05

42 4 0
                                    

Days turn to weeks and weeks turn to months.

Lagi na lang malungkot si Jastine dahil ilang buwan na niyang hindi nakikita ang binata at ngayon ay kausap niya ito sa video call.

"Jas, Huwag kang sumimangot jan" Inis na wika ni Dew sa kabilang linya.

"Miss na kasi kita, Dew! Dalawang buwan ka na jan, e" Walang dumaan na araw na hindi niya nilagyan ng ekis ang kalendaryo sa kanyang kwarto. "Kailan ka ba uuwi?" Tanong niya.

"Hindi ko din alam" Mas lalong nainis si Jastine. Lagi na lang Yun ang naririnig niyang sagot sa kaibigan niya. "Pag balik ko may ipapakita ako sayo" Nabago ang ekpresyon ng mukha niya napalitan iyon ng excitement.

"Really?" Masaya niyang sabi habang iniikot ang buhok niya gamit ang daliri.

Tumango si Dew saka nag paalam na aalis na. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumangayon dahil kailangan na din niyang pumunta sa paaralan upang maglinis.

Clean and green ngayon at hindi naman niya hahayaang ang mga studyante niya pa ang mag lilinis. Inilagay niya lahat ng gamit sa bag niya saka nag paalam sa ama na aalis muna.

Nang makasakay sa kotse ay mabilis niyang binuksan ang makina sabay paharorot ng mabilis.

PAGLABAS NA pag labas ni Jastine sa kotse ay kaagad siyang napamura ng lumitaw sa harap niya ang lalaking kinaiinisan niya ilang araw na.

Nakangiti ito sa kanya habang hawak ng isang kamay ang kulay pulang rosas. Iniabot iyon sa kanya pero tanging tingin lang ang nagawa niya.

"Flowers for you" Binibigyan niya ako ng bulaklak.. Ni minsan hindi ako binigyan ng bulaklak ni Dew. Umiling siya at saka nilagpasan ang binata. Ayaw niyang tanggapin dahil kapag tinanggap niya iyon ay baka mag iba ang ihip ng hangin.

Pag pasok sa classroom ay naramdaman niyang pumasok din ang binata. Hindi niya iyon pinansin basta nakita ng mata niya na inilagay ng binata ang bulakbak sa vase.

"Iʼm here to help" Rinig niyang wika ng binata.

Imbis na pansinin ay nag hanap siya ng maayos na walis tampo. Nang makahanap ay sinimulan niya ang dapat na gawin niya.

Gusto niyang matapos kaagad ang pag lilinis niya dahil ayaw niyang malapit sa kanya ang binata. Hindi naman sa nangdidiri siya basta ayaw niya lang dahil alam niyang hindi yun magugustuhan ni Dew.

Mahigit dalawang oras din silang nag linis. Kinakausap siya ng binata pero dedma lang ito sa kanya. Mabuti na lang ng mapagod sa kakasalita ay tinantanan na siya nito at itinuon ang atensyon sa pag lilinis.

Bumuntong hininga si Jastine saka kinuha ang tubig na nasa bag. Kaagad niya iyong ininum dahil sa subrang pag kauhaw.

"Gusto mo bang kumain? May alam akong malapit na restaurant dito" Pakatapos maubos ang tubig ay nilingon niya ang nag salita. Napalunok kaagad siya ng makita itong nakahubad habang ang pawis nito ay nag lalakbay sa kanyang katawan.

Damn! Bakit ang hot niya tignan!

Umiling iling si Jastine sabay iwas ng tingin. Cheater na ba ako nito? Hindi naman diba!

"Mag damit ka nga" Sabi niya. Oo naiilang siya dahil ito ang unang beses na makakita siya ng ganong kasarap na pagmasdan. Hindi kasi nag huhubad si Dew sa harap niya dahil bakit naman ito mag huhubad?!

Narinig niyang natawa ang binata kaya inis niya itong nilingon. "Bakit ka tumatawa?!" Wala na siyang pakealam kung maingay siya basta naiinis na talaga siya.

"Naiilang ka kase" With that, unti-unti itong lumapit hanggang sa tumigil ito ng isang dangkal na lang ang lapit sa kanila.

Ramdam ni Jastine ang hiningang tumatama sa kanyang leeg. Ramdam din niya ang pag bilis ng puso niya hindi dahil sa kilig, kundi sa kaba na baka mahalikan siya ng kaharap.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now