Hindi huwad ang Pag-ibig ko
Gaya ng kasunduan nila ni Duday. Pagka-out ni Regine sa trabaho ay dumiretso na siya sa lugar na napag-usapan nila ng kaibigan. Nagmamadali pa nga siya dahil baka nauna na ito sa kanya. Ayaw pa naman ng kaibigan niya na nale late siya.
Mabuti na lang at nakasakay siya ng tricycle na nakahimpil lang sa gilid ng mall. Mabilis ang naging usad at ilang minuto lang ay papasok na sila ng Intramuros. . Nasalubong pa nila ang mga estudyante mula sa iba't ibang university na nasa loob ng nasabing lugar.
Napangiti siya. Habang nakatanaw siya sa kanilang dinaraanan. Nalilibang siya at namamangha. Bihira lang kasi siya magkaroon ng pagkakataong magliwaliw sa mismong magagandang lugar sa manila. Samantalang dito siya nagkaisip at lumaki na. Para tuloy siyang naging dayuhan.
Saglit pa ay nasa harapan na rin siya ng Fort Santiago. Wala na siyang inaksayang sandali at nagmartsa na papasok. Diretso siya sa bayaran ng entrance fee.
Kasabayan niya ang ilang mga estudyante at mga mag jowa. Kanya kanya silang direksyon na pinuntahan. Siya ay nagtungo sa may mga bench na ang likuran ang puro halaman. Kailangan niyang i-text ang kaibigan at baka nasa ibang parte naman ng parke naghihintay sa kanya. Komportable siyang naupo habang nagdudutdot ng cp.
"Regine!"
Pamilyar ang boses nang tumawag sa pangalan niya. Hindi siya maaring magkamali dahil kilalang-kilala niya ang timbre. Napaangat ang kilay niya kasabay ng pananayo ng kanyang mga balahibo sa batok.
Nilingon niya. Tama nga siya ng hinala. Pero bakit narito ang mokong? Alangang mamasyal rin ito katulad niya.
"Anong ginagawa mo dito?" napatayo siya.
"Mamamasyal rin," lumapit ito sa kanya. "Kasama ka." naupo ito
Umangat ang kilay niya. "At sino may sabi sa 'yo na kasama mo akong mamamasyal? Hindi tayo okay! Hindi pa tayo bati!"
"Eh, akala ko ba, kaya mo ako pinapunta dito sa Fort Santiago, dahil mag-uusap tayo para maging okay na ang lahat." Nakakunot-noo ito. Naguguluhan ang hitsura ng mukha.
"T-teka, wala naman akong sinabing pumunta ka rito. Ang alam ko, magkikita kami ni Duday dito." Nagsimula na rin siyang maghinala. May namumuo sa kanyang isip.
"Nakatanggap ako nang text mula sa bago mong number. Ang sabi mo pa nga ' Magkita tayo ngayon dito sa Fort Santiago. Usap tayo. Miss you! Regine 'to. Huwag ka nang tumawag dahil malolowbat na 'ko!'
Shocked siya. "Wala akong tinext na ganoon. Bakit ako magtetext. Eh, galit nga ako sa 'yo. Another bunch of lies again, Bobby Drake? Tama na ha? Ang sakit sakit na nang ginawa mo noong nakaraan. Ayoko na!"
"Hindi naman kita niloloko. Talaga namang may nagtext sa akin." Kinuha nito ang celfone unit sa bulsa ng jogger pants. At nag browse ng message. "Here," iniabot sa kanya ang unit.
Inabot naman niya upang tingnan. "H-hindi ako ito. Hindi akin ang number na 'to."
"Ows? Sure ka?" Tila hindi ito kumbinsido sa alibi niya.
"Hindi nga akin ang number. Saglit," minasdan niyang maige ang numero. "Si Duday! Number niya ito!"
"Bakit naman niya ako itetext?"
"Aba? Malay ko 'no?" Ibinalik niya kay Bobby Drake ang celfone. Isa lang ang naisip niya. Walang darating na bff at kahit pati anino nito. Set up ang lahat! Humanda sa kanya ang bruha."
Pihit siya ulit. Uuwi na siya. Walkout mode.
"Aalis ka na naman. Hindi ka ba nagsasawang umiwas at iwasan ako? Mag-usap naman tayo please." Samo nang binata. Sumunod ito at humarang sa kanya. Iiba sana siya ng direksyon pero iniharang nito ang mga braso at kamay.
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...