"EASY, honey!" Mayamaya ay nagpapaalala si Juniel kay Bernadette.
She was on her last month of pregnancy. Araw na lang halos ang hinihintay nila sa pagdating ng kanilang panganay.
Abala si Bernadette sa pagbe-bake ng cake. Maghapon na halos siya sa kusina.
Kaninang umaga ay limang espesyal na putahe ang iniluto niya. Bahagyang pahinga lamang ang ginawa niya matapos mananghali at hinarap naman ang paghahanda ng dessert.
Gustuhin man ni Mariel na tulungan siya ay wala itong magawa. Madali itong mapagod nitong mga huling araw at kahit ang pagbibiyahe ay ibinawal ng doktor. Disappointed nga ito dahil baby shower pa naman ngayon ni Bernadette.
Hindi na hinanapan ni Bernadette ang Mama Roselle niya para siya tulungan. Naiintindihan niyang sabik na sabik ito sa unang apo na ilang araw pa lang buhat nang ilabas mula sa ospital. Ang mahigpit lang niyang bilin ay dumating ang mga ito sa hapunan.
Nakatira sila sa mansion ng Tita Dorina niya sa Alabang. Doon na sila nagpasyang manirahan, tutal, ang bahay ni Juniel na minana nito sa ama ay ipinagamit kina Roi at Carmela. Ngayon ay madalas nga roon si Roselle at inaagawan ang mag-asawa sa pagkarga sa cute na baby boy.
"Angel" ang pangalan ng baby nina Roi at Carmela. Bagay naman ang pangalan dito dahil sadyang anghel ang kawangis nito.
Napapitlag si Bernadette nang agawin sa kanya ni Juniel ang beater at ito na ang nagpatuloy sa ginagawa niya.
"Why don't you take a seat, honey?" masuyong sabi nito sa kanya.
Ngumiti siya at hinila ang katabing silya. She was quite heavy with their child. At madalas ay nahuhuli niya ang pagsulyap-sulyap ni Juniel sa malaki niyang tiyan. Mababakas sa mga mata nito ang init ng pagmamahal, ang pagmamalaki at kasiyahan sa nalalapit na paglabas sa mundo ng kanilang sanggol.
Inabot niya ang baking pan, greased it and waited for the mixed ingredients. Pagkatapos niyon ay wala na silang gagawin kung hindi ang ihanda ang mesa.
The occasion was exclusive for the family from both sides. Malaki ang pagpapasalamat niyang dumating ang magkakapatid na Queenie, Jude at Tody with his wife Marra.
Ang mag-asawang Dorina at Romulo ay nangakong dadalaw kapag nanganak na siya. Naghihinayang nga ang mga ito dahil hindi nakauwi ngayon dahil may naunang appointment na dadaluhan si Romulo na hindi pupuwedeng ipagpaliban.
Naghihikab pa si Queenie nang bumungad sa kitchen. Ngunit maliban doon ay walang palatandaang galing ito sa pagtulog. Palagi na ay maayos ang anyo nito. Her hair was neatly combed. Her face was fresh.
"Sorry, Princess. May jet lag pa ako. Hindi man lang ako nakatulong sa preparations." Hinayon nito ng tingin ang mga nasa mahabang mesa. "Oh, even the husband is making himself busy," amused na dugtong nito.
Tumawa nang marahan si Juniel. "We're always like this, Queenie. Lalo na ngayon at para sa pagdating ng aming baby ang okasyong ito."
"How sweet..." tila nananaghiling wika ni Queenie bagaman masaya ito para sa kanila.
"Gusto mong magmeryenda, Queenie Romalyn?" alok ni Bernadette. Napangiti siya nang makita ang pagsimangot ng magandang mga labi ng pinsan.
"Please, Bernadette, don't call me like that. Alam mo bang sa Amerika ay si Mommy lang ang nag-aaksaya ng panahong tawagin ako sa second name ko? Sometimes, when she calls me 'Roma' ay nanini-bago ako. I asked her nga, 'My, are you talking to me?'" ani Queenie with matching wry facial expression na ikinatawa nilang tatlo.
"And what's wrong with such a name?" sabi naman ni Juniel. "Roma."
"Goodness! Please, nagmamakaawa ako sa inyo," eksaheradong wika ni Queenie. "I guess, babalik muna ako sa kuwarto ko kaysa naman pagtulungan ninyo akong mag-asawa. I haven't wrapped my gift yet. Iyon muna ang aasikasuhin ko."
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...