Paano mo pa ba masasabing matatag ka kung unti-unti ay nawawalan ka na ng pag asa? Dalawang araw na simula ng mamatay ang kapatid ko. Hindi ako umuwi at ang ginawa ko lang ay ang umiyak dahil hindi ko na kaya. Ayuko na ipilit ang sarili kongmag kunwaring okay kahit hindi naman talaga.
Pinunasan ko ang mata ko saka tinignan ang litrato naming apat nila papa. Wala na nga si Ate, wala na din si Janelle. Sino pa ang susunod? Parang hindi ko na kaya.
Hanggang ngayon ay hindi alam ni Dew ang nangyari sa kapatid ko. Wala na akong balak pang malaman niya dahil ayukong kaawaan niya lang ako. Pina crimate ko kaagad ang katawan ni Janelle dahil hindi ko kayang tinignan siya habang naka higa sa kabaong na hindi ko inaasahang maaga kong makikita.
Ang sakit at gabi-gabi ay dinadalaw niya ako sa panaginip ko, lagi niyang sinasabi na magiging okay lang din daw ang lahat. Kailan? Kapag tuluyan na akong napagod?
Kahit ang kapatid kong si Jonelle ay pilit akong pinapalabas ng kwarto. Kaming dalawa lang sa bahay dahil hindi ko na muna pinauwi si Papa. Gusto kong mag pahinga muna siya sa hospital kung saan hindi alam ni Dew. Dapat sinasabi ko ang nangyayari sakin, pero laban ko ito at ako ang mag aayos nito.
Kaya ko naman na wala siya e, ayuko lang na umasa sa kanya.
Ibinalik ko ang litrato sa lalagyan at saka inayos ang sarili. Ang sikip sikip na ng dibdib ko at sigurado akong kapag pinagod ko pa ang sarili ko ay baka mahimatay lang ulit ako. Lumabas ako ng kwarto, Gulat man si Jonelle ay kaagad ding napangiti kahit pilit lang. Kahit siya, hindi kayang ngumiti ng normal.
Kambal niya ang nawala sa kanya na kalahati niya. Mas lalo tuloy akong nalulungkot dahil sa mukha niyang hindi na maipinta dahil katulad ko, nag dadalamhati din siya.
Lumapit ako sa jar na ang laman ay ang abo ni Janelle. May kandila doon kaya sinindihan ko. Miss ko na kaagad siya.
Pakatapos ay lumabas ako ng bahay at nilapitan ang kotse ko. Gusto kong puntahan si Papa para naman hindi siya mag alala. Baka nag iisip na naman yun ng kung ano-ano.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng biglang may tumigil na kotse sa harap ng bahay namin. Kahit hindi ko na hintayin kong sino ang lalabas ay kilala ko na.
"Jas" Tawag sa akin ni Dew pag kalabas niya ng kotse niya. I fake my smile para hindi niya mahalatang malungkot ako.
Hinintay kong makalapit siya sa akin. Sana hindi siya magalit sa akin dahil hindi ako umuwi ng dalawang araw.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit saakin si Dew.
"Gusto kitang makita. Hindi ka umuwi ng dalawang araw, e" Pilit akong napangiti. Paano kung sabihin ko ang nangyari? Pero wag na lang dahil kaya ko pa namang kimkimin itong nararamdaman ko.
"May pupuntahan ako" Sabi ko.
Bigla ay nag iba ang ang ekspresyon ng mukha niya. "Mag kita na lang tayo sa susunod, Dew" Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at saka sumakay. Alam kong may mga tanong na sa isip niya na nabubuo, Pero kailangan ko munang umiwas sa kanya dahil ayukong kaawaan niya ako, ayukong mag iba ang tingin niya sa akin.
Pag dating sa hospital ay mahigpit ang pag kakahawak ko sa damit ko. Gusto kong maging normal sa paningin ni papa dahil ayukong mag alala pa siya ng husto. Pag dating sa harap ng kwarto ni papa ay huminto ako. Huminga ng malalim saka tinulak ang pinto pabukas.
Handa na akong ngumiti pero biglang napalitan ng walang esmosyon ang mukha ko ng makitang nakaluhod si Ate sa harap ni papa.
Napatingin ako kay papa na pulang pula ang mukha at ang mata. Mabilis akong lumapit sa kanya. Ano bang nangyayari?!
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RastgeleStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522