NAKATANGGAP ng tawag si Marra kay Paul. Iniimbita siya nitong lumabas at walang pagdadalawang-isip na pinaunlakan niya ito.
She chose a simple yet classic cut of dress in the softest jersey. Royal blue ang kulay niyon na bumagay sa kanyang kutis.
Itinaas niya ang kanyang buhok. Makinis na makinis ang french knot na sinadya niyang mag-iwan ng tendrils sa paligid ng mukha.
She applied the kind of makeup she was accustomed to ever since. A dust of sparkling blue in her eyes and a pale lipstick.
Isinusuot na niya ang sapatos na may mataas na takong nang marinig niya ang tunog ng door chime. Dinampot niya ang katernong bag at nilisan ang kuwarto.
"Marra," bungad ni Paul, "you're beautiful."
He was gay in the most respectable way. Kung titingnan ay tila tunay itong lalaki. He dressed like a man, talked like a man. His anger even burst out like a real man. But Marra knew he was soft-hearted inside.
"Shall we?" magiliw niyang tanong.
Nakangiting tumango ito.
Iniwan nila ang kanyang flat at tinungo ang kinapaparadahan ng kotse nito. Pasakay na sila nang mamataan ni Paul si Stephen.
Tinawag ni Paul ang atensyon ng lalaki.
"Going out?" Panghihinayang at lungkot ang bumadha sa mukha ni Stephen nang makalapit sa kanila.
Napangiti siya. "Paul invited me."
"Yeah," ayon naman ni Paul at nilinga siya. "But this isn't a formal date. You may join us if you want."
Kumislap ang mga mata ni Stephen. "Are you sure?"
Si Marra na ang sumagot. "Yes, why not?"
Mabilis na nagpaalam si Stephen. Halos patakbong bumalik ito sa sariling flat. At bago lumipas ang limang minuto ay nakabalik na sa kanila.
Hindi na ito nagbihis. Kumuha lamang ng jacket para nga naman umakma sa mga bihis nila.
Patungo na sila restaurant.
"THIS is like a farewell to me," deklara ni Paul matapos ang masaganang hapunan.
Napatingin si Marra dito. Hinahanap niya ang kalungkutan sa mga mata nito subalit kakaibang kislap ang naroroon. It seemed that he just found a new source of joy.
Bagaman parang palaisipan sa kanya ang salita nito ay mas gusto niyang makisali sa kaligayahang nararamdaman nito.
Si Stephen ay parang naasiwa sa anyo ni Paul. Tumikhim ito. "Paul, I think my presence here isn't—"
"No, no," maagap na wika ni Paul. "It's all right for you to hear us. Isn't it, Marra?"
Ikinibit niya ang balikat. She was enjoying her dessert. At wala naman siyang alam na personal na pag-uusapan nila ni Paul para kailanganing itago iyon sa pandinig ni Stephen.
"Okay, tell me. Why farewell? Are you resigning?"
Ngumiti si Paul. "Sort of."
"Paul!" protesta niya. Matagal na niya itong manager at nasanay na siyang ito ang nag-aasikaso ng lahat ng may kinalaman sa kanyang career. He was more than a manager to her. Kagaya ni Rachel ay naging kaibigan na rin niya ito.
Paul asked for a bottle of wine. At hindi ito nagsalita hangga't hindi sila nabibigyan ng kanya-kanyang baso. He even drank his own bago kumibong muli.
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...