Book 5 (Marra & Tody) - Chapter 1

1.2K 40 3
                                    


NASA backstage na ng teatro si Marra ay dinig na dinig pa niya ang masigabong palakpakan. Alam niyang para sa kanya iyon.

Nginingitian niya ang bawat makasalubong niya. Sumunod na agad sa kanya ang manager niya kahit hindi pa siya nakakapagbihis.

"You did it again, my dear." Hinawakan siya ni Paul sa magkabilang pisngi at hinalikan.

Gumanti naman siya sa pamamagitan ng yakap. Kahit pa nga basang-basa ng pawis ang kanyang suot.

"Always the best," wika naman ni Stephen. He was the director of the show at hindi ito tulad ni Paul na malamyang kumilos.

May ilang panahong seryosong nanligaw sa kanya si Stephen sa kabila ng kaalamang kasal na siya. Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito.

"My idol," ani Jeanne, kasamahan niyang ballet dancer. "I'll miss you."

"Miss me?" nagtatakang tanong niya. "There will be other shows that we'll perform together."

Ngunit ngiti lang ang isinagot ni Jeanne. Niyakap siya nitong muli at saka tinungo na ang sariling bihisan.

Lumapit sa kanya ang alalay niyang si Rachel. Maliksi itong nag-abot sa kanya ng tuwalya. At kagaya ng iba ay nakangiti rin ito.

Alam niyang masayang-masaya si Rachel. Dahil bago niya ito naging alalay ay nalaman niyang masugid niya itong tagahanga.

Rachel was seeking for greener pastures in America. Ang kaso, minalas ito dahil minaltrato ng employer. Tumakas ito at humingi ng tulong sa Philippine Embassy. Nagkataong ang kanyang ama, na isang diplomat doon, ang nakausap nito.

Iyon ang tagpong dinatnan niya noon.

Unang kita pa lang niya kay Rachel ay magaan na agad ang kanyang loob dito. Kaya naman kinausap niya ang ama at walang pagdadalawang-isip na kinuha niya ang serbisyo ng babae.

That was the time na dalaga pa siya at nagsisimula pa lang siyang gumawa ng pangalan bilang ballerina.

Siya ang nagbigay ng bagong pag-asa kay Rachel. Nalaman niyang tapos ito sa kolehiyo ngunit bumaba ang morale sanhi ng dinanas na kalupitan sa banyagang employer.

Tinulungan niyang maibalik ang self-esteem nito. At bilang ganti nito sa mga kabutihan niya ay ang hindi matatawarang paglilingkod nito sa kanya.

"Nakita kong nanood din si Tody," pabulong na wika ni Rachel.

Naririnig sila ni Paul. Gayunpaman, isa itong British national kaya hindi nakakaintindi ng lengguwahe nila.

Nabitin ang kanyang ngiti. Tatlong taon na siya sa London. Tatlong taon na rin buhat nang maghiwalay sila ni Tody. They decided to end their marriage because of many reasons... na hindi naman nila pinagkaabalahang linawin sa isa't isa kung anu-ano ang mga iyon.

Iisa lang ang alam nila pareho.

Ang ideyang hindi nila natutuhang mahalin ang isa't isa.

Subalit sa punto de vista niya ay alam niyang in love siya sa asawa. Ngunit pride niya ang pumipigil sa kanya para aminin iyon kay Tody. Never would she admit that she was... and still was in love with her estranged husband. Dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon.

Pareho lang silang nahibang sa kani-kanilang mga ambisyon.

Napaunlad ni Tody ang sariling negosyo. Samantalang siya naman ay patuloy na kinikilala ng bansang Pilipinas sa larangan ng ballet.

Nagtuluy-tuloy na ang daloy ng alaala sa kanyang gunita.

She was almost at the peak of her career nang magpasya ang mga magulang nila. Noon ay naka-kasama na niya sa show si Lisa Macuja-Elizalde. Masyadong tight ang schedules niya. Kabi-kabila ang mga pagtatanghal.

Sometimes You Just Know - Volume 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon