KAPAG KASAMA KITA"Sir, Ma'm. I'm sorry to inform you. But, as of now, Isa na lang po ang bakante naming room. At kung interasado po kayo ay ikinagagalak ko na i-discuss po sa inyo ang further details about sa rates, privilages and services namin." Wika sa kanila ng charming na Front Desk Agent.
Sa hotel rin na pinuntahan nila ay nakacheck in ang kanyang ex. Mabuti na lang at naitanong niya sa kanyang beloved auntie over the phone habang nasa biyahe sila ni Bobby Drake kanina.
Siyempre, di niya ipinaalam sa kanyang auntie ang dahilan ng pag-uusisa niya ng magtanong ito kung bakit.
'Okay lang po, no problem------'
"W-wait lang!" awat niya sa binata at hinatak muna ito papunta sa may di kalayuan, Sa tabi ng maliit na Palm Tree, malapit sa hotel entrance.
"Bakit?" kunot-noong tanong nito sa kanya.
"Anong bakit ka diyan? Isang room na lang daw ang mayroon sila. Ibig sabihin niyon, magsasama tayo sa iisang kuwarto?"
Ngumisi si Bobby Drake. "Mas okay ngang magkasama tayo sa iisang kuwarto. Makikita natin ang isa't-isa palagi. Saka, para saan pa at nagplano tayong pumunta rito sa Baguio kung maghihiwalay pa tayo ng tutuluyang Hotel."
"Teka, parang inappropriate na magsama tayo no? Wala naman tayong relasyon saka baka mamaya----" Hindi niya itinuloy ang nais sabihin dahil baka isipin ng binata na assuming siya kapag naging vocal siya na sabihin rito na kapag magkasama sila ay may mangyaring mas malala pa sa halik.
"Dahil ba sa walang relasyong namamagitan sa atin ay bawal na tayong magsama? Okay, ganito na lang. Isipin mo na lang na sa loob ng mahigit isang linggong pamamalagi natin ditto sa Baguio eh, boyfriend mo 'ko. Isang boyfriend, na patay na patay sa 'yo at ayaw mahiwalay sa kahit kaunting segundo. At iisipin ko rin na girlfriend kita."
Narinig na naman niya ang eratikong dagundong ng kanyang puso dahil sa tinuran ni Bobby Drake. Pero ibig niyang kabahan sa kung anumang posibleng mangyari.
"Biro lang, kung gusto mo, maghanap na lang tayo ng iba pang accommodation. Pero ang sa akin kasi, abala pa na sa text o messenger pa tayo mag-uusap ng tungkol sa mga plano natin. Kung puwede naming pag-usapan na dahil magkasama naman tayo. Saka dito rin naman nag check in ang pakay natin. Lalayo pa ba tayo?"
Hmmm, may point ang binata pero dismayado siya sa sinabing nagbibibro lang pala ito.
Pero hindi ito ang time para magpaka-senti siya. Dahil may point ito sa sinabing abala lang at hindi nila mapag-uusapang maige ang plano nilang pananabotahe kung di sila personal na mag-uusap.
Wala namang mawawala sa pagsasama nila sa isang kuwarto. Advantage pa ngang maituturing iyon.
"Sige, okay na sa akin. Para wag na tayong mapagod na maghanap. Nandito na rin sila, lalayo pa ba tayo?"
"Alright, let me arrange everything para makapunta na tayo sa ating kuwarto. Masarap humiga saglit. Tapos, mamaya kumain tayo sa fine resto katabi nitong hotel habang pinag-uusapan natin ang lahat. Itatanong ko na rin kung saang floor at kuwarto sina Jude." Anito matapos ay binalikan muli ang front desk agent upang kausapin muli. Ilang minuto pa ay nasa harapan niya ulit ito.
"Okay na?"
"Okay na, katabi ng kuwarto nina Jude ang bakanteng kuwarto na inialok sa atin. Sa second floor tayo."
"Wow! Umaayon sa atin ang pagkakataon!" Biglang sumigla ang mood niya, kasabay ng pagningning ng kanyang mga mata dahil sa magandang balita." Teka, magse-share ako sa bayad natin dito sa Hotel ha?"
"Worry no more, everything is settled. Sagot ko na, " Paniniyak nito sa kanya. At bumulong sa kanya. "Pahinga muna tayo at mag-relax. I miss your kiss."
Nilingon niya si Bobby Drake. Nanunudyo ang tingin at abot tainga ang ngiti.
Kinurot niya ito sa tagiliran. Natatawang hinuli nito ang kamay niya at ikinawit sa beywang nito saka inakbayan siya. Tulak nito ang language niya, patungo sila ng elevator.
Pakiramdam ni Regine ay nakatagpo siya ng instant boyfriend sa katauhan ng binata. Ang gaan-gaan ng feeling niya!
Pero may kaunti pa rin siyang kaba na nararamdaman...
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
Storie d'amoreAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...