“Wow! Fresh ang Justine” bungad ni Aidan ng malakabas ako ng kwarto. Kanina pa siya nag hihintay sa paglabas ko dahil gusto niya daw na siya kaagad ang makita ko.
Ang daming alam pero tanga naman pumili ng mamahalin.
Imbis na pansinin siya ay nilagpasan at iniwan ko siya. Nakapang alis na ako ng damit dahil ang plano ko ay mamayang lunch ako aalis. Since na late ako ng gising at 10 am na ng umaga ay naligo at nag ayos na ako ng sarili.
Pakatapos kong ayusin yung damit ko kagabi ay nagulo lang din ngayong umaga dahil mali mali ako ng napaglagyan.
Pag dating sa kusina ay nakaupo na si Samantha.Na late din yata ng gising dahil magulo ang kanyang buhok at singkit pa ang kanyang dalawang mata.
Naupo ako sa tabi niya na wala namang naupo saka kumuha ng pag kain. Binati ko pa siya sandali dahil baka sabihin niya na derederetso lang ako sa pag kain.
Sa pag sasandok ko ay napatingin ako kay Aidan na nilalaro ang kanyang dila sa kanyang loob. Parang tanga ang loko.
“Aalis ka na ba?” Bigla ay tanong ni Samantha.
Akala ko tulog pa siya kase di niya naman ako pinansin kanina.
Tumango ako at ipinalaman ang itlog sa tinapay. Mabuti na lang ay kahit mayaman tong si Samantha ay kumakain parin ng tinapay.
Panay ang paninipa ni Aidan sa paa ko habang kumakain kaya panay rin ang pag iwas ko. Hindi ko alam kung anong nakain niya kaya ganito ka isip bata ngayong umaga. Nang matapos ang breakfast ay bumalik ako sa kwarto pero kaagad siyang sumunod kaya naman binilisan ko ang aking pag lakad.
“Hoy, Teka lang” Rinig kong sabi niya kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pag lalakad.
Ano na naman bang kailangan niya? Matapos niya akong sipasipain kanina ay eto siya para kausapin ako? Gago ba siya?
“Justine!” sigaw niya.
Bahala siya sa buhay niya.
Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko at bubuksan ko na sana ng magulat ako na nahawakan niya ang braso ko.
Masama ko siyang binalingan ng tingin saka mabilis na pinalo ang kamay niya. “Bakit ka ba nanggugulat?!”
“ihahatid na kita papunta sainyo,” Hawak niya ang kamay niyang pinalo ko. Medyo malakas din iyon kaya siguro ay nasaktan siya.
“Mag tataxi na lang ako. Huwag ka na mag abala pa, Aidan” Sabi ko saka tuluyan ng binuksan ang pinto ng kwarto.
Sumunod siya papasok kaya hinayaan ko na lang.
“Mag sasayang ka lang ng pamasahe” Sabi niya. Naupo siya sa dulo ng kama habang ako naman ay inilalagay na sa plastik ang labahan ko.
“Mag sasayang ka lang din ng gas kung ihahatid mo pa ako”
Rinig ko ang pag buntong hininga niya. Nang lingunin ko siya ay nakahiga na siya sa kama habang ang kamay niya ay tinatakpan ang mata niya.
“Babalik na ako ng manila mamayang gabi” Muling sabi niya. “Biglang uwi sila lola galing ameramica e, tapos kailangan namin ni Sam pumunta kaagad” Malungkot ang tuno ng pananalita niya kaya siguro panay ang pangungulit sa akin.
“Gusto kitang samahan sa pag momove on. Gusto kita makasama kase pwede na, may pag asa na ako” Bigla ay nilingon niya ako dahilan para pumareho ang landas ng aming mga mata. “Jus, Alam ko hindi ka pa nakaka move on kasi ilang araw palang naman yung lumipas. Alam ko rin na nasasaktan ka parin at kahit hindi mo aminin, alam kong na mimiss mo na siya. Pero pwede bang pag okay ka na,Buksan mo naman ang puso mo para sa akin? Hindi ko alam kung kailan ako babalik pero ikakandado ko tong puso ko para sayo”May maliit na butil ng luha sa kanyang mata pero hindi parin niya pinuputol ang tingin niya sa akin.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
De TodoStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522