Chapter Two

142 5 3
                                    


Inosenteng Puso

"How did you know this place?" manghang tanong ng binata kay Regine habang nililibot ng tingin ang kabuuan ng Bar na pinasok nila. From Intramuros ay napadpad sila sa Malate kung saan naglipana ang mga bar at resto.

The Bar itself has a great atmosphere, because of its modernity yet combined with old school interior art deco. The lights all over the place are dim purple.

"Madalas kami magpunta rito ng close friend ko, lalo na kapag wala kaming magawa sa bahay. The ambiance is great di ba? Hindi ka pa ba nakakapunta dito?"

"Uhmmm, Yes... abala kasi ako sa work kaya ang rest day ko na lang ay inilalagi ko sa pugad ko. Sana okay rin ang menu nila rito."

"Superb! Lalo na 'yong Nachos nila at Mushroom Garlic!"

"Parang bigla akong nag-crave ah!"

Sa may sulok sila ng bar pumuwesto. Maganda ang nakuha nilang puwesto. May mahabang leather sofa na brown ang kulay at wooden table, mataas lang konti na yari sa narra ang surface. Kasya lamang sa kanilang dalawa.

Komportableng naupo ang binata, ikinawit nito ang mga braso sa malapad at malambot na sandalan na parang nasa bahay lang. Maya maya ay hinubad nito ang suot na tuxedo at panloob na white shirt lang itinira sa pang-itaas.

Nilapitan sila ng food server para kuhanin ang kanilang order. Ilang minuto pa ang ipinaghintay nila ay nasa table na ang mga pagkaing pinag-uusapan nila. Plus isang bucket ng beer at Frappetails para sa kanilang dalawa. Gaya Nutella Mudslide at Salted Caramel cream brandy.

Kuwentuhan na sinasalitan ng biruan at harutan habang pinapapak ang Nachos at Mushroom garlic ang nagpalipas ng kanilang mga oras. Aliw na aliw rin sila sa background music. Paano'y karamihan sa pinatugtog ay mga gusto nila.

Hanggang sa mauwi sa sensitibong paksa ang kanilang usapan nang tanungin siya nito kung nagkaroon na ba siya ng boyfriend.

Wala siyang balak magkuwento kay Bobby Drake pero dahil sa tama ng beer ay di na niya nakontrol ang sarili at emosyon. Kailangan niya ng masasandalan sa sandaling iyon.

At heto ang binata sa kanyang harapan. Handang makinig. Matindi yata ang tolerance ng binata sa beer at mukhang wala pa itong 'tama' tulad niya.

"A-ang unfair ng life! Buti pa si Jude, masaya, kontento na. Samantalang eto ako, devastated pa rin at wasak ang puso kahit na ilang buwan na ang nakalipas mula ng magkasira kami."

"Mahal mo pa rin siya until now? Do you?" Naninimbang na tanong nito. Matamang nakatitig sa kanya. Inaarok nito ang nararamdaman niya.

"E-Ewan ko, hindi ko masabi kung may pagmamahal pa dito sa puso ko para sa kanya. Kasi, right now, ang sakit pa rin eh! Saka, galit ako! Galit na galit sa ginawa niyang pananakit sa akin." Napahikbi siya.

"Normal naman na makaramdam tayo ng sakit at magalit tayo sa taong nakasakit sa atin. Pero, mas mahihirapan ka kapag di ka nag move forward mula sa nangyari. Habang tumatagal, nawawala na ang sakit. Hanggang sa dumating ang time na tatawanan na lang natin ang mapait na yugtong iyon ng ating nakaraan."

Mapait ang naging ngiti niya. Hirap siyang tanggapin sa sarili ang sinabi ng binata kahit na ba alam naman niyang may punto.

"Parang ang dali lang sa 'yo na magsalita na mag move on. Hindi ka pa siguro nasaktan at nawasak sa mga past relationship mo...wait, tama ba ko? 'mga'?"

"Sabi mo nga di ba? Life is unfair, pero pareho lang din naman tayong nakaranas na masaktan noon...At hindi naman lahat ng nawasak na puso ay mananatiling sira...nagiging maayos rin sa tamang panahon. O kaya naman ay may instrument si God para maging maayos muli ang puso, pati ang buong pagkatao natin," Malumanay na wika ni Bobby.

LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wwsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon