kundi upang kalmahin ang sarili. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...