Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 2

621 40 4
                                    


IKINASAL sila wala pang isang buwan. Pagkatapos ay tumuloy sila sa Europa para sa kanilang honeymoon.

Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pagpapakasal nila ni Tody maliban sa mga miyembro ng pamilya at si Rachel.

Sa buong panahon ng kanilang honeymoon, natuklasan nilang compatible naman sila sa maraming bagay. They had the same taste in food. And they had a great time sa lahat ng coffee shops sa France.

She loved shopping. And Tody was very generous na bayaran ang lahat ng gusto niya.

Money was never a problem between them. Pareho silang hindi kapos sa bagay na iyon. At pareho ring walang inhibisyon sa paggasta.

All the nights were well-spent pleasurably in bed. She was a virgin bride ngunit hindi siya ganoon kainosente. She knew almost everything about sex, theoretically. Pero iba pala kapag nasa totoong sitwasyon na.

Pakiramdam niya'y ganap na siyang babae nang dahil kay Tody.

Kaya bago natapos ang kanilang honeymoon ay na-realize niyang sa maikling panahong iyon ay in love na siya sa asawa.


BUT BEING in love with her husband was not enough for their marriage to work out.

Una'y hindi naman nito alam na mahal na niya ito. At wala siyang makitang senyales o naramdaman man lang na mahal na rin siya ng asawa.

Tumagal ang pagsasama nila nang isang taon. Umuwi pa sila sa Pilipinas noong baby shower ni Bernadette.

Lingid sa kaalaman ni Tody, mahal na niya ito bagaman hindi niya tahasang inaamin dito. Kung nahahalata man siya nito sa kanyang kilos, walang kaso sa kanya.

Pero inisip pa rin niya na malamang na ang nasa isip ng asawa ay ang ideyang nagpapanggap lamang siya. Nagpapanggap na masaya at kontento.

Akala nga ng iba'y kainggit-inggit silang pareho. Kung kagaya lang daw nila ang lahat ng mag-asawa, hindi na kailangan ng divorce.

Hindi alam ng mga ito ang totoong score sa kanila ni Tody.

Hanggang sa hindi nila namalayan ay nagsimula na silang magkalamigan sa isa't isa. May mga mumunting problemang hindi nila pinagkaabalahang i-discuss man lamang o lutasin.

Hanggang sa naipon nang naipon ang maliliit na suliranin at nagmistulang higanteng pader na humarang sa pagitan nila.

Hindi na nila maabot ang isa't isa. Nagpatuloy sila sa kani-kanilang mga careers. Kanya-kanyang buhay.

At ngayon... pagkalipas ng tatlong taon na namuhay sila sa kani-kanilang mundo ay parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi ni Rachel.

Sa loob ng dalawang taon ay wala siyang ginawa kundi ang ibuhos ang buong atensyon sa pagsasayaw. At sa tuwina ay nakakabit sa pangalan niya ang apelyido ni Tody.

She was thankful na hindi masyadong maintriga sa mundong ginagalawan niya.

Marra Legaralde-Ledesma, prima ballerina. Napaismid siya sa ideyang pumasok sa isip.

Isa nang successful business tycoon si Tody. At ngayo'y nagbalik na sa Pilipinas.

Sa mga lumalabas na feature articles tungkol dito, Tody was the image of a modern husband. Their marriage survived and worked despite the odds...

NAHAWI ang kurtinang tumatabing sa sulok na iyon ng dressing room. Para sa kanya ang lugar na iyon. At wala siyang pinapayagang pumasok maliban kina Rachel at Paul.

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon