Hindi pa nga ako masyadong maayos dahil sa pag kawala ng kapatid ko ay ito na naman yung sakit na pauliʼt ulit na lang na bumabalik.
Kailan ba matatapos ito? Nakakapagod na kase, paulit ulit na lang.
Naupo ako sa bakanteng upuan.Malakas ang buhos ng ulan at hindi ko maipaliwanag kung bakit parang sinasabayan ako nito sa nararamdaman ko. Hindi ako umuwi kahit gabi na, wala na akong pakealam kung hanapin niya ako dahil ayuko na makita pa si Dew.
Mas pinili niya ang babaeng yun kesa sa akin. Doon palang ay talong talo na ako. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sariling maiyak. Ayuko na umiyak dahil sa kanya at gusto kung iiyak man ako ulit sana huli na iyon.
Pagod na ang mata ko e, pagod na ang sarili ko.
Habang malakas na umuulan ay sinasabayan ko ang pag humming ng isang kanya. Baka
Sakaling tumila para makaalis na din ako.Sa gita na ng pag huhumming ay biglang may tumabi sa akin kaya naman napalingon ako. Nabilog ang dalawa kong mata at handa na sanang tanungin si Aidan ng bigla itong umiling sa akin. Anong ginahawa niya? Bakit nandidito siya, e alam naman niyang umuulan na nga ng malakas.
“Sometimes its okay to be alone” Anito habang nakatingin sa pag buhos ng ulan. “Yung sakit na nararamdaman mo ay nababawasan” Malungkot ang boses niya kaya alam kong may problema din siya. Mag kaibigan nga talaga kami. “Jas, Alam kong pagod ka na, alam kong nag titiis ka na lang” Bigla akong napatahimik at napatigil sa pag humming. “Bakit ayaw mo pang bitawan kung napapagod ka na sa pag hawak?Ganon mo ba siya kamahal kaya kahit saktan ka ng paulit ulit ay okay lang?”
Kahit ako, hindi ko alam kung bakit pilit kong hinahawakan ang isang taong gusto nang humiwalay. Nasimulan ko na, bakit ko tatapusin?
“You will never understand me, Aidan” Kung may roon mang taong maiintindihan ako yun ay ang sarili ko lang. Walang ibang makakaintindi sanararamdam ko kundi ako lang. Kase kahit ilang beses kong sabihin sa kanila ang rason ko, they will never understand my point.
Narinig ko siyang bumuntong hininga at pakatapos nun ay hindi na muling nag salita. Sabay naming hinintay na tumila ang ulan, mahigit isang oras din iyon dahil tila sinasabayan talaga ako ng langit sa pagiging malungkot.
Nang tuluyang tumila ang ulan ay tumayo ako sa kinauupuan ko. Wala akong balak umuwi sa bahay ni Dew dahil ayukong mag away kaming dalawa. Mas mabuti nang sa bahay namin ako pansamantalang tumira dahil dun, walang mananakit sa akin.
Hindi ko na pinansin pa Si Aidan.Deretso akong nag lakad palayo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nalaman niya kung nasaan ako pero hayaan na lang dahil sa simula palang ay alam ko naman na binabantayan niya ako. Nang makarating sa bahay ay kaagad kong binuksan ang switch. Madilim kase at hindi kita ang loob dahil sa subrang dilim. Hindi pa naman masyadong gabi dahil 6 pm palang.
Nag luto ako ng sakto lang para sa akin. Kumain akong mag isa at nag hugas pakatapos. Siguro kung wala sa buhay ko si Dew, laging ganito ang set up ko.
Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin sa buong bahay. Wala akong maramdaman kunti lungkot na lagi akong sinasamahan. Pakiramdam ko, mag isa lang ako. Bakit ba ganito? Kung kailan kailangan ko siya, lagi siyang wala. Pero isang tawag lang ni Lalaine, Darating na kaagad siya.
Sa gitna ng pag iisip ay biglang nakarinig ako ng pag katok sa pinto. Wala akong inaasahang pupunta dito e. Dahan-dahan ay nag lakad ako papalapit sa pinto at nang buksan iyon ay ganon na lang ang gulat ko ng makita si Dew na malungkot na nakatingin sa akin.
Nandito na naman ba siya para saktan ako?
“Jastine” Malungkot ang boses niya ngunit hindi man lang ako nadurog. “Umuwi ka na,Umuwi na tayo” Suddenly the slight pain in my chest disappeared. Bakit sa salitang lang yun ay natunaw ang lungkot at pangamba sa puso ko? Bakit ang dali dali niya akong makuha.
Umiling ako sa kanya. Huwag kang uto-uto, ginagawa lang niya lang sayo kase kailangan ka niya, pero kung hindi ay hindi ka niya lalapitan.
