Alembong na PusoMahigit trenta minutos na siyang paikot-ikot at sinisipat ang hitsura sa life size mirror na nakatayo sa gilid ng salas. Habang nakamata sa kanya ang bestfriend niyang si Dorothy or Duday na palayaw nito. Nakataas na ang mga kilay nito at kumikibot-kibot ang sulok ng magkabilang labi.
Hindi siya tumuloy umuwi sa bahay ng Tiyahin niya. Sa halip ay diretso siyang nagpahatid kay Bobby Drake sa bahay ng Bestfriend niya na ilang street lang naman ang layo sa bahay ng kanyang tiya.
Inie-enjoy niya ang make over na ginawa niya. Feeling niya, bagong nilalang siya!
Gusto niyang mas maging lovable at kaakit-akit sa paningin ni Bobby Drake. At hindi iyon mangyayari kung mananatili siya sa dating ayos.
Kaya naman, sinimulan niya sa pagbago. Umaga pa lang at konti pa ang tulog niya ay gomora siya agad sa salon. Kinulit niya ang kabarkadang beki na pagandahin siya lalo. Mula sa dating itiman at mahabang buhok na hanggang likod ay pinaputulan niya hanggang sa may leeg. Pinaayos rin niya nag hubog ng kanyang mga kilay mula sa dating natural na hubog. Bumagay naman ang ayos niya sa mala-heart shaped na hugis ng kanyang mukha. Bumili rin siya ng bagong set ng make up at lipstick sa Minimumuso. Na gagamitin niya mamaya bago umalis.
Nagpa-manicure pa siya at pedicure. Kung may excess money pa sana ay gusto niyang magpa body scrub ng buong katawan hanggang sa kasingit-singitan niya. Pero ayaw niyang masaid. Pinaglaanan niya ng budget ang agenda niya sa Baguio. Hindi niya keribels ang maging poorita nang matagal tagal lalo pa't mahina ang kanyang raket bilang real state agent. Ilang buwan na siyang walang komisyong nakukuha dahil ang kanyang mga inakalang potential client ay puro paasa lang!
At kung hindi pa siya makakabenta ng condo or townhouse unit ay baka mapaaga ang resignation niya. Ang hirap pa namang humanap ng magandang trabaho sa panahon ngayon!
Ikinurap-kurap pa nga ang kanyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa ginawang ayos sa kanya ng kakilalang stylist Kaya hanggang pag-uwi niya sa bahay ni Duday ay nasa salamin agad sa salas nito ang pinuntirya niya.
She really loves her new self!
"Come back to the young and beautiful you!" Sambit niya sabay ikot.
Wala na ang dating Regine na nagmumukmok dahil sa pusong sawi. Ang nasa harapan na ngayon ng salamin ay isang bagong Regine!
Matapang!
Hindi na iiyak!
Handa ng buksan muli ang puso sa panibagong pag-ibig na nararamdaman ng puso niya.
At higit sa lahat, Aalisin na niya ang inhibisyon sa sarili! Gaya nang ginawa niya sa bar.
Lalo pa't napipinto ang muli nilang pagkikita ni Bobby Drake.
Napahawak siya sa kanyang labi na dahan-dahang dinama ng mga daliri niya, dahil ramdam pa rin niya magpa hanggang ngayon ang halik na pinagsaluhan nila ng binata kagabi. Kaninang madaling araw lang sila naghiwalay matapos mapag-usapan ang gagawin nilang pagsunod sa mag-asawang magpupulot-gata sa Baguio.
"Ang kalandian ay parang sakit na Epilepsy. Bigla na lang umaatake!"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na mula sa matalik niyang kaibigan. Si Duday. Nakasandal sa may pintuan at nakahalukipkip. Nasa hitsura nito ang pinipigil na pagtawa.
"Grabe ka!" Angal niya.
"Alam mo, mag-iisang oras ka ng nasa harapan niyang salamin. Ako ang nangangawit sa ginagawa mong paikot-ikot eh! Ganda ka 'teh?!"
"Naman. Dati na akong maganda! Pero masama bang paminsan-minsan eh, namanamin ko ang hitsura ko? Moment ko 'to friendship, walang basagan ng trip!"
BINABASA MO ANG
LOVE AND OTHER WORDS UNEDITED Published By wws
RomanceAgainst her will, Regine was forced to attend her cousin's wedding. There, she met Bobby Drake, the best man and best friend of her ex-boyfriend, who happens to be her cousin's groom. He's the man with the most sympathetic face, and beautiful smile...