Isang araw na ang lumipas ng huli kong makausap si Dew. Ipinag tatabuyan niya parin ako tulad ng una naming pag kikita, Pero hindi ko hahayaan na hanggang dun na lang yun.
Ngayon ay nasa hospital ulit ako.Nasa opisina niya at hinihintay na lang siya. Kanina pa ako nag hihintay pero okay lang dahil hindi pa naman malamig ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Alam ko kasing hindi na siya nakakapag almusal sa kanila kaya ipinag luto ko siya ng paborito niyang ulam.
Habang inaayos ang lamesa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang kanina ko pa hinihintay.
Ngumiti ako at kinaway siya ngunit ang tanging ibinigay niya sa akin ay ang seryuso niyang mukha na hindi na maipinta.
“Ano ba ang hindi mo maintindihan sa sinabi ko?” Yan ang kaagad niyang sabi ng makalapit siya sa akin. Ramdam ko ang kaba dahil ibang iba ito sa Dew na kilala ko. Para kasing kakainin niya ako ng buhay dahil sa klase ng pag kakasabi niya nun.
Pero imbis na matakot at umatras ay pilit akong ngumiti at itinago ang nararamdamang kaba.
“Ipinagluto kita ng paborito mong ulam.” Nakangiting sabi ko. “Alam ko naman kase na hindi ka nakakapag almusal sa sa--”
“I dont need your food. Umalis ka na” Aniya.
Naupo siya sa kanyang sofa at kinuha ang laptop sa tabi. Binuksan niya iyon at dahil gusto kong makita kung anong gagawin niya, ang nakita ko ay ang wallpaper niya kasama si lalaine at si Quincy.
Taena ang sakit na naman.
Palihim kong hinawakan ang dibdib ko. Okau lang yan, pinili mo namang iwan siya, diba?
“Iiwan ko na lang yan dito. Babalikan ko yung lalagyan” Patungkol ko sa tupper ware. Hindi ko naman kasi yun! Kay Cire yun at sa totoo lang ay siya ang ipinagluto ko dahil hindi naman ako marunong.
Mabilis kong kinuha ang bag ko sa tabi niya. Ni hindi man nga lang ako pinansin o binalingan mg tingin. Bago tuluyang lumabas ay nilingon ko siyang muli. Titiisin ko na lang muna ang mga ginagawa niyang pag tulak sakin palayo.
Nang makalabas ay derederetso akong lumabas ng hospital.tatambay na muna ako sa coffee shop na nakita ko malapit dito dahil wala akong balak na umuwi.
Wala naman akong kasama doon.
“Good morning, Maʼam” Bati sa akin ng isang babae na nag bukas ng pinto.
Nginitian ko siya at saka nag hanap ng mauupuan.
“Miss, What is your order?” Napaangat ako ng tingin. Tinignan ko ang nameplate niya at binasa ang naka sulat.
Dianna Keith.
“ salted Caramel Frappe” Sabi ko saka inilagay ang bag sa bakanteng upuan.
“Is that all?” Tanong niya na tinanguan ko. “Okay. Wait for a minute, Maʼam” Aniya bago umalis.
Ilang minuto ang hinintay ko bago ilagay sa lamesa ko ang inorder ko. Bago kunin iyon ay napatingin ako sa kabilang table na nasa harap ko lang. Ang sweet nila sa isat isa.. Parang kami lang ni Dew noon.
Umiling ako.
Kaya mo naman ibalik ang lahat ng noon sa ngayon, Just, Tiwala lang sa kaya mo.
Habang ineenjoy ang inorder ko ay biglang may naupo sa bakante pang upuan na nasa harap ko. Natakpan tuloy ang kaninang tinitignan ko.
“Hi!” Ngunot ang noo na tinignan ko ang umupo. Gwapo, matangos ang ilong, singkit, at gwapo ulit. “Can i get your number?” Dahil sa tanong niya ay napataas ang kilay ko.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522