Misery loves Company
Pagkapananghalian..."Talagang hindi ka magpapapigil sa gusto mo 'no?" Sita sa kanya ng kaibigang nakabusangot na ang pagmumukha, habang isinasara niya ang backpack. Nailagay na niya roon ang ilang abubot at mga damit na hindi nagkasya sa isa pang bag na dadalhin niya. Sumaglit pa nga siya sa bahay nila upang magpaalam sa tiyahin at manguha ng ilang gamit.
Gayak na gayak na talaga siya sa kanyang kasuotan. Naka white shirt siya na may printed words na 'Ha Hakdog' na may drawing ng hotdog sandwich in a comic style. At walking short na cream ang kulay, na siyang nagpalitaw sa kanyang makinis na mga hita at binti. Sa kanyang beywang ay itinali niya ang jacket na isusuot na lang niya kapag nasa Baguio na siya.
Siyempre, ang kanyang shoes, chuck taylor na red and white ang color combination, hindi pahuhuli!
"Ano ka ba, chances ko na 'to. Huwag kang killjoy 'no!" Sumulyap siya sa celfone. "Malapit na raw siya dito sa atin!" Excited niyang wika. Hindi na siya mapakali sa sobrang pananabik na muli silang magkikita ni Bobby Drake.
"Aba, at nagpasundo pa ha?! VIP?"
"Ganda lang beshie. Maya maya lang ay makikita mo na rin siya nang personal."
"Hay naku, wala akong balak at interest makipagkilala sa boylet mo. Basta sinabihan kita. 'Pag ikaw ngumalngal na naman. Ewan ko lang sa 'yo!"
Natigil sila nang marinig ang busina ng kotse. Dali-Daling sumilip sa bintanang jalousie si Regine."Hayan na siya, beshie!"
"Wala akong pakialam" Humalukipkip ito.
"Tulungan mo 'ko, dalhin 'tong isang bag ko. Ipakikilala na rin kita," Isinukbit niya sa likod ang backpack at iniabot sa kay Duday ang isang bag.
Pero ibinalik rin sa kanya. "Not interested! Ikaw na lang ang bumaba at mag-aayos pa 'ko dito sa kuwarto. Sige na! Tsupii!" Taboy nito sa kanya. Itinulak siya palabas ng room. Mukhang parating yata ang period ng beshie niya at matindi ang pagsusungit.
"Aba?! Dahan-dahan! Madadapa ako!" angal niya.
"Tseee!" Nakaingos na sabi nito. Nagsinula ng mag ayos ng mga unan sa kama.
Tuloy-tuloy na siyang bumaba nang hagdanan. Nilakasan niya ang padyak ng paa na parang mabubutas ang bawat baitang ng hagdan na kanyang inaapakan. Pang-asar niya sa kaibigan.
Paglabas niya ng gate ay naroon sa tabi ng kotse nito si Bobby Drake. Naghihintay sa kanya. Nakahanda na agad ang matamis na ngiti nito. Napakurap pa nga ng ilang beses. Dahil siguro sa bagong hitsura niya.
"You are beautiful," sambit nito. Nasa boses ang pagkamangha. Hindi maitago ang labis na paghanga mula sa mga mata nito.
"Thanks," Pinamulahan siya nang pisngi sa papuri nang binata. Deep inside ay kinikilig siya dahil sa nagustuhan nito ang make over niya. Hindi siya nabigo sa kanyang goal na magpapansin rito." Nasabi ko na sa 'yo kahapon na guwapo ka di ba? Ayoko ng ulitin." Kunwa'y nagmasungit siya para mapagtakpan ang kilig.
Preskong-presko at maganda sa paningin ang kabuuan ng binata. Isa sa katangiang pansin niya rito ay maganda magdala ng suot na damit. Kahit na simpleng grey sleeveless shirts at maong pants na faded blue na tinernuhan ng flipflops. Sa kanang bisig nito ay may gold wristwatch. Habang sa kaliwa naman ay baller na rainbow ang kulay at may nakasulat na 'pride+respect' in white letters.
Natigilan siya dahil alam niya ang meaning niyon. Pero agad niyang iwinaksi sa isip ang nabuong duda dahil mas naagaw ang atensyon niya sa kilig na idinudulot ng binata.
"Baka lumaki na ulo ko niyan sa kapupuri mo." Inabot ni Bobby Drake ang mga bag na hawak niya. Nakita niya muli sa mga mata nito ang naglalarong kapilyuhan.
Nasamyo ng ilong niya ang pabangong gamit nito. She loves his scent. So masculine yet sporty! Gusto tuloy niyang pupugin ito nang yakap at halik.
"Shall we go now?" Ani ng binata. Binuksan nito ang pinto sa tabi ng driver's seat para sa kanya. Sumakay siya at isinuot ang seatbelt.
"Yes! Excited na 'ko. Uhm, Sorry nga pala at hindi na kita napatuloy sa bahay. Ipakikilala rin sana kita sa friend ko. Kaso, may sumpong." wika niya na binuntutan ng hagikhik.
"No worries, maybe some other time di ba?" Iminaniobra nito ang manibela. At binagalanl ng kaunti ang takbo ng kotse habang di pa sila nakakalabas sa kalye papunta ng highway.
"Here we come Baguio!" Excited niyang wika. Nasa isip niya ang imahe ng higanteng lion's head at iba pang mga magagandang spots na susubukan niyang puntahan habang nagbabakasyon sila.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...