17

29 3 1
                                    

Nakangiti kong tinitignan ang dalawa kong kapatid at si papa na nag lalaro ng bingo. Sabado ngayon kaya walang trabaho. Si Dew ay sinamahan si Lalaine mag pa check up. Lagi na lang nga silang mag kasama e.

"Ate, Sali ka!" Hinila ako ni Jonelle kaya nag pahila na lang din ako. Mas masaya yatang makipag laro kesa ang pag masdan na lang silang tatlo.

"Sa letrang I! Numero tres" Sabi ni Papa habang nakatingin sa bilog na hawak niya.

"Walang tres sa I ko" Reklamo ni Jonelle with matching kamot ulo.

Tinignan ko din ang sakin at kagaya niya ay walang tres sa Letrang I ko. Malas naman.

"Meron sakin!" Masayang anunsyo ni Janelle kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.Isa na lang para mabuo niya ang laro habang kami ng kapatid ko ay ang letrang B at O palang ang meron.

Nang araw na iyon ay hinayaan ko lang ang sarili ko na mag enjoy. Madami kaming nilaro kung hindi pa yata kami nagutom ay hindi pa kami matatapos sa pag lalaro.

"Ngumiti kayo, ah" Sabi ko habang inaayos ang camera. "5 second lang ito kaya umayos kayo" Sinet ko sa 5 second ang timer at saka mabilis na pumunta sa posisyon nila Papa. Inayos ko ang sarili ko at saka ngumiti sa camera. Sakto namang umilaw iyon patunay na nakunan na kami ng picture. "Tignan ko" Excited akong lumapit sa camera at mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa nakita ko.

Sa litrato ay ang tatlong taong pinakaimportante sa akin. Ang ganda pag masdan ng mga ngiti nila.

Bigla ay napaluha ako dahil sa kasiyahang nararamdaman. Lagi na lang akong emosyonal nitong mga nag daang buwan siguro dahil masaya lang talagang kasama ang pamilyang tunay.

Umiwi ako ng gabi sa bahay ni Dew. Kagaya ng lagi kong nadadatnan sa tuwing umuuwi ako ay ganon parin. Si Lalaine mas lalong lumalaki dahil kain ng kain. Doctor pero hindi alam na pwedeng mahirapan siya sa panganganak kapag mas lalong lumaki ang katawan niya.Si Dew? Kaharap nag laptop niya at busy sa ginagawa.

Napabuntong hininga ako at saka lumapit sa kanya. Hinalikan ko ang pisngi niya saka umakyat sa itaas. Ganon na lang lagi ang ginagawa ko. Hinahayaan niya akong halikan siya sa pingi, pero hindi niya ako magawang kaisapin o kaya hindi man lang kami nag karoon ng oras para mag kausap.

Pag pasok sa kwarto ay inilapag ko ang bag ko sa kama saka inihiga ang katawan. Humikab ako kaya naman tinakpan ko ang bibig ko. Bakit ba lagi na lang akong inaantok? Hindi naman ako kulang sa tulog e.

Akmang ipipikit ko na ang mata ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Dew na bitbit ang laptop niya.

Pinag masdan ko lang ang bawat galaw niya.Hindi ko na siya nakukumusta at hindi ko na siya nayayakap. Miss na miss ko na siya pero hindi ko magawang sabihin dahil natatakot ako na baka hindi niya lang ako pansinin. Ilang beses akong lumapit sa kanya pero iniiwasan niya ako.

Umayos ako ng higa saka tuluyang ipinikit ang mata. Sa ngayon ay hahayaan ko muna siya hanggang mawala ang tampo niya sa akin. Naramdaman kong lumupog ang sa gilid ko at alam kong sumampa si Dew sa kama. Matutulog na yata? Pero maaga pa para matulog siya.

Bigla ay naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko kaya naman napakagat labi ako. Anong ginagawa niya? Hindi niya ba alam na may kiliti ako sa tenga?!

"I love you" Mahinang bulong niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.Yung takot at pangamba ko ay parang unti-unting nawala at yung mga nasa isip ko ay biglang nag laho na parang bula. Humarap ako sa kanya, hindi siya nagulat dahil siguro alam naman niyang gising pa ako.

Ngumiti ako sa kanya saka hinalikan ang labi niyang hindi naman malayo sa akin. "Goodnight" Wika ko ng matapos ko halikan ng mabilis ang labi niya. Kahit hindi ko sabihin na mahal ko din siya ay alam niya iyon. Ngayon ay kailangan ko lang matulog dahil antok na antok na ako.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now