NAGDESISYON si Marra na pumunta sa Amerika para dalawin ang mga magulang. Tinawagan niya ang kanyang travel agent at habang naghihintay na ikuha siya nito ng flight ay nagsimula na siyang mag-empake ng ilang damit na babaunin.
Bago pa niya matapos ang ginagawa ay naram-daman niya ang pamimigat ng katawan. Iniwan niya ang ginagawa at nahiga.
Mabilis siyang nakatulog.
Nagising siya sa walang-humpay na pagtunog ng door chime.
Nang magtangka siyang bumangon ay saglit siyang natigilan. Mabigat na mabigat pa rin ang kanyang pakiramdam. Nang sapuhin niya ang kanyang noo ay nadiskubre niyang mainit iyon.
Painut-inot siyang tumayo. Gumabay siya sa dingding hanggang sa makalabas ng kuwarto. Kung kaya lang ng kanyang katawan ay liliparin na niya ang main door.
Kung sinuman ang taong nasa kabila niyon ay makakatikim sa kanya ng maaanghang salita. Ngayon lang ba ito nakahawak ng door chime?
Habang pinipilit niyang makarating doon para pagbuksan ito ay lalo siyang nanghihina.
Sa kalituhan ay hindi na niya naalalang sumilip muna sa peep hole. She unlocked the door at pati chain lock ay agad na binuksan.
Eksaktong nabuksan niya ang pinto ay ganap siyang tinakasan ng lakas. Nabuwal siya ngunit bago pa man bumagsak ay naramdaman niyang matatag na mga bisig ang umalalay sa kanya.
NAGISING si Marra na hindi panatag ang pakiramdam, nakakulong sa mga bisig ni Tody.
Tuluyan na niyang ibinukas ang mga mata. At gayon na lamang ang pagkamangha niya nang matantong nasa loob sila ng eroplano.
Napakurap-kurap ang kanyang mga mata. Hindi iyon ordinaryong eroplano. Isa iyong private jet na minsan na niyang nasakyan noon kasama ang kanyang mga magulang.
What the hell is going on?
Kumilos siya ngunit parang groggy ang kanyang pakiramdam. Gusto niyang komprontahin si Tody ngunit parang kapos ang kanyang lakas.
"You're awake at last," mahinang sabi nito.
Kumilos ito para lalo siyang maging komportable sa kinahihigaan. Naka-adjust ang recliner ng upuan at nakahiga siya. Ito man ay ganoon din.
"W-what's happening?" tanong niya. "Saan mo ako dadalhin?"
May pinindot itong button sa tabi nito. Um-order ito ng kape at mineral water.
Mayamaya lang ay may lumapit sa kanilang flight attendant dala ang in-order ni Tody.
"Uminom ka muna," anito saka nilagyan ng straw ang bote ng tubig at iniabot sa kanya.
Walang kibong tinanggap niya iyon. Nanunuyo nga ang lalamunan niya. Nangalahati ang laman ng bote nang ibalik niya iyon sa lalaki.
"Now tell me what's going on," mahinang sabi niya. Tila nadagdagan kahit paano ang lakas niya.
"You've been very sick," sagot nito.
"Sick?" ulit niya. Ang tanging natatandaan niya ay ang sandaling kumakatok ito sa kanyang pinto. She lost consciousness at pagkatapos niyon ay wala na siyang matandaang pangyayari.
Marahan itong tumango. "You've been ill for three days."
"Three days!" manghang wika niya. Paano lumipas ang tatlong araw na hindi niya namalayan?
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...