Nais kong Limutin ka
"So bisexual si Bobby Drake?" Di makapaniwalang wika ni Duday.
"H-hindi ko alam kung ano bang itatawag ko sa kanya. Kung bisexual man siya o bakla. Nawawala ang pake ko. Basta ang alam ko lang, mga manloloko talaga 'yang mga lalakeng iyan! Ayoko naa!" Wika niyang bakas na bakas ang bitternes sa boses. Mahihiya ang ampalayang gulay. Matapos ay tinungga ng walang patumangga ang laman sa bote ng San Mig light. Kaharap niya ang matalik na kaibigan na nagulat nang madatnan siya sa apartment nito. Galing trabaho. Agad siyang dinamayan nito ng ipaalam niya ang pangyayari.
"Oo nga! Bestie, mga nyeta 'yang mga 'yan! Pagkatapos nila tayong paibigin at makuha eh, basta na lang tayo lolokohin ng ganoon ganoon lang? nasaan ang hustisya!" Segunda nito. Kasalukuyan itong abala sa ginagawang pag-pedicure sa paa pero, itinigil muna ang pagkukutinting sa isang daliri sa paa. Iwinasiwas na parang itak ang hawak na nail pusher. Mukhang gusto ng sumabak sa matinding pakikibaka.
"Walang madaliang hustisya! Hindi fair ang justice system dito sa bansa natin! Kailangang ilagay ko ang batas sa aking mga kukong bagong manicure! Gaganti ako, makikita ng dalawang tantalizing eyes niya!" Depinido niyang wika. Nag-uumigting ang kanyang mga litid sa leeg sa gigil mode.
"Sounds good Beshie, parang scene sa movie pero anong catch?" Usisa nito.
"Pupunta tayo ng Quiapo! Ipakukulam ko siya!"
Tabingi ang ngiti ng kanyang bestfriend sa narinig nito. Napagtanto na mas lukaret pala ang kaibigan kapag nakainom.
"Beshie, walang mangkukulam sa Quiapo... Manghuhula ang marami doon."
"Whatever! Ang saket saket talaga eh! Ang hayup! Nagpa tattoo pa ng pangalan ko sa chest niya. Tapos, pagtataksilan niya ako!" Reklamo niya.
"Alam mo, ayoko namang sisihin kita sa nangyari. Nagpaalala ako di ba?" Paalala nito.
"Two months! Two months kaming nagsama pero bakit wala akong napansing kakaiba sa kanya?"
"Eh, kasi.. Lukaret ka!" Gigil na wika ni Duday.
"Oo na! Tama ka na! May tama ka." Inilagay niya ang mga palad sa magkabilang tenga. Ayaw niya ng sermon please!
"Ewan ko sa 'yo, Regina, sige, ganito na lang... may alam akong lugar malapit sa atin kung saan puwede mong mailabas 'yang galit mo kay Bobby Drake habang di ka pa laseng. Tara na."
"Saan naman?" Maang na tanong niya. Natigil siya sa pagpapak ng tuna sisig.
"Ano naman ang gagawin natin dito Duday?" Medyo nahihimasmasang wika ni Regine sa kaibigan. Dinala siya nito sa isang amusement park at pagkatapos ay hinatak siya sa isang bahagi kung saan naroon ang sinasabi nitong makakawala at mailalabas niya ang kanyang galit.
Isa iyong tent na may signboard sa itaas na ang nakasulat ay TAKSYAPO. Sa loob ay may mga nakasulat sa wall na kung anu-anong mga hate words gaya ng
"Beshie, look... nanggaling na ko dito noong isang araw, na-curious kasi ako matapos kong mapanood 'to sa tv, kaya pinuntahan ko kaagad at proven naming effective dahil after kong gawin eh nawala ang mga kimkim kong hinaing 'no!"
"Eh sana sinabi mo agad sa akin na kailangan ko lang magbasag ng mga plato at pinggan para di mo na ako aayain dito."
"Iba 'to beshie... iba, promise!"
'Aber, magkano naman ang isang pinggan?" hinawakan at sinipat-sipat niya ang isang pinggang kinuha mula samga nakasalansang pinggan. Plain lang ang disenyo at halatang mumurahin. "Kuya, magkano ang isang pinggan?" aniya sa bantay na boy.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...