Book 4 (Riza & Roi) - Chapter 8

918 50 4
                                    


KAHIT hindi naman siya masyadong nakatulog ay magaan pa rin ang katawan niya nang bumangon kinaumagahan. Siguro ay dahil sanay naman talaga siya sa puyatan.

Inako na niya kay Dely ang paghahanda ng almusal, tutal ay sigurado naman siyang tulog pa ang kanyang alaga.

Matatapos na siya sa pagpipiprito ng bacon nang lumabas si Roi. Bagong paligo na ito ngunit pambahay ang suot na damit.

Gusto niyang magtanong ngunit pinigil niya ang sarili. Sa halip ay inaya na lang niya itong kumain.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan si Dely?"

"Naglaba na. Ako naman ang nagprisinta dahil alam kong tulog pa si Angel."

Naupo na ito sa kabisera. Animan lang naman ang parihabang mesa. Taliwas sa mansion sa New Manila na tila laging may komperensyang gaganapin sa haba ng mesa. Mahirap na ngang mag-usap nang hindi halos nagsisigawan ang nasa magkabilang dulo.

"Halika, sumabay ka na."

Humila siya ng silya. Sa New Manila ay sanay siyang kasabay sa pagkain ang pamilya Ortega basta naroroon ang mga ito.

Hindi na niya inaya si Dely. Pinauna na nito kanina na hindi ito sanay na mag-almusal.

Tahimik silang kumain. Hindi naman niya hinihintay na papurihan ni Roi ang inihanda niyang almusal. Para pritong itlog lang iyon at bacon. Ang loaf of bread ay hindi toasted dahil ganoon ang sabi ni Dely. May pinalamig na Welch's juice. Iyon ang inilabas niya para inumin ni Roi. Ayon din kay Dely.

Kagabi pa niya nakita ang saging sa ibabaw ng mesa. Naisip niya, malaki na si Roi. Kung gusto nitong kumain ng saging, de kumuha na lang ito. Hindi naman niya kailangang ialok iyon dahil baka nga ito pa mismo ang bumili niyon.

"I filed for a leave today," boluntaryong wika nito. Nasagot naman nito ang tanong sa isip niya. "I'll buy you a bed kagaya ng sabi ko kagabi. Alam ko, bukod sa napuyat ka kagabi ay hindi ka rin komportable sa higaan mo."

Malumanay na malumanay ang tinig nito. Munti mang bahid ng kaarogantehan nito kahapon ay walang mababakas ngayon. At parang gusto niyang mahiya sa concern na ipinakita nito.

Napatingin siya rito. May humahaba na itong balbas. Hindi niya alam kung sinadya nitong huwag ahitin iyon o nakalimutan lang. Ngunit presko pa rin itong tingnan, lalo at basa pa ang buhok. Siguro, paliligo lang ang sagot sa mainitin nitong ulo. Baka tinangay na ng tubig ang lahat ng sumpong nang nagdaang araw.

"Wala namang problema sa kutson. Komportable na ako roon. Hindi mo na kailangang bumili," totoo sa loob na tanggi niya.

Bahagya itong umiling ngunit nasa ekspresyon na wala ring magagawa ang pagtutol niya. "I insist. At isa pa nga pala, ako na ang magpapasuweldo sa iyo. Iyong dalawang linggo mo sa New Manila ay ako na rin ang bahala."

"Kayo na talaga ang amo ko ngayon," aniya na hindi na nag-iisip pa.

"Bakit, ayaw mo?"

"H-hindi. Wala naman akong ibig sabihin doon."

Biglang tumunog ang telepono. Siya na ang mabilis na tumayo at sumagot doon. "Ortega's residence, hello?"

Napalingon si Roi sa kanya. Hindi nito maiwasang pagmasdan ang yaya ng anak.

She was wearing a decent housedress. Mababaw ang neckline at hanggang tuhod ang haba.

"Riza, I know it's you. You just can't leave me. Tandaan mo iyan," anang tinig ni Bill.

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon