NARAMDAMAN ni Marra na bumaba ang mga kamay nito sa kanyang maliit na baywang.
Kinabig siya nito at ganap siyang nakulong sa mga bisig ni Tody.
Ang mga labi nito ay bumaba sa kanyang leeg. He was kissing her deliberately, licking the hollow of her creamy neck. Pakiramdam niya ay nagmistulang tubig ang mga tuhod niya na anumang sandali ay magko-collapse.
Lalo pang nangahas ang mga labi ng lalaki. Tila nag-iiwan iyon ng apoy sa kanyang laman.
Isang marahas na paghinga ang tumakas sa kanya. She despised her weakness... ngunit natagpuan niya ang sariling nagpapaubaya.
Hinawakan niya ang ulo nito at kinatagpo ang mga labi nito.
It had been three years. Three years of wanting and longing. Ni minsan ay hindi ito nawala sa isip niya. Gaano man ang kanyang pagsisikap na kalimutan ang lalaki ay hindi niya iyon napagtagumpayan.
He was still her husband. The husband she had learned to fall in love with.
"Tody..." she cried while trying to end the nerve-wrecking kiss. "Tigilan natin ito. Mali."
Kagyat siya nitong binitawan. "You're right. We must stop." The fire in his eyes suddenly disappeared.
Kaswal na sinulyapan nito ang gold wristwatch. Nang balikan siya nito ng tingin ay tila yelo ang pumalit sa ekspresyon. "I have a business meeting to attend. After three years of not seeing you, we both know a quickie won't do justice to such a long time."
She was in shocked silence. Sa ilang sumunod na sandali ay pilit na in-absorb ng utak niya ang sinabi nito. Then she felt an utmost rage.
"How dare you!" singhal niya. "Pumunta ka rito para lang... para lang..." Ni hindi niya makuhang ituloy ang nais na sabihin.
Sarkastiko itong ngumisi. "There's nothing wrong with wanting to make love to each other. You're my wife. I'm your husband. Hindi iyon nabago sa nakalipas na tatlong taon. It is perfectly natural."
Mariin siyang umiling. "I'd rather burn in hell!"
"I could give you a more pleasurable burn, Marra. And you know that." Hindi nabubura ang ngiti sa mga labi nito.
"I won't allow that to happen! Hindi ka na muling makakalapit sa akin. Tapos na sa atin ang lahat."
Nagkibit lamang ito ng mga balikat.
"I still want you, Marra. And I'm telling you, I didn't come here just to see you. We still desire each other. Pero hindi rito sa lugar na ito mangyayari ang nais natin pareho." Iginala nitong muli ang mga mata sa kabuuan ng dressing room.
"Why don't you just leave?" she said softly. Sira na ang lahat ng depensa niya.
"I will. But I promise you, Marra. We'll see each other again. It's just a pity we can't make love now. And not here. I want it to be all night." Muli itong sumulyap sa kanya at saka siya iniwan.
WALANG isang minuto matapos na lumabas ng dressing room si Tody ay pumasok naman agad sina Rachel at Paul.
Wala siyang ideya kung saan naghintay ang mga ito ngunit tiyak niyang nasa malapit lang ang mga ito. Ngayon nga'y iniisip niya kung ano ang narinig ng mga ito.
Pagkakita kay Paul, alam niyang nabigyan na ng sagot ang marami nitong tanong sa kanya noon. Madalas itong magtanong tungkol kay Tody ngunit palagi siyang umiiwas na sagutin.
Maaaring sinabi na rin ni Rachel ang totoo kay Paul. At wala na siyang pakialam sa bagay na iyon. Naisip niyang mas mabuti na nga ang ganoon na alam na ng binata.
"Let's go home," sabi niya kay Rachel.
"Hindi ka pa nagbibihis," anito.
Nakasuot pa rin siya ng pink leotard. Matamlay niyang isinuot ang roba.
Malapit lang naman sa teatro ang inuupahan niyang flat.
"Gusto ko nang umuwi," aniyang nilagpasan na ang dalawa.
"Marra!" habol ni Paul.
"Please?" Nakikiusap ang tono niya.
Marahan itong tumango at bakas ang simpatya sa anyo nito.
SA LONDON man o sa Amerika, hindi nagbabago ang trabaho ni Rachel sa kanya. Pagdating sa flat ay diretso siya sa kuwarto.
Inihiga niya ang pagal na katawan habang si Rachel ay inaayos ang mga gamit niya.
Pero mas higit ang pagod na nararamdaman niya ngayon, not just physically, but she was also emotionally exhausted.
"May messages ang mama mo sa answering machine," anunsiyo ni Rachel nang pumasok sa kuwarto.
Wala sa loob na tumango siya. At pagkatapos niyon ay nabalik uli sa malalim na pag-iisip.
Ngayon ay gusto niyang pagsisihan na itinago pa nila sa mga magulang ang paghihiwalay. Pinaniwala nila ang mga ito na gusto muna nilang mai-establish ang sari-sariling career bago pagtuunan ng atensiyon ang pagpapamilya.
Maybe not having a baby was a blessing in disguise. Noong bagong kasal sila ni Tody at kasalu-kuyang nag-e-enjoy ng kanilang honeymoon ay hindi nila pinag-usapan ang pagkakaroon ng anak. At hindi rin naman sila gumamit ng kahit na anong proteksyon.
Ngunit hindi siya nabuntis. At hindi rin siya aware na eventually ay ganoon nga ang posibleng mangyari. Naging aware lang siya pagkatapos ng isang buwan at nagsimulang magtanong ang parehong partido. Iyon din ang simula ng hindi nila pagkikibuan ni Tody.
He was busy building his business at nagsisimula na rin siyang ma-bore sa pagiging plain housewife. She was missing her life at the theater. She realized she wanted to perform again.
At para mangyari iyon, kailangan ay hindi siya mabuntis. At problema niya kung paano iyon sasabihin kay Tody. She wanted to go back to her ballet and she didn't want to get pregnant yet.
Subalit hindi niya alam kung paano iyong sasabihin sa asawa. At wala rin siyang lakas ng loob.
Nagsimula siyang gumamit ng pills. Palihim at ingat na ingat upang huwag malaman ng asawa. It was effective dahil wala ring pagbabagong idinudulot sa hubog ng kanyang katawan.
Ngunit sa pagdaan ng mga araw ay lalong tumitindi ang pressure. Her parents wanted a grandchild. At mas lalong sabik ang partido ni Tody.
Paano'y si Tody ang kauna-unahang nagpakasal. Inunahan pa nito ang panganay na si Jude dahil mukhang malabong mag-asawa ang huli.
Brokenhearted si Jude at maaaring iyon ang dahilan kung kaya sa halip na ito ang ipagkasundo sa kanya ay naging si Tody.
Jude seemed not capable of falling in love again. And besides, he was like an older brother to her.
Kung nagkataong ito ang ipinagkasundo sa kanya ay baka nagrebelde siya.
Habang naghihintay ang lahat sa pagkakaroon nila ng anak ni Tody, she felt guilty as hell. Dahil habang nagte-take siya ng pills ay malabo siyang magkaanak.
--- itutuloy ---
Maraming salamat sa pagbabasa.
Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor
Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza
Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor
My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...