Kahit dito natulog ng ilang araw si Janelle ay hindi ko ito nakausap ng maayos. Ilang beses ko ipinakita na nasa tabi niya lang ako, pero kahit ano na yatang pag papansin ang gawin ko ay parang isang bagay ako na walang halaga.
Dew comfort me every time i cry because of my sister. Lagi itong nakasupporta sakin. Naging panyo at unan ko siya ng mga araw na iniiwasan ako ng kapatid ko. One time i saw her crying. Nanginginig ang kanyang kamay. May minsan pang gusto ko siyang pasukin sa kwarto kaso nakalock ito kaya hinayaan ko na lang.
"She will be okay" Minsang nasabi sa akin ni Dew ng makita niya akong palihim na nakatingin kay Janelle.
Alam kong sinasabi niya lang iyon dahil ayaw niyang mag alala ako ngunit wala akong ibang magawa kundi ang patuloy na pag alala lalo na kung makakatulong naman ako. Pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang kapatid dahil hindi ko man lang siya kayang tulungan.
Nang isang araw pa siya nakauwi sabahay ni papa. Sinundo siya ni Ate Jasmine kasama ang asawa nito kaya nakampante ako. Even my father did not know what's happening to her. Ilang beses ko din tinanong ang kambal nitong si Jonelle at ilang beses din niyang sinasabi na wala siyang alam.
Hindi ko na talaga alam kung anong nang yayari at mabuti na lang ay laging nasa tabi ko si Dew.
"Kain ka na" Inilapag ni Dew ang pag kain sa harap ko kaya tiningala ko ito saka ngumiti. Pati sa pag kain ko ay siya na ang nag hahanda.
"Thank you" Wika ko saka kinuha ang kutsa at tinidor upang simulang kumain.
Naupo siya sa harap ko. "Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo, Jas" Malungkot na wika nito sakin habang tinitignan akong kumain. "Alam kong nag aalala ka sa kanya, pero alagaan mo din ang sarili mo"
"Okay lang naman ako, e" Sabi ko.
Okay ako hanggang kaya niyang manatili sakin kahit napapagod na ako sa nangyayare ngayon.
"Kasama mo ako sa laban na ito, Jas" Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon. Kaya niya pa kayang hawakan iyon kapag bumitaw na ako?
Umiling ako at napatango sa kanya.
Bakit ba iniisip ko ang bagay na iyon?
Hinatid ako ni Dew sa school pakatapos. Pati siya ay naabala ko dahil sa sariling pinapasan. Pakiramdam ko pasuko na ako dahil hindi ko na kinakaya. Pero sa tuwing makikita ko ang ngiti at ang labi niyang humahalik sa noo ko ay hindi ko magawang gawin iyon.
"Ikaw ang lakas ko. Sayo ako kumukuha ng lakas at kung dumating man sa puntong pati sayo ay sumuko ako, lagi mong tandaan na sumuko lang ako dahil gusto ko na mag pahinga" Bulong ko sa kanya nang minsang makatulog siya bigla sa bisig ko.
"Good morning" Bati ko sa mga studyante ko. Kahit sakanila ay hindi ko magawang ngumiti at maging masigla. Sinusubukan nilang patawanin ako pero nauuwi lang iyon sa pag iyak nila dahil sa ginagawa kong pag buntong hininga. Pero kahit ganon ay hindi nila ako sinukuan.
"Good morning, Teacher Jastine" Masaya parin nilang bati sa akin.
Sinimulan ko ang pag tuturo matapos ang maikling batian. Hindi pa nga nag sisimula ay parang gusto ko na kaagad makauwi. Gusto kong makita si papa para yakapin siya ng mahigpit. Gusto ko makita ang mga kapatid ko na masaya at lalong gusto ko makita ang sarili ko na maging matatag pa lalo.Nang matapos ang klase ko ay maaga ko silang pinauwi.kanina pa ako nakakaramdam ng pag kahilo.
Hindi ko na nagawang itext o tawagan pa si Dew para sunduin ako. Ayukong isturbuhin na naman siya sa trabaho. Mabuti na lang ay nakauwi ako ng ligtas. Kaagad akong nahiga ng makapasok ako sa kwarto.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522