18

27 3 0
                                    

Hindi ako nakakain ng maayos dahil hindi tumigil ang dalawa na mag sagutan. Nasa gitna ako kaya naiinis ako sa tuwing nag aaway sila. Mabuti na lang ay tulog pa hanggang ngayon si Lalaine dahil kung gising na siya ay baka mang gulo din iyon.

Ako ang nag ligpit ng pinag kainan namin. Si Yaya ang nag hugas dahil hinila ako ni Dew palabas ng garden. Sumunod si Aidan kaya nainis si Dew. Gusto niya sanang suntukin kaso pinigilan ko dahil bisita ko si Aidan.

Kung ang dalawang ito ay hindi mag kakasundo, mas mabuting hindi sila mag sama. Ako ang namomoblema sa kanilang dalawa e.

"Stay away to my girl" Wika ni Dew ng makitang lalapit sa akin si Aidan dahil may gustong sabihin. Napabuntong hininga ako. Ganito ba siya mag selos? Na kahit yung nireject ko ay pag seselosan niya?!

Walang nagawa si Aidan kundi ang manatili sa kanyang pwesto. Mag kakaharap lang kami at sa gitna namin ay ang pabilog na lamesa. Sa ibabaw ng lamesa ay ang cake at ang juice na inihanda ni Yaya para sa desert namin.

Tunaw na ang yelo sa juice kaya sa tingin ko ay hindi na malamig iyon. Walang may balak gumalaw kaya naman kinuha ko ang cake ko at saka kinain iyon. Ako na lang ang kakain kung ayaw nila.

"Akin na ito" Sabi ko kay Dew. Kinuha ko ang cake sa harap niya dahil ubos ko na kaagad ang cake ko. Ang sarap kase.

"Akin na din ito" Kinuha ko ang cake ni Aidan. Bahala sila mag tinginan lang jan basta ako ay kakain lang dahil ang sarap ng cake.

Habang kumakain ay ramdam ko ang pag tingin nila sa akin na para bang gusto nila akong pagsabihan dahil sa katakawan ko.Hindi naman ako matakaw, sadyang masarap lang ang cake.

"Hindi ka naman kumakain ng Vanilla Cake, ah" Natigil ako sa dapat na pag subo ng huling kutsara ng cake at dahan-dahan ay tinignan ko ang cake na nasa kutsara ko. Vanilla nga!

Kahit si Aidan ay nag taka pero isinubo ko parin ang cake na huling kain na lang naman. Pakatapos ay kinuha ko ang tubig saka ininom iyon at inubos. Busog na ako.

"Gutom ako kaya kinain ko na" Pag sisinungaling ko. Hindi ko din naman kase alam kung bakit kinain ko yung hindi ko naman gusto.

"Ang weird mo ngayon, Labby cakes" Dahil sa sinabing iyon ni Aidan ay pareho kaming napalingon sa kanya ni Dew. Kahit hindi ko makita anv itsura ni Dew, alam kong naka poker face na naman siya."Ay.. Sorry" Pag sosorry niya kahit hindi naman talaga siya nag sosorry.

Tumayo si Dew kaya napatayo din ako. Akala ko ay lalapitan niya si Aidan pero akala ko lang pala iyon.Dere-Deretso siyang pumasok sa bahay nang hindi man lang sinasabi kong saan pupunta.

Tuloy ay naiwan kaming dalawa ni Aidan.

"Seloso naman pala yang Dew mo, e" Wika niya. Sinong hindi aalis kung napipikon na? Baka ako?

"Mag usap na lang tayo ulit, Aidan" Tumayo ako, kinuha ang mga pinagkainan ko. "May aasikasuhin pa ako" Kailangan kong alamin kong ano na ang balita sa kaso ng kapatid ko. Hindi pwedeng basta ko na lang yun iasa kay Cire. Mabuti nga at may kilala siyang abogado dahil kung hindi ay baka hanggang ngayon ay wala parin akong bakukuhang katarungan.

Kunti na lang, Jas, kunting kunti na lang at malalagpasan mo din ito. Tiwala lang kay god, tiwala lang sa mga taong nakapaligid at minamahal ka, tiwala lang sa kakayahan mo, mag tiwala ka sa sarili mo.

Nang hapong iyon ay dumeretso ako sa opisina ng abogadong kaibigan ni Cire. Gusto ko na kaagad matapos ito para maging maayos na ang kapatid ko. Wala na din akong pakealam kung mawala sa akin si ate, basta ang kailangan ko ay ang katarungan. Nag kausap kami ng abogado at sinabing kailangan ng ebedensya. Wala akong sapat na ebedensya dahil walang nakakita ng nangyari.. Meron pala pero mas piniling kampihan ang asawa.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now