Kung Kasusuklaman mo ako
"Huwag mong isipin na kaya ako pumayag na makipag usap sa iyo ay dahil magkakaayos tayo o mababalik pa sa dati ang kung anumang relasyon na meron tayo." Matigas ang tinig ni Regine. "Gusto ko lang malaman kung bakit mo nagawa sa akin iyon,"
"I-I understand. But I'm glad na makita kitang muli," Malungkot na wika niya. Namamasa ang kanyang mga mata.
"D-Doon tayo sa isang resto or fastfood mag-usap." Alok niya.
Umiling ito. "Sa bahay na lang ako kakain pag-uwi. Mag-usap na lang tayo malapit rito. Puwedeng sa may Mejan Garden o Diyan lang sa May liwasang Bonifacio." Suhestiyon nito. Malamig ang tinig at pakikitungo sa kanya.
Ikalawang araw mula ng matuklasan nito ang ugnayan nila ni Jay. Akala niya'y hindi na niya ito makikita pang muli dahil nagpapakatanggi-tanggi itong kausapin siya, sa celfone man o kahit makipagkita. Para bang may matinding virus sa loob ng katawan niya kung iwasan siya.
Nang akala niya'y wala na talagang pag-asa ay bigla siya nitong tinawagan upang makipagkita. Tiyempo namang papauwi pa lamang siya mula sa work. Pinuntahan niya ito mula sa mall kung saan ito naka assign. Malapit sa Manila City Hall.
Lahat nang nararamdaman niyang pagod ay bigla na lang naglaho ng masilayan niya ito. Pero, ramdam niya na nagbago na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.
Alam niyang dumating na ang araw na kinatatakutan niyang mabunyag na sa babaeng minamahal niya ang buong sikreto niyang itinago. At ang tangi na lamang niyang magagawa ay ipagtapat na rito ang lahat-lahat.
Pareho man silang masasaktan ng dalaga ngayon... Pero nahiling ng puso niya ng mga sandaling iyon na sana'y, mas manaig ang pagmamahal ni Regine sa kanya kaysa sa poot na nararamdaman nito ngayon.
"S-Si Jay... ano ang ugnayan ninyo? Kayo rin ba? Kahati ko rin ba siya sa 'yo?" Pilit na tinatagan ng dalaga ang sarili tanong na iyon.
Huminga siya ng malalim, Ramdam niya ang bigat sa dibdib at hirap ng kalooban pero kailangang ihanda niya ang sarili...
"Gym buddies kami at magkaibigan... pero, alam mo na. Hindi maiwasan na may mangyari sa amin. Lalo na kung kailangan namin ang isa't-isa. Bahagi iyon ng pagkatao ko. At nang oras na nakita mo kami... sa mga sandaling iyon, naging marupok ako."
"Oh no!" Umiiling-siya. Dapat hindi na siya nag-usisa pa dahil lalo lang nadagdagan ang bigat ng loob niya. "Paano mo nagagawang yakapin ako? Halikan ako? Sinasabi mong mahal mo ako, pero iba tiyak ang iniisip mo!" Nang-aakusa niyang wika.
"Dahil kahit kasama man kita o hindi. Ikaw lang ang nasa isip ko palagi. Hanggang doon lang ang ugnayan namin ni Jay."
"T-talaga? Ano kaya ang tawagan ninyo ni Jay? Pare? Brod? Sugar? Cupcake o Sunny cher?"
"W-wala... Hindi ko siya minahal tulad ng iniuukol ko para sa 'yo."
"Ha? Hakdog?! Tangina naman Bobby! Ang sakit sakit ng ginawa mo! Nagmamahalan tayo tapos isang araw madaratnan na lang kitang may kasex na iba.. At sa lalake pa? Tingin mo, hindi ako dapat masaktan? Gusto mo ba, pumalakpak pa' ko? Hindi na mababago pa ang lahat dahil lang sa pagsabi mo sa akin na mahal mo ako. LHindi ko alam kung bakit kailangang maranasan ko ang lahat ng ito. Ang malas ko naman! I hate youu!"
"Please... huwag mong sabihin 'yan, please."
"A-Ano pa kaya ang itinatago mo?" Kung wala lang sila sa public place ay naglupasay na siya sa sama ng loob. "S-Sabihin mo na lahat nang gusto mong aminin. Tutal, sinaktan mo na rin lang ako. Itodo mo na."
Napahinga siya ng malalim. Nagkaroon ng saglit na pag-aalinlangan. Lumunok muna siya ng makailang beses upang magkaroon ng sapat na lakas ng loob.
"E-ex ko si Jude...We're used to be buddies before, bago pa man may dumating na babae sa buhay niya," May bikig sa lalamunang wika ni Bobby Drake. Back then, I thought that our love for each other is Inevitable...Unconditional. But I was wrong... Nagbago ang lahat nang makilala niya ang babaeng iyon. Alam kong naging masaya siya sa samahan namin. Pero sa mga huling taon naming pagsasama, napapansin kong nagbabago ang lahat sa kanya.'Yong kanyang mga tawa at ngiti dahil napapasaya ko siya dati, wala na...hindi na para sa akin ang tibok ng kanyang puso. Hindi na ako ang dahilan upang gumising siyang masaya tuwing umaga."
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomantikAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...