"Good morning, Class" Masayang bati ni Jastine sa kanyang mga studyante.Nakangiti na at hindi na kita ang lungkot sa kanyang mukha. Isa lang naman ang rason kung bakit napalitan ng ngiti ang malungkot niyang pag mumukha. Itʼs because of her love of her life the one and only Dew.
"Maʼam, You are blushing" Bigla siyang napatingin sa batang babae na bilog na bilog ang mukha dahil sa katabaan. Lumapit siya sa bata saka ginulo ang naka taling buhok nito.
"Nixi, You are so cute" Nang gigigil niyang pinisil ang pisngi ng batang babae. Kaya gustong gusto niya mag turo sa mga bata kase pang pawala din ng stress niya.
Kapag alam na malungkot siya ay kinakantahan siya ng mga studyante niya ng paboritong awitin. Kapag hindi naman nadadala sa simpleng pag kanta ay ang mga baon nito na candy at matatamis na pag kain ay inilalagay sa table niya para daw hindi na siya umiyak.
May minsan pa ngang umiyak siya at biglang lumapit sa kanya si Nixi para ibigay sa kanya ang panyo nitong nasa kanyang likuran.
And also this is one of her reason why she canʼt stop teaching. Kahit ilang beses pa siyang ipilit ng kapatid niya na I pursue ang course niyang Law ay hindi niya pinakinggan. Her first choice is Law but it change when she met Gail, Dew baby brother. Gail become their baby even though they are not totally in a relationship.
Wala namang masama diba? Anak anakan lang naman at kapatid naman iyon ng mahal niya.
At hindi naman porque wala silang relasyon ni Dew ay hindi na pwedeng mag karoon sila ng kunwaring anak."Alam mo po, bagay na bagay kayo ng kapatid ko. Pag uwi niya po ay ipapakilala ko siya sainyo, para naman po hindi kayo sad palagi"
Jastine laughed.
Parang inirereto na siya ng mga studyante niya dahil matanda na daw ito pero wala paring boyfriend.
"Iʼm single and also not Taken but my heart is only for the man that i really love. We are not in a relationship but Iʼm always excited to say that we both love each other. When you grow older.. You will understand what l am saying" Tumayo siya. Inayos ang damit at nginitian ang mga bata.
"Letʼs start" Anunsyo niya sa mga batang exited na kung ano ang gagawin nila sa araw na ito.
Hindi na maimagine ni Jastine ang buhay niya kapag ang pinakamamahal niya ay mawala sakanya. Her work is not just a work. Dew is not the man that she love but also her Home.
Ano na lang kaya ang mangyayari sa kanya kapag biglang mag bago ang ikot ng mundo niya. Siguro hindi na muling mag liliwanag ang mundo niya kung ang nag sisilbing liwanag na nag bibigay ng kasiyahan sa kanya ay biglang mapagod at mag hanap ng ibang daan.
BUONG ARAW ay hindi naalis ang ngiti sa labi ni Jastine. Ang ginhawa ng kanyang pakiramdam at parang gusto niyang sumigaw sa subrang saya na nararamdaman. Tama talaga yung Malungkot ka tapos napapalitan ng saya kapag may mga taong nakapaligid sayo na handa kang pasayahin.
Parang siya na ang pinaka maswerteng tao na mayroong mga tao sa palagid niya na handang pasayahin siya sa tuwing malungkot siya.
"You look happy" Napatingin siya sa nag salita.
Mas lalong napangiti siya dahil sa nakita. Lumapit siya kay Dew na nakatayo sa poste ng ilaw habang ang kamay nito ay nasa loob ng bulsa ng pantalon. Nang makalapit ay kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.
"Ang saya ko lang" Wika niya habang nakapikit at dinama ang yakap ng kaibigan sa kanya. Kahit sa pag yakap ay ramdam niya ang ginhawa. Kaya gustong gusto niyang yakapin ang binata dahil ang lambot din ng katawan niya na parang teddy bear. "Dew" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522