Six days before Christmas I decided to finally move on. Lumabas na din ako ng kwarto tapos nung pag labas ko ay sa subrang gulat ni papa ay napaiyak siya sa balikat ko. Kahit nasasaktan parin at may kirot sa puso ko ay pinilit kong ngumiti sa harap niya. Ayuko na siyang makitang malungkot dahil malungkot ako. Gusto ko maging masaya siya dahil masaya ako.
Ang hapon ay sumapit kaya tinulungan ko si papa na mag decorate ng bahay. Nag lagay siya ng Christmas light sa labas namin at sa gate para daw makulay. Ako na man ay sa Christmas tree. Nilagyan ko ng ibat ibang kulay at desenyo iyon hanggang sa magustuhan ko ang design. Pinuri ako ni Papa dahil maganda daw ang pag kakadesenyo ko kaya napangiti ako at napayakap sa kanya. Pakatapos namin mag decorate ay pinalitan namin ang kurtina na ang design ay Reindeer at si santa-claus. Nasubrahan kami sa saya kaya hindi na namin namalayan ang oras na mabilis na palang lumilipas.
Gabi na ng mapagpasyahan naming mag pahinga. Nag luto din ako dahil gusto daw ni Papa ng paborito niyang adobo. Sabay kaming kumain kasama ang dalawa kong kapatid na sina Jonelle and Jonella. Kambal silang dalawa at close sa isat isa pero hindi ko close dahil mag kaiba kami ng ama. Pero kahit naman ganon ay tinuturing ko parin silang kapatid.
"Nahihirapan na ako," Rinig kong sabi ni Jonella. Kaharap niya ang ilang librong nag kalat sa study table niya at halata na ang pagod na nararamdaman niya. Lumingon ako sa katabi ng kama niya na kama naman ni Jonelle. Mahimbing nang natutulog ang kapatid kong lalaki.
"Anong problema?" Pumasok ako sa kwarto nilang nakabukas. Napatingala sakin si Jonella at halata ang hiya sa kanyang mukha. "Christmas break niyo naman ah, bakit ka nag aaral jan?" Dahil hindi na ako nakapagturo simula ng bumalik ako ay hindi ko na din alam kung kumusta ang mga batang tinuturuan ko. Miss ko na din sila kaya sa pasukan ay babawi ako sa kanila.
Kita ko ang pag kagat labi niya at ang pag kuskos ng kanyang kamay. "You need help?" Tanong ko.
Kagaya niya ay ginagawa ko din ang pag kuskos ng kamay lalo na kapag kailangan ko ng tulong. Dahan-dahan siyang tumango kaya napangiti ako at kaagad na hinila ang isang upuan para gamitin. Itinabi ko iyon sa upuan niya kaya mag kadikit kami ngayon. Inintindi ko ng mabuti ang inaaral niya at ng makuha ay itinuro ko iyon sa kanya.
Alam ko kung gaano kahirap ito sakanya lalo na kung graduating na. Naranasan ko din naman yun, pero hindi ako humingi ng tulong dahil alam kong kaya ko. Pero mag kaiba kami ni Jonella e.
Nag pasalamat siya sakin matapos ko siyang turuan. Next morning come. Nag tulungan ulit kami ni papa. Ako ang nag dilig ng mga halaman niya sa bakuran at siya naman ang nag linis ng bintana. My two siblings are busy with their academic. Kahit Christmas break ay hindi nila tinantanan ang pag aaral. I'm so proud of having them. Yung iba kasi ay ayaw na ayaw mag aral pero yung dalawa kong kapatid ay ibang iba.
Nabalitaan ko din kay tatay na kakauwi palang pala ng dalawa nung isang araw dahil kila ate Jasmine na muna niya ito pinatulog. Mabuti na lang nga ay nakauwi na sila dahil parang ang boring naman kung kaming dalawa lang ni Papa ang nandidito sabahay.
"Anak, hindi pa ba kayo nag uusap ni Dew?" Biglang tanong ni papa na nag patigil ng aking ginagawa. Simula ng bumalik ako dito ay hindi ko na siya kinausap pa. Hindi na ako galit sa kanya ngunit may kirot parin sa puso ko.
Wala naman akong ibang magagawa kundi ang mag move on dahil yun naman lagi ang ginagawa ko.
"Ayuko po muna siyang pag usapan" Sagot ko.
Tumango siya sakin at hindi na muling nag tanong. Nang araw na iyon ay puno ng kasiyahan sa bahay namin. Jonelle and Janelle decided na mag palaro sa pasko at new year. Hindi malaki ang family namin kaya kami kami lang at ang pamilya ni ate Jasmine. Nang hapon ay mag isa akong nag shopping dahil gusto kong regaluhan ang buong pamilya ko. Hindi ako nakapag bigay ng regalo last Christmas dahil kahit Christmas break noon ay nasa school ako. Kasama ko noon si Dew kaya kahit papaano ay masaya parin ang Christmas ko.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522