Chapter Eleven

77 2 0
                                    


Kapag puso'y sinugatan

Ang bilis umusad ng mga araw. Parang kailan lang ng hingin ni Bobby Drake ang blessing mula sa kanyang tiya. Parang kahapon lang nangyari.

She's happy and contented. Sa piling nito, kumpleto siya.

Dahil ang totoo ay naka two months na silang nagsasama.

Kailangang masorpresa ito sa pag uwi nito. Ipagluluto niya ito ng paboritong ulam. Pero sa totoo lang ay lagi naman niya itong ipinagluluto ng mga paborito nito. Masaya siya at nakuha niya ang panlasa nito. Puro papuri lagi sa kanya.

Paano naman ay talagang pinangatawanan niya ang maging ulirang housewife. Pinag aralan niya ng husto ang mga gawaing bahay. Feel na feel niyang mahalin ito ng todo.

Hindi nagkulang si Bobby sa kanya. Kung gaano ito nagpaparamdam nang pagmamahal sa kanya noong mga bago pa lamang sila ay lalo nitong hinigitan.

Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Pero alam niyang malapit na sila sa ganoong sitwasyon. Sa ngayon, ang iisipin muna niya ang sorpresa para kay Bobby.

Kakaiba dapat! Puwede niyang tawagan ang kanyang bff pero doon na lang siya sa mas may karanasan.

Tinawagan niya ang tiyahin para humingi ng payo at mga putahe na maari niyang iluto. Naremedyuhan agad ang isipin niya. Makaraan ang saglit na pag uusap nila ay kaagad na siyang nag ayos ng sarili upang makagayak na agad ng mga bibilhin.

Saglit lang ay nasa super market na siya at abala sa pamimili. Isa pa iyon sa ikinasisiya niya. Hindi siya kinapos sa pag budget ng pera para sa pagbili ng mga kailangan nila ng kanyang future hubby. Maluwag ang kamay nito sa pagbibigay ng pera sa kanya. Kaya naman wala siyang isipin.

Nang makatapos na sa pamimili ay nagpasya muna siyang tunguhin ang malapit na food court at magrelaks muna pansamantala. Tuloy kain na rin.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain ng may pamilyar na boses ang tumawag sa kanyang pangalan. Napaangat siyang bahagya sa kinauupuan ng makilala.

"Jude..." aniya.

"Puwedeng maki share ng table?" Paalam nito. Hawak nito ang tray na may lamang pagkain.

Tahimik siyang tumango. At nagpatuloy na muli sa pagkain. Hanggang tawagin siya uli nito.

"Regine..."

Sumulyap siya. "Bakit?"

"Ang dami kong dapat ihingi ng tawad sa 'yo. Marami tayong dapat pag-usapan pero hindi tayo nabigyan ng pagkakataon na mag-usap. Hindi ako naging tapat... walang closure sa atin. Kaya hindi kita masisisi kung sobra ang galit mo sa akin."

Nanatili siyang tahimik ant nakatingin rito. Pero nakikinig siya sa mga sinasabi nito. Nakita niya ang sinseridad nito sa paghingi ng tawad.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Ano pa bang silbi na magalit siya rito? Maligaya na siya sa bisig ni Bobby. Unfair naman sa kanyang sarili kung habang buhay at nakakulong siya sa nakaraan.

Kailangang palayain na niya ang sarili. Hindi na siya dapat pang magpaalipin sa galit.

Isa pa'y alam niyang nahanap na rin ng dating katipan ang pagmamahal na kailangan nito sa kanyang pinsan.

"Jude.." inabot niya ang kamay nito na nakapatong sa mesa. " Ayoko ng magalit at magpaalipin sa bitterness. Totoong masakit ang nangyari sa pagitan natin. Para iyong sugat na hindi agad puwedeng maghilom at maging peklat. Pero pinipili ko na patawarin kita ngayon dahil pareho na tayong maligaya sa mga taong mahal natin." Pinisil niya bahagya ang palad nito. "Okay na ang lahat." Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wwsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon