Dingding lang ang pagitan.
Maganda, maayos at masasabi ngang luxurious ang kuwartong ibinigay sa kanila. May kalakihan ito. May heater dahil nga sa malamig na klima.
Mayroong king size ang bed. Kaya hindi hassle kung may malikot matulog sa kanilang dalawa ng binata. May di kalakihang bintana na yari sa capiz ang dalawang bukasan. Ang nakapuwesto sa bandang ulunan ng kama. Sarado pa at di niya alam kung puwedeng buksan.
May sariling maliit na sala, kusina at cr. Parang condo type. Malamang ay mahal ang rate ng kuwarto nila para sa isang araw.
Sabagay ay hindi na niya dapat ipagtaka iyon, nasa labas pa nga lang sila kanina ng hotel ay di na agad bumitaw ang mga mata niya dahil sa paghanga sa ganda ng istraktura. Isa iyong lumang mansiyon na itinayo noong panahon pa ng kastila. At upang maiwasang masira sa pagdaan ng mga dekada ay naisipan ng apo ng owner na ipa-renovate at gawing hotel na bukod sa pahingahan ng mga bakasyunista ay magsisilbi ring tourist attraction. Na nangyari nga.
Katatapos lang nilang mag dinner. Nakapag-shower na rin siya at Habang nagpapaantok ay nagbasa-basa muna siya ng paboritong novel mula sa wattpad.
"Sa celfone mo ba galing iyong ungoll na naririnig ko?" Tanong sa kanya ni Bobby Drake, pagkalabas pa lang galing sa shower room. Naka sando at boxer ito. At nagkukuskos ng tuwalya sa basang buhok.
Napakunot-noo siya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Inalis niya muna sa tainga ang earphone.
Saka lang niya narinig ang paputol putol na mahihinang ungol at impit na halinghing.
"Hindi 'no?!" Maang na napatingin siya rito. Sabay iling. Medyo dismayado siya dahil kung kailan nasa magandang eksena na siya ay kailangan niyang ihinto muna ang pagbabasa.
"Akala ko nanonood ka ng pornhub eh!"
"Whaaaat?!" Nandidilat ang mga matang wika niya. Di siya makapaniwalang aakusahan siya nito na nanonood siya sa ganoong site. Hello? loyal siya sa Xtube. Joke!
Ngiting nakakaloko ang sukli nito sa kanya.
"Naku ha! Ano ka ba?!" Gigil na sabi niya. " Baka doon 'yon sa kabilang kuwarto. Malamang sina Jude at Milagrace. Alam mo na, mga hindi na nahiya?" Kuntodo paliwanag siya.
"Baka nga, gulat nga ako eh! Mukhang manipis na dingding lang ang dibisyon ng kuwarto natin mula sa kabila. Luxury pa 'tong lagay na 'to,"
" Grabe namang lakas ng pandinig mo.. Teka nga," Tuluyan na niyang ibinaba ang hawak na at umusad sa may ulunan ng kama. Itinapat ang tenga sa dingding.
"Anong ginagawa mo?"
"Ano pa, eh Di makikinig. Baka may milagro. Oras ng himala!"
"Bawal 'yan ha?!" Sita ni Bobby Drake.
"Saglit lang 'no? Curious lang ako. Saka para malaman ko kung totoo. " Saglit itong nakinig at nakiramdam. Maya maya ay umalis sa pakikinig." Wala na akong marinig, eh," nakasimangot na wika." Ikaw nga ang makinig!"
" Ayoko. Hindi tama."
"Sige na plss!" Aniya. Umalis sa kama at Iginiya si Bobby Drake patungo sa dingding.
Napapailing na itinapat ni Bobby Drake ang tainga sa dingding gaya ng gusto mangyari ni Regine. Pinakinggan maige ang nagaganap sa kabilang silid. Saglit pa'y kumunot-noo ito at nawala sa linya ang magkabilang kilay.
"B-Bakit? Anong narinig mo? Ano ng nangyayari ba sa kanila?" Usisa ni Regine. Bakas sa mukha nito ang matinding pagtataka.
"Saglit, huwag kang maingay!" Awat nito sa dalaga. Itinapat pa ang hituturo sa bibig.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...