“Ayukong umuwi, Dew” Hanggang nandun si Lalaine hindi ako uuwi. Pagod na akong itago yung inis ko sa kanya, pagod na akong itago na nasasaktan ako kahit durog na durog na ako. “Umuwi ka na, kailangan ka ng mag ina mo” Saying those words to him is killing me.Dapat ako yun e, Dapat ako yun!
Sinubukan niyang hawakan ako pero lumayo ako. Hindi pwedeng mahawakan niya ako dahil alam kung isang hawak lang, Kuha na na naman niya ako.
“Hindi ko kaya na wala ka, umuwi na tayo”
“Ayuko nga, Dew!” Dahil sa pag lakas ng boses ko ay kita ko ang gulat sa kanyang mata. Ni minsan hindi ko siya sinigawan,kaya siguro ganon na lang ang pag ka gulat niya.Pinakalma ko ang sarili ko bago muling nag salita. “Look, Hindi mo ba napapansin? Sirang sira na ang relasyon natin, Sirang sira na dahil hinayaan mong pumasok sa buhay natin si Lalaine. Sinasabi mong may responsibilidad ka sa kanya, pero paano naman ako? Ako ba dapat ang laging mag aadjust? Ako ba lagi ang dapat na umintindi?tangina! Pagod na akong umintindi, Pagod na akong mag pigil at higit sa lahat pagod na akong hilain ang isang taong sa una pa lang ay ayaw nang mag pahila” Pinigilan ko ang luhang gusto akong takasan. This time, ayukong umiyak. Ayukong makita niyang nasasaktan ako ng subra dahil sa kanya.
“Matatapos lang ang pag hihirap kong ito kung mag hiwalay na lang tayo” Kung makikipag hiwalay ako, hindi na ako masasaktan, hindi na ako iiyak at mas lalong hindi ko na kailangan pa ang atensyon niya.
“Ayuko, Jas” Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa kanya. “Hindi ako papayag at hindi ka makikipag hiwalay sa akin” With that, Mabilis siyang nakalapit sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko. Tinutulak ko siya palayo ngunit dahil sa subrang lakas niya ay hindi man lang siya nakalayo sa akin.
He touched my nape and put more emphasis on the kiss on my lips. it was full of love, but I did not move.He continue kissing me and when he felt it he stopped and looked at my eyes with full of emotion.
“Did i hurt you unknowingly, Jas?” Ramdam ko hininga niya sa leeg ko. Ang ulo niya ay nasa balikat ko dahilan para maramdaman ko ang pag tibok ng puso ko para sa kanya. “I already told you that if i hurt you unknowingly, You just need to tell me, but why you keep on accepting it even you canʼt haddle it anymore” Because thats the only way to prove to you that i love you. Na kahit anong klaseng sakit ang ibigay mo sa akin, Na kahit ilang beses mo akong saktan nang hindi mo nalalaman, tatanggapin at tatanggapin ko iyon dahil ganon kita ka mahal, na kahit ang kapalit nun ay ang kasiyahan ko, okay lang kase pag dating naman sayo masaya ako.
"I can remove the fear in your heart if you just tell me how you feel, But you prefer to keep everything to yourself even though I'm here ready to let you know that you have nothing to fear because I'm ito you, Jas” Naramdaman ko ang pag tulo ng isang mainit na likido sa dibdib ko. Hes crying because of me.. Umiiyak siya dahil nasasaktan ko siya.. “Sayong sayo ako pero bakit naman ganito, Jas? Pinaparamdam ko naman na nasa tabi mo lang ako, pero bakit parang ikaw na mismo ang lumalayo? Bakit mas pinipili mong isarili ang lahat? Nandito ako, nag hihintay lang palagi sayo”
Sa dami ng sinabi niya ay wala ni isa ang gustong lumabas sa bibig ko. Gusto ko lang na marinig ang nararamdaman niya upang malaman ko kung tama pa bang ipag patuloy itong relasyong wala kasiguraduhan.
“Huwag mo akong iwan, hmm” He didn't want me to let him go. He just want me to stay at his side because I'm his rest. Dahan-dahan ay niyakap ko siya.
Huli na ito.
Ito na ang huling beses na mananatili ako sa kanya at kapag hindi ko na kaya ay lalayo na ako ng tuluyan kahit ayaw niya.
Kailangan niya ako ngayon at gusto kong iparandam sa kanya na nasa tabi niya lang ako. I want him to know that even he hurted me many times, I will still here, Keeping my promise to him.
Nang gabing iyon ay wala na akong nagawa nang isama niya ako pauwi. Sinabi niya din saʼkin na kaya siya tinawagan ni Lalaine dahil gusto lang daw siyang makita nito kaya kaagad niya akong pinuntahan sa bahay. Hindi niya daw alam na ganon lang Pala ang gusto ng babae kaya iniwan niya ito at pinuntahan ako.
Something in my chest melt. Hindi ko alam kung ano iyon pero alam kong sa sarili ko na kapag di ko na kaya lalayo na ako kaagad at hindi mag papakita sa kanya.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522