27

20 2 0
                                    

“Anak,Mag patingin ka na kaya sa doctor? Lagi ka na lang nahihilo at saka ang putla putla mo” Nag alalang sabi sa akin ni tatay. Inilapag ko ang bag ko sa sofa at saka naupo sa bakanteng upuan. Sa harap ko ay ang pagkaing nakahanda na para sa dinner.

“Lagi lang po akong puyat at kulang sa exercise. Huwag na po kayong mag alala dahil okay ako” Sinubukan kong abutin ang baso na may tubig pero hindi ko iyon naabot dahil nandilim ang paningin ko.

“Okay ka lang ba?”Tanong ni Tatay. Lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang noo ko. “Nilalagnat ka” Aniya.“Kukunan kita ng gamot. Kumain ka na jan kahit kunti lang” Bago siya umalis ay kinuha niya ang nasong inaabot ko kanina. Nag pasalamat ako saka kumuha ng tinidor at kutsara na nakahanda sa lamesa.

Hindi ko malaman kung anong nangyayari saakin. Sa loob ng anim na buwan na nanditi ako, Walang araw na hindi sumasakit ang ulo ko.Hindi ko din masabi kila tatay dahil ayukong mag alala sila sa akin. Siguro kailangan ko na talagang pumunta sa hospital para mag pa check up.

“inumin mo toh pag katapos” Inabot sa akin ni tatay ang gamot na kaagad ko namang kinuha. “Huwag kang nag papagod ng subra, Justine.” Mahinahon na aniya pa niya.

Tanging pag tango lang ang naisagot ko kay tatay. Ni pag buka ng bibig ko ay parang hindi ko na din kaya.

Pag katapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto ko. Tapos ko na ding mainom ang gamot kaya pwede na din yata akong matulog.

Nang pag higa ko sa kamay ay siyang pag tunog ng selpon ko. Kinuha ko iyon at kahit hindi ko makita ng maayos ang pangalan ng caller ay sinagot ko na.

“Hello?”Sabi ko.

“I miss you” Malungkot na boses na sabi niya.

“Bat ang lungkot ng boses mo?” Takang tanong ko. “Di mo na ba kaya jan? Miss mo na ba maganda kong mukha? Umuwi ka na.” Gamit ang isang kamay ay inalis ko ang tali ng buhok ko.

“kung pwede ko lang lakarin ang america papunta jan sainyo ay baka nagawa ko na noon pa” Napangiti ako bigla. Para naman kasing tanga.

“Umuwi ka na, kailangan kita” Sabi ko.

“Kahit naman hindi mo ako kailangan ay pupuntahan kita. Pero hindi pa sa ngayon dahil may tinatapos pa akong trabaho.”

“Pake ko sa trabaho mo? Umuwi ka na, Aidan” Umuwi ka na dahil kailangan kita ngayon. “Inoman tayo pag uwi mo” Natatawang yaya ko dahil hindi naman totoong iinom kami.

Pag katapos ng call ay ipinikit ko ang mata ko. Mas lalong sumakit ang ulo ko at parang kailangan ko na lang na itulog.

Kahit nakapikit pa ang mata ko dahil inaantok pa, Ramdam ko ang pag babago ng naamoy ko. Alam ko rin na umaga na dahil kanina ko pa naririnig ang boses nila tatay at ng kapatid ko. Kahit nga gising na ako ay pinipilit ko paring ipikit ang mata ko dahil antok na antok pa ako.

Pero ngayon ay may mabigat na bagay ang nakapatong sa tiyan ko. Hindi ko alam kung ano iyon dahil ni hindi ko nga ibinuka ang mata ko.

Dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mata at nakita ang nakangitingin si Aidan na ginamit na unan ang tiyan ko.

“Ang bigat mo. umalis ka jan” Sabi ko dahil ramdam ko ang paninikip ng hininga ko. “Anong ginagawa mo dito? Akala ko hindi ka pa uuwi” Nang makaupos siya sa dulo ng kama ko ay saka lang ako tumayo at inunat ang buong katawan ko.

“Na miss lang kita” Nakangiting sabi niya. Mula sa dulo ng kama ay nilapitan niya ako at kaagad na hinalikan sa noo. Pakatapos ay tinignan niya ako. “Kumakain ka ba sa tamang oras? Bakit pumayat ka?” Nag tatakang tanong niya na kahit ako ay nag taka na din.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now