Chapter Seven

108 4 0
                                    


Stalking Agenda.


   "Hindi na 'ko makapaghintay sa pananabik na isagawa natin ang pananabotahe sa mga taksil," nangingiting wika niya. Nasa Cafe sila na nasa tabi ng hotel. Doon nila napagpasyahang mag almusal.

"Sigurado ka na bang gusto mong ituloy ang plano natin?" Naninimbang na tanong ng binata.

Kumurap-kurap siya. "Bakit mo naman naitanong? Siyempre oo naman."

"Naisip ko lang kasi, bakit natin aaksayahin ang panahon na guluhin sila. Kung puwede namang gawing makabuluhan ang vacation natin."

"Makabuluhan naman ang gagawin natin di ba?"

"Yeah, pero bukod sa self satisfaction at maibabangon natin ang pride nating nasaktan, what other benefits can we get from sabotaging their honeymoon? Nothing."

"A-ayoko na ng naririnig ko." Aniya. Nakaramdaman ng pagkadismaya.

Pero nagpatuloy ang binata.

"I want to know you more, and i think, this is a great opportunity to create a good memories with you."

Create a good memories with YOU.

Tumino sa kanyang isipan ang mga katagang tinuran nito. Ang nararamdaman niyang pagkadismaya ay unti-unting naglaho. Hindi talaga matapos-tapos ang paglalandi ni Bobby Drake sa kanya. Ipinararamdam talaga nitong interesante at kaibig-ibig siyang babae sa paningin nito.

"Gusto ko 'yang sinabi mo. Sino ba naman ako para tanggihan ka... gusto rin kitang makilala ng lubusan, Bobby. Obvious naman, dahil sa unang pagkikita pa lang natin eh, naglandian na tayo."

"Let's say... mutual feelings," ininom nito ang hot chocolate na nasa mug. Bahagya na ngang lumamig dahil sa kanilang usapan.

"Agree," aniya. At sinimulan ng kumain.

Saglit pa lamang siyang nakakasubo sa kinakain ay inalerto ni Bobby Drake ang atensyon niya.

"They're here,"

"S-sino?"

"Sina Jude at Milagrace. Huwag kang lilingon at baka makita ka." Wika nito at isinuot ang bullcap. Ibinaba ang unahang bahagi para matakpan ng kaunti ang mukha.

"O-okay, gaano sila kalayo sa atin?" Atubili siya.

"Medyo malayo naman. Kapapasok pa lang nila. Don't worry. "

"Anong gagawin natin? Baka makita nila tayo!"

"Nothing, hindi naman nila mahahalata na nandito tayo. Maliban na lang kung gusto nating ipaalam sa kanila. At kung malaman man nila, may dahilan tayo."

Hindi pa rin siya matahimik. Pasimple niyang nilingon ang mga taksil. Kausap na ng mga ito ang waiter. Sinundan niya ng tingin ang waiter hanggang makarating ng counter. Kinausap nito ang kasamahan para ipaalam rito ang order sa menu nina Jude. Biglang kislap ang idea sa kanyang isipan.

"Open na kaya ang convenience store na katabi nitong hotel?"

"Maybe, bakit?"

"I need to buy something. May naisip lang ako."

Napakunot noo ang binata. "Ano iyon? Kailangan na ba talaga? Kung gusto mo, ako na lang ang bibili,"

"Ako na lang. Just wait, saglit lang." Paalam niya at nagmamadaling lumabas ng cafeteria.

Saglit lang ay nakabalik na siya.

"Pamurga." Nangingiting wika niya. Habang ipinapakita ang maliit na botelyang hawak. Naupo na siya muli at binalikan ang kinakain.

LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wwsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon