Chapter One

282 9 20
                                    

Sana'y hindi na kita inibig

Kung puwede lang sana at maaari ay ayaw na niyang pumunta ng kasal. Kahit na isa siya sa mga bridesmaid. Pero dahil sa pakiusap ng kanyang Tiya Mercedes ay napahinuhod si Regine. Sa isip-isip niya'y sige na nga, sa ngalan ng pagmamahal niya rito at paging magkadugo nila. Nakatatandang kapatid ito ng kanyang Stranged Mother na kung nasaan man ngayon ay wala siyang idea dahil sumulpot-mawala lang naman ang role nito sa buhay niya.

Ngunit iba pa rin pala kapag nasa mismong kasalan na siya at kaharap niya ang mga ikinakasal. Na walang iba kundi ang kanyang pinsang buo na si Milagrace at ang kanyang Ex-boyfriend... si Jude.

Baby, you're my destiny. You and I were meant to be! With all my heart and soul...

Ngitngit siya! Walang appeal sa pandinig niya ngayon ang sweet lovesong na naririnig niya, maging ang malamig na boses ng taong kumakanta niyon. Mas mahalaga sa kanya ang sakit ng damdamin na nararamdaman niya. Sariwang-sariwa pa sa kanya ang lahat. Kung ang mga estudyante ay busy sa Moving Up ceremony. Siya naman ay mukhang matatagalan pa yata sa process ng Moving on!

O makaka-move on pa kaya siya?

Gusto niyang hatakin ang bride at ingudngod sa carpeted floor. Kasehodang pinsan niya. Tingnan lang kung hindi ito maging kamukha ng Bride ni Chucky! Hayuup!

Kung tutuusin naman ay maaayos dati ang relasyon nilang magpinsan. Close silang maituturing maituturing kumpara sa iba nilang mga pinsan. Siguro ay dahil halos sa bahay na siya ng mga magulang nito tumira. Kapag wala ang father niya dahil abala sa business matter nito. Doon siya sa bahay nina Milagrace namamalagi.

Nagkalamat lang ng simulan nitong ahasin ang kanyang boyfriend habang nasa ibang bansa siya.

Kinuha siya ng kanyang ate para magbakasyon sa London ng ilang buwan at alagaan ang unico iho nito. Ayaw man niyang iwan pansamantala ang nobyo ay hindi siya makapalag sa nag-iisa niyang kapatid. At isa pa'y tsansa na niyang makarating sa bansang sa mga litrato lang niya nakikita at pinapangarap. Makakatuntong na siya sa Tower Bridge kapag sinusuwerte!

Ngunit ilang linggo pa lang siyang nawawala ay sumakit na ang ulo niya kay Jude dahil sa lagi nilang tampuhan at awayan sa messenger, na labis naman niyang ipinagtataka dahil sa maliit na bagay o issue ay ginagawa nitong big deal sa pagitan nilang dalawa. Sa chat na nga lang sila nagkakausap pero sa awayan pa humahantong.

Wala siyang mapagsabihan ng problema at stress kundi ang pinsang si Milagrace na laging nag-chat sa kanya. Naging sandalan niya ito sa panahong nalulungkot siya sa sitwasyon nila ng nobyo. Kampante siya sa bawat palitan nila ng mensahe. Wala sa hinagap niyang may milagro na palang nagaganap!

Pabigay-bigay pa ito ng advise sa kanya na 'ganito dapat ang gawin niya at ganyan' Iyon pala'y aagawan na siya!

Kaya pala dumalang na mag-chat sa kanya si Jude na ang laging katwiran ay busy sa work. Iyon pala'y may iba ng tinatrabaho.

Matatanggap pa sana niya kung sa ibang babae ito na-fall. Ngunit matinding pasabog ang naging rebelasyon ng kanyang pinsan ng magkausap sila. Buntis daw ito at si Jude ang ama! Sana raw ay mapatawad niya ito.

Parang ang dali lang kay Milagrace ng lahat. Samantalang siya ng mga sandaling iyon ay namanhid ang kanyang buong sistema. Hindi pa nga kaagad nag-sync in sa kanya kaya napa 'oo at no problem' pa siya ng reply. Kaya naman ng makapag cope siya sa sitwasyon ay winarla niya agad sa Facebook ang mga taksil. Walang pinsan-pinsan! Lumuha siya ng ilang timba sa nangyari. She felt betrayed and being left alone. Gusto na nga niyang tumalon sa bubungan ng bahay ng kanyang ate kundi lang siya nasapok nito!

It's been two months... sariwa pa ang lahat sa kanya.

Isinusumpa niya! Hanggang fourth generation ng kanyang lahi, hindi siya magpapatawad!

LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wwsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon