Duda
Hindi na siya pinayagang umuwi ni Bobby drake sa bahay ng tiya niya, pagkagaling nila ng Baguio. Idiniretso na lang siya nito sa Condo nito.
"T-teka, hindi puwede na dito na agad ako uuwi sa 'yo no?"
"Ayaw mo ba?"
"Hindi sa ayaw. Pero siyempre, gusto ko munang ipaalam kina Tita ang desisyon ko. Ayokong isipin nila na nagkamali sila ng palaki sa akin. Saka para maging formal na rin tayo sa relasyon natin."
Kumunot-noo ang binata. Parang naguluhan sa sinabi niya.
"Relasyon? Meron ba tayo niyon?"
Nagulat siya. "A-anong ibig mong sabihin?" Bumangon ang kaba sa dibdib niya.
He stepped closer, almost near to her. Kung kanina'y naguguluhan ang hitsura nito. Ngayo'y biglang naging mapanudyo ang titig nito at ngiti. " Nagbibiro lang ako, sineryoso mo naman." Hinaplos ng palad nito ang pisngi niya at gaya dati ay pinisil siya sa tungki ng ilong.
Napalabi siya. "Kinabahan ako doon. Akala ko---"
"Na? bigla kong sasabihing wala tayong relasyon? I already claimed you as mine, and I am yours, every inch of me, while we're on Baguio. Nothing could change that."
"Nasabi ko na ba sa 'yo na napaka suwerte ko, dahil nakilala kita. You saved me from brokeness."
"Hindi pa. Pero sa tingin ko, mas masuwerte ako,"
"Dahil?"
"Because I've found the you. At tama ka, dapat ngang kausapin natin ang tita mo. Para hingin ko na rin ang kamay mo sa kanya. Gusto kitang makasama at soon... mapakasalan." Niyakap siya nito ng mahigpit.
Napaluha siya. Nag uumapaw na yata ang pagmamahal sa puso niya ng mga sandaling iyon. And she wish na sana'y hindi na matapos pa ang kaligayahan nila ng binata.
Saglit pa silang nag stay ng binata sa condo nito para makapagpahinga dahil sa matagalang biyahe nila. Hapon na nang magpasya itong ihatid siya nito pauwi.
Nasa hallway sila nang batiin si Bobby Drake ng kaibigan nito. Ipinakilalala siya nito bilang nobya.
"Your Girlfriend?!" Namilog ang mga matang bulalas ni Jay. Halatang hindi makapaniwala.
Offended siya deep inside. Pero hindi niya ipinahalata, pinanatili niya ang ngiti sa mga labi. Pero nagsisintir na siya. Baket? Mukha ba siyang aswang? Wala ba siyang 'K' at hindi ba kanais-nais ang kanyang hitsura para maging nobya ng kaibigan nito?
Nahiwatigan marahil nito ang naging sentimyento niya kaya humingi ito ng apology.
"I'm sorry, pero hindi lang ako makapaniwala, but I'm happy kasi nakita na ng buddy ko ang makakapagpasaya sa kanya." Bawi nito, Maluwag ang mga ngiti.
Nakipagkuwentuhan lang ito saglit sa kanila hanggang magpaalam na. Dahil may aasikasuhin pa raw na online client.
"Ikaw ba, seryoso sa sinasabi mo Regina?" Maang na wika ng kanyang tiya. Hindi pa rin ito makapaniwala. Inalis nito ang suot na salamin sa mata upang punasan ng panyong hawak nito. Nasabi na niya kanina sa telepono ang pagpunta nila ng katipan.
"Oo naman Tita, kaya nga nagprisinta ng sumama rito si Bobby para nga personal po kayong kausapin." Nilingon niya ang binatang tahimik na nakaupo sa sofa sa may salas. Hinatak siya ng kanyang tiya sa isang sulok upang kausapin ng masinsinan.
"Teka, may isang linggo mahigit pa lamang kayong magkakilala tapos, gusto mo na agad makisama sa kanya?"
"Ganoon ang love tita, tinamaan ako ng sobra. Saka nangako naman siya na aalagaan niya ako at hindi sasaktan."
![](https://img.wattpad.com/cover/250103858-288-k254156.jpg)
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...