28

20 2 0
                                    

Because of what she said, my eyes suddenly burst into tears. My heart beat even faster.

No.. Hindi pwede..

Mabilis na lumapit sa akin si Aidan at kahit siya ay naiyak na din. Kaya ba nag alala siya kase may alam na siya? Kagaya ko ba ay hindi niya din matanggap?

Akala ko masakit yung malamang may sakit, pero may mas masakit pa pala doon. Mas masakit kapag kunti na lang ang panahon na natitira saiyo.

Iyak ako ng iyak.

Kahit sa pag uwi ko ay umiyak ako. Hindi ko kinausap si tatay dahil ayukong mag alala siya lalo na at alam ko na kung ano ang mga dahilan ng pag kahilo ko.

Iʼm sick and i canʼt accept it.

“Just, You can cry with me. Lalabanan natin yan, tahan na.. Tahan na” Mahigpit ang pag kakayakap niya sa akin. Nakakatawang hindi niya ako iniwan kahit na ipinagtabuyan ko na siya kanina dahil sa nalaman ko.

Nakakatawa dahil parang ako pa yung nakarma.

“Shhh. Tahan na”

Gusto kong tanungin kung bakit ako pa pero hindi ko iyon masabi dahil ako mismo ay naging pabaya sa pag aala ng sarili.

“Can you let me?” Tanong ko sa kanya.

May gusto akong gawin at gusto kong payagan niya ako kahit alam kong madudurog siya.

Tiningala ko siya at pilit na ngumiti.

“Hahayaan mo ba akong bumalik sa kanya?” Muli ay may luhang tumakas sa aking mata. “Hahayaan mo ba akong... Sa kanya ko..”Napapikit ako. Bakit ang sakit?!

“Sa kanya ko ilaan yung natitirang araw ko?” Mas lalo akong naiyak.

May taning na ang buhay ko.

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha.Naiinis ako sa sarili ko dahil mahal naman niya ako at ramdam ko iyon. Pero bakit sinasaktan ko siya ng ganito?

Dahan-dahan ay tumango siya.

“Just come back to me.. Bumalik ka dahil mag hihintay parin ako sayo” Nang sabihin niya iyon ay mas niyakap niya ako ng mahigpit. Alam kong nasasaktan na siya at ngayon ay masasaktan ko ulit siya dahil sa gagawin ko.

Nang araw na iyon ay inayaan niya akong gawin ang gusto ko. I wanna say sorry to him but i cant even say a word. Ang malaking pag kakamali na nagawa ko ay yung sinagot ko siya pero hindi ko naman minahal. I entertain him but i never feel the gossip. Paano ko ba masasabi ang sorry?

Alam ko na higit na nasasaktan siya dahil sino naman ang hindi? Minahal at inalagaan niya ako ng mga panahong turog ako pero hindi ko iyon pinahalagaan. At ngayon ay ang lakas ng loob kong humingi sa kanya ng isang bagay na alam kong ikakadurog niya.. Ang balikan ang taong una at huli kong mamahalin.

Ang unfair kong tao pero huli na ito dahil wala ng susunod pa.

I take a deep breath.

Nasa harap ako ngayon ng hospital ni Dew. Nasa kotse ni Aidan habang tinatanaw sa malayo. Hawak niya ang kamay ko ng mahigpit. Alam ko naman na ayaw niya, talagang sumangayon lang siya dahil alam niyang hindi ko siya titigilan.

“Iʼll call you every day,” Panimula niya. “Sagutin mo lang palagi para hindi ako mag alala.” Tumango ako sa kanya at saka ngumiti.

Sana makahanap siya ng babaeng mag mamahal sa kanya tulad ng pag mamahal niya sa akin.

Pag labas ko ng kotse ay inayos ko ang sarili ko. I even look at my self in the mirror if my face is okay. Baka kase makita ko kaagad si Lalaine mamaya at baka masira pa ang plano ko ngayong araw.

When Tears And Rain Collaborate (I Think Of You) Where stories live. Discover now