PAGKABIGLA ang lumarawan sa mukha ni Marra nang mapagbuksan ng pinto si Tody.
She couldn't let herself look excited. Ilang araw ang lumipas mula nang manggaling ito sa kanyang flat. Mula noon ay hindi na ito tumawag at nagpakita sa kanya. Ngayon lang.
He was wearing slacks and a polo shirt. Kahit kailan ay class talaga ang taste nito sa pananamit. Kung minsan ay daig pa siya nito.
Kumurba ang ngiti sa mga labi nito nang makita nitong natulala siya.
"Hi!" sabi nito sa relaxed na tono.
Hindi niya nais na mahalata nito ang tuwang bumalot sa dibdib niya nang makita itong muli.
"After several days and nights, I realized that it is easier if we become friends rather than enemies."
Napatda siya sa narinig. Hindi niya inaasahan na maririnig iyon sa bibig nito.
"Friends?" ulit niya. Hindi ba't iyon ang nasa isip niya nitong mga nagdaang araw? At tinanggap na niyang hindi iyon maaaring mangyari sa kanila.
"Why not?" tugon nito.
Yes, why not? He really has no idea, malungkot niyang naisip.
Ngayon ay naisip niyang hindi rin yata tama iyon. She thought perhaps things could be amicable between them. At hindi na kailangang gamitin ang isa sa pinaka-naaabusong salita: Friends.
Why would they call themselves that way if they could consider being civilized to each other? Civilized but never friends.
How could she befriend the man she loved? The man only had to pull her into his arms to make her respond with overwhelming passion.
Maybe later, but not now. Iyon ay kung darating ang araw na magiging manhid na siya sa mga titig at hawak nito. Iyong makakalimutan niyang mahal niya ito.
Mababasa niya sa mga mata nito ang isang uri ng emosyon. Kung pakikipagkasundo nga iyon ay hindi pa niya matiyak.
"It seems you are afraid," wika nito sa magaan na tono.
Huminga siya nang malalim. Alang-alang sa kapakanan niya, ng mga taong malalapit sa kanila, bakit hindi niya subukan ang sinabi nito?
Lihim niyang inasam na mabawasan sana ang tensyong namamagitan sa kanila.
"So, are we friends?"
Tumango siya. "All right..."
"I believe friends are allowed to have dinner together."
Hindi niya inaasahan iyon. Kagaya ng hindi niya inaasahang babalik pa ito sa kanyang flat. Marahan siyang umiling. "Tody, n-no."
"But why?"
Kung alam mo lang ang dahilan. I'm afraid of you, naisip niya.
It was frightening na para bang hindi niya kayang kontrolin ang sarili basta nasa malapit ito. She was always on the edge. At kung gaano kalaki ang pag-ibig niya rito, ganoon din kalaki ang takot niyang mabatid nito iyon.
Hindi niya isusugal ang sariling damdamin para lang mapagtawanan nito.
"I guess your silence means yes," narinig niyang sabi nito.
Napalunok siya. Ano nga ba ang pakiramdam na magkasalo sila sa isang dinner? At bago pa matapos ang tila walang-katapusang daloy ng kanyang isip ay nagsalita na siya.
"Yes," tugon niya sa malumanay na tono. "Kailan?"
Bahagyang napangiti ito. "Tonight, of course. Kailan pa ba dapat?"
BINABASA MO ANG
Sometimes You Just Know - Volume 3
RomanceWalang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele p...