Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 4

897 44 5
                                    


SIX MONTHS later...

"Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo, Ferdinand Roi?" Magkahalong galit at awa ang nasa tono ng kanyang mama.

Dumilim ang kanyang mukha. Bagama't nakasa-nayan na niyang humahalik sa ina ay tiyak na mahahalata nito ang kalamigan niya. Nahahapong ibinagsak niya ang sarili sa malambot na sofa.

Ni hindi niya pinansin si Angel na nagkakakawag na makawala sa abuela para sumalubong sa kanya.

"Roi, pinapabayaan mo ang anak mo," malumanay na wika ng ina.

Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. "Of course not. Kaya nga ako patuloy na nagtatrabaho ay dahil sa kanya."

Huminga nang malalim ang ina. Naupo ito sa kaibayong sofa at kinandong ang apo.

"Anak, hindi lang iyon ang punto. Hindi ka nagbibigay ng oras sa anak mo. Kung hindi pa ako madalas na pumarito ay lalo nang kawawa ang apo ko. Walang nag-aasikaso kung hindi ang katulong."

"Hindi naman puwedeng isama ko siya sa opisina," paangil na sagot niya.

"Roi, alam kong naiintindihan mo ang punto ko. Pilit mo lang isinasara iyang isip mo sa gusto kong pakinggan mo. Please, anak? Life must go on. Hindi dahil wala na si Carmela ay wala na ring halaga ang buhay mo. You're too mechanical these days. Bahay-opisina, opisina-bahay. Kulang na lang ay huwag mong pansinin ang anak mo. "

Inihilig niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Hindi na niya matandaan kung ilang beses nang sinabi sa kanya ng ina ng mga katagang iyon. Para itong sirang plaka. Paulit-ulit.

"I still provide my son what he needs, Mama."

"Somehow right. But, Roi, hindi lang materyal na bagay ang kailangan ni Angel. He needs a father. He needs you." Kinintalan nito ng halik sa ulo ang apo.

Naasam niyang sana ay tigilan na siya ng ina sa litanya nito. Subalit hindi niya masasabi iyon. Mama niya ito at gaano man ang pagkapikon niya sa paulit-ulit na pangangaral ng ina ay hindi pa siya umaabot sa puntong sagutin ito.

"Please, Mama. Hayaan muna ninyo ako," malungkot na sabi niya.

Isa pang buntunghininga ang pinakawalan nito. "Iyan ba ang talagang gusto mo, Roi? Napakahaba na ng anim na buwan para sa pagluluksa. Kailan ka babalik sa dating sarili mo?"

Gumuhit ang panibagong kirot sa kanyang mukha. Minsan ay gusto niyang magtampo sa ina at sa buong pamilya mismo. They mentioned Carmela's death so casually na tila walang halaga sa mga ito ang buhay ng kanyang asawa.

Subalit alam niyang may punto rin ang kanyang pamilya. He had been mourning since that fateful day... at ang sakit at hapdi ay tila kahapon lang.

Malinaw na malinaw pa sa isip niya ang mga detalye niyon: biktima si Carmela ng holdup. Bagama't sa pag-iimbestiga ay lumabas na hindi naman nanlaban si Carmela ay sinaksak pa rin ito matapos na makuha ang kaunting pera.

Nahuli na ang gumawa ng krimen at ngayon ay nakakulong na. Ngunit hindi pa rin siya matahimik.

He couldn't understand. Ni wala pang tatlong libo ang nakuha sa kanyang asawa. At ni wala ring suot na alahas para maging mitsa ng buhay nito. Bakit kailangan pa iyong patayin?

She wasn't raped na ipinagpapasalamat nila. Ngunit gayunpaman ay hindi pa rin iyon nakabawas sa sakit na nararamdaman niya ngayong wala na si Carmela.

He loved her. Kahit na nang mga huling araw na iyon ay nagkakaproblema silang mag-asawa. Alam niyang hindi nawala ang pag-ibig nila sa isa't isa.

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon