I try not to think about my ate Jasmine. Ilang beses niya kase akong binisita sa panaginip at sinasabing babalik saakin ang lahat ng ginawa kong pag papahirap sa pamilya niya. Well, Hindi pa ako nag sisimula.Mag sisimula palang pero hindi ko alam kong kaya ko bang pahirapan sila kase kahit ganon ay pamilya ko parin naman siya.
Pero hindi.. I want her to suffer. Gusto kong pag bayaran ng asawa niya ang lahat ng kagagohang ginawa nila sa inosente kong kapatid.
The case that i file to both of them is successful. Nanalo ang kaso ng kapatid ko dahil mismong katulong na mismo nila ang umamin.
"You canʼt do this to me, Jastine!" Sigaw ni ate ng makita niyang pilit na hinihila ng dalawang police ang asawa niya. I smirk. He deserves it, Ate.
Tinalikuran ko siya upang humarap sa kaibigan ni Cire. Nag pasalamat ako sa kanya dahil ang laki ng naitulong niya sa akin at sa kapatid ko.
Nang matapos ang pag uusap namin ay kaagad akong umuwi ng bahay kung saan nanduon na si Papa."Pa!" Tawag ko sa kanya. Abala siya sa pag aayos ng mga gamit niya dahil bukas ay aalis siya kasama si Jonelle. I told them that it's better na lumipat na lang sila para makalimot sa nangyari. Mas safe sila sa province dahil doon ay alam kong walang Jasmine na mang gugulo sa kanila.
Nang makalapit kay papa ay hinawakan ko ang balikat niya dahilan para mapatingin siya sa akin. He smiled at me so i smile with him too.
"Hindi ka ba talaga sasama?" Malungkot na tanong niya. Ayukong iwan si Dew lalo na ngayon pa na madali na ding manganak si Lalaine.
"Bibisitahin ko kayo palagi kaya huwag kang malungkot, Tay" Baka pag malungkot siyang umalis ay baka sumunod kaagad ako sa kanya. Ayuko naman nun!
Hindi niya inalis ang lungkot sa kanyang mukha. Alam niyang kapag malungkot siya ay hindi ko siya kayang matiis, Pero ngayon ay nakayanan ko. Kailangan ako ni Dew at mas lalong kailangan na ako ng mga studyante ko.
Miss ko na ang pag tuturo mabuti nga lang ay hindi pa ako pina resign e. Nag handa si Papa ng makakain naming tatlo kaya subrang saya ko. Kahit may nawala ay okay naman pala basta masaya sila. Kinahaponan nun ay tinulungan ko silang bumitbit ng gamit para ilagay sa compartment ng Van na nirentahan ko lang para hindi na sila mag bus pa. Masyadong hassle yun lalo na kay papa na hindi na kayang tumayo ng matagal.
Matapos tumulong ay inasikaso ko din ang gamot ni papa.kailangan kompleto ang lahat ng gamot niya para mabilis lang ang pag galing niya. Binilinan ko din si Jonelle na pag dating sa probinsya namin ay alagaan niya ng mabuti si Papa. Silang dalawa lang ang mag kasama kaya dapat mag tulungan silang pareho.
"Mag iingat kayo,Ah" Sabi ko kila papa. Nakasakay na sila sa van at handa nang umalis. Tumango sa akin si papa at si Jonelle naman ay nag ba bye sa akin. Ngumiti ako sa kanila sa huling pag kakataon. Ngayon lang kami mag hihiwalay kaya kailangan kong maging busy para hindi ko sila ma miss.
Ibuksan ng driver ang makina ng sasakyat at dahan-dahan ay umandar. I waved my hand to them kahit hindi na nila ako kita dahil tuluyan ng nakatalikod ang van sa akin.
Nang makauwi sa bahay ay naligo ako at nag ayos. Gusto kong yayain si Dew na kumain sa labas para naman makabawi ako sa kanya.I wear a White dress na hanggang sa tuhod ko. Hindi naman purong white dress yun dahil may kunting design naman sa itaas lalo na sa may manggas. Nag lagay din ako ng kunting make up at liptint dahil gabi na din naman.
Pag katapos mag ayos ay kinuha ko ang cellphone ko. Handa na sanang tawagan si Dew nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang unaʼt huli kong mamahalin.
"Dew!" Sigaw na tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin na may ngiti sa labi kaya lumapit ako sa kanya ay binigyan siya ng halik sa labi. Mabilis lang yun dahil ayaw kung masira ang lipstick ko.
YOU ARE READING
When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You)
RandomStatus:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